It's the first day of March and I'm feeling all giddy about it. I even woke up an hour early to make breakfast for Alex and I. I prepared pancakes paired with bacon and even went out of my way to brew coffee for Alex.
"Is it the time of the year?", Alex asked me while sniffing her coffee like it was drugs. She and her undying love for caffeine!
"You know it! Sa sobrang excited ko, tinadtad ko ng message yung seller na dalian iship yung windbreaker jacket na inorder ko. Baka kasi hindi umabot!", I said habang inaayos ang school bag ko.
March kasi ang pinakaaabangan ko talaga sa school-calendar kasi tuwing March nagaganap ang annual initiation sa org na sinalihan ko.
No, hindi ako member ng kung anumang sisterhood, okay. I'm just one who loves the entire galaxy and the ones we can't see. In short, love ko ang Star Wars. Haha joke, but the movie franchise is one of the many reasons why I love astronomy.
Member ako ng Yugen. Isa itong school organization dedicated to astronomy and the skies above. Yugen is actually a noun na ang ibig sabihin ay profound awareness of the universe.
Feel na feel ko yung pangalan ng org namin kasi laging nacucurious ang mga tao sa ginagawa namin. It sends out a vibe na para lang kaming universe, a lot of things about us is to be known yet.
Kinikilig talaga ako kapag iniisip na two weeks nalang at aakyat nanaman kami ng bundok para sa initiation.
Walang sacrificial lamb na ihahain sa deities, okay? Ang initiation kasi ay kailangang makakita ng at least tatlong shooting star ang nag-aapply na member sa night of the initiation bago siya matanggap. I know it sounds silly but it is true!
Kaya rin konti lang ang members ng Yugen dahil may mga applicants na hindi nakakaattend sa initiation rites. Yung iba, hindi pinapayagan ng magulang na maghike at yung iba naman wala lang talagang oras.
I got lucky kasi nakuha agad ako on my first year sa university. I really, really wanted to join the organization the first time I heard it sa freshman orientation. I got a bit disappointed nga lang kasi by second semester pa makakapag-apply kasi nga the initiation happens only during March. March raw kasi it is the best time to see Orion, the constellation and the mighty hunter from Greek Mythology.
"Enjoy, Carylle! Sana may cute kayong recruit para magjowa ka naman," pang-aasar pa sa akin ni Alex.
"Sana nga! Pero alam mo naman na hindi yun ang sadya ko dun, diba?", paglilinaw ko.
Tumawa lang ng malakas si Alex habang isinisigaw ang favorite line ko from Pride and Prejudice.
Totoo naman, ah? What are men to rocks and mountains?
I will always side with adventure and spontaneous exploring.
Nagpaalam na rin agad ako kay Alex, at dali-daling isinukbit ang bag ko. Aalis na ako at maghahanap pa ako ng parking space sa harap ng building namin. Ayoko ring malate sa Myth class ko ngayong Tuesday at baka may mamiss akong fun fact or trivia sa discussion na laging tinatanong sa quiz.
As usual, ang dami na naman readings na ibinigay. Hindi talaga nakakatuwa kapag dala-dalawa ang literature subject sa isang semester. Laging take home ang readings kaya dapat masipag magbasa, buti nalang at marami akong free time sa Study Hub kasi ayoko talaga ng nagpupuyat.
The only thing that is keeping me strong today ay yung meeting ng Yugen mamaya sa 5th floor ng College of Sciences. Dun kasi ang office ni Sir Naveen, yung adviser namin na chemistry instructor ng mga science-related courses.
Ang huling rinig ko, darating raw ang recruits sa meeting para makilala na namin kung sino ang igaguide namin throughout the process. Ang gawi kasi, kailangan rin makita ng "celestial guide" which is kaming mga full-fledged members, yung shooting star para maging valid and counted. Si Ate Maris, graduate na, ang nagserve na celestial guide ko last year.
