Chapter 04

77 10 0
                                    

Chapter 04

"Marami pa ang wala sa 'tin, ah?" Tumingin sa akin si Callein at saka tumango. 

"Baka late lang," sagot niya.

"Si Cleia? Dadating ba siya?" tanong ko. May meeting kasi kami ngayon na mga officers tungkol sa magiging platform ng partylist ko. 

"Hindi ko alam, hindi na kami nag-uusap no'n." Napatingin ako sa kanya.

"Tumigil ka na?" tanong ko. 

"Manligaw? Hindi niya naman ako pinayagan. At saka baka hindi niya ako gusto." I heard him sighed.

"Imposible! Lagi ka ngang bukambibig no'n kapag kaming girls lang magkakasama!" sabi ko. Napatingin siya sa akin. 

"Really?"

"Yes. Pag-usapan niyo 'yan," saad ko at nginuso si Cleia na kakarating lang. 

"Tayo pa lang?" tanong niya sa 'kin, hindi pinapansin si Callein. Tinanguan ko siya.

"Gutom na 'ko, Kaitlyn. Kain tayo?" Cleia asked. Umiling ako. 

"Busog pa ako, eh. Si Callein na lang yayain mo, gutom na raw siya sabi niya sa akin kanina." Gulat na tumingin si Callein sa akin, ngumiti lang ako sa kanya. Tumayo siya at tumingin kay Cleia nang nakangisi.

"Tara?" anyaya ni Callein kay Cleia, pumayag naman ang babae.

Naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko at nakita kong may messages si Kurt sa akin.

From: Sweetie

Pasundo nga rito sa gate 2, marami akong dala, eh.

To: Sweetie

Sige, papunta na ako. Kain tayo sa cafeteria, gutom na kasi ako.

Tumanggi ako kay Cleia, totoo naman kasing gutom na ako. Pero syempre, gusto kong kumain kasama si Kurt. I went to the gate 2 and I saw Kurt, struggling with his things.

"Ang dami naman," angal ko nang makalapit siya. 

"Dinala ko na kasi lahat," bulong niya.

"Kain tayo." Pumunta muna kami sa room at nakita kong naroon na sila. Nagpaalam kami ni Kurt na kakain muna kami.

"What's yours?" he asked while wiping his sweat.

Sus. Higupin ko pa 'yang pawis mo, eh.

"Cordon Bleu." Tinanguan niya ako. 

"Magpunas ka pa, pawisan ka." He nodded.

"Mabaho na ba 'ko?" tanong niya at inamoy ang sarili niya. Inamoy ko ang damit niya at nakadikit pa rin doon ang pabango niya. 

"Mabango ka pa rin at syempre... gwapo ka pa rin sa paningin ko." Nginitian ko siya at pabiro niya akong inirapan.

Mabilis kaming umorder ng pagkain dahil kami na lang ang hinihintay nila. Not until I saw Cleia and Callein, talking at the cafeteria. Saktong nakita rin iyon ni Kurt at niyaya pa akong samahan ang dalawa.

"Naroon pala si Callein at Cleia, oh. Tara, puntahan natin?" Umiling ako. 

"Ako dapat kasama niyan ni Cleia kaso tinanggihan ko siya. Sabi ko yayain niya na lang si Callein. Warla kasi sila." I heard him chuckle.

"Sa ibang table na lang tayo," saad niya. 

"Ang init!" Pinaypayan ko ang sarili ko.

"Sa room na lang ba tayo? Naiinitan din ako, eh." Halos kasabay lang namin na pumunta sila Cleia at Callein sa room. Tumingin sa akin si Cleia at inirapan pa ako.

Be my Boyfriend (Athenians Series #1)Where stories live. Discover now