CHAPTER 15: SUITOR

68 2 5
                                    


CHAPTER 15: SUITOR

-Shailynne's PoV-

Hays kabagot naman... Bat ba ang antagal ng teacher namin, sana pala late na lang ako pumasok. Ganun din naman, late din papasok yung nagtuturo samin.

"Shai may naghahanap sayong poging lalake sa labas. Gusto ka daw makausap." kumunot ang noo ko sa sinabi ng kaklase namin, habang sila Pat at Ivan naman ay sabay na napatingin sakin.

"Sino?" pagtatakang tanong ko ngunit nagkibit balikat lamang ito at tsaka siya lumabas.

Patayo na sana ako nang biglaang sabay hilahin ni Ivan at Patrick ang magkabilang braso ko. "ARAY AH!"

"Hindi mo kilala tas lalabasin mo?" sabi ni Ivan sakin

"Oo nga bat mo lalabasin eh hindi mo kilala diba?" dagdag pa netong si Patrick

"Kaya nga lalabasin para makilala diba? Bitaw." pamimilosopo ko pero di pa din nila ako binitawan

"Isusumbong ka namin sa kuya mo o kaya mas maganda kay ate Shaira." sabay na pagbabanta nilang dalawa

"Alam niyo, para talaga kayong kambal. Bitaw na kasi kundi parehas kayong malalagot sakin sinasabi ko sa inyo." sinamaan ko sila parehas nang tingin at agad naman nila ako binitawan. "Gusto pang masaktan bago bumitaw eh."

Tumayo na ko at agad na lumabas ng classroom namin. Nakita ko ang isang lalake na nakasandal sa pader at nang makita niya ko ay agad itong ngumiti.

Lumapit ako sa kanya kaya inayos nya ang pagkakatayo niya pero nakangiti pa rin siya sakin.

"Hi Shailynne." bati nito kaya nginitian ko lang siya.

"Ahh.. hello? Sino ka pala?" tanong ko na ikinatawa naman niya ng mahina. "May nakakatawa ba?" pagtatanong ko kaya ngumiti ulit siya sakin.

"Wala naman, di ko kasi alam ang irereact ko sayo eh pasensya na" inilahad niya ang kanyang isang kamay. "Markus Advincula, 2nd year Ruby section."

"Ahh, nice to meet you Markus." ngumiti ako sa kaniya at tsaka siya kinamayan.

Maya maya pa ay biglang niyang inabot sakin ang isang bulaklak na may kasamang sulat. Nanlaki ang mga mata ko at bago pa ko makapagreact eh nawala na siya agad sa harapan ko.

HALA! ANO TO?!

lumingon ako sa kaliwa ko at nakita ko syang malayo na sakin at patakbong lumalakad.

"HOY! ANO TO?!" sigaw ko na ikinatawa na naman niya at sumenyas na basahin ko na lang daw. "Hala! Ano ba kasi to? Bakit may paganto hay nako."

sumandal ako sa may pader at ngayon ko lang napansin yung hawak kong bulaklak. Daisies.. Sunod ko naman binuksan yung letter at hindi ko alam kung matatawa ba ko o ano sa letter na to eh.

Hello Shailynne, sorry kung masyadong biglaan tong pagpapakita ko sayo. Lunch break, puntahan mo ko sa room namin, may sasabihin ako sayo. Salamat, enjoy your daisies.

Napailing na lang at at tsaka ako pumasok sa room namin nang dahan dahan

"HOY BAKIT KA MAY BULAKLAK?! REI TINGNAN MO OH!" halos mapatalon ako sa sigaw ni Patrick kaya yung mga kaklase ko tuloy eto, kung ano ano na ang inaasar sakin.

Tong Patrick na to talaga nako nako!

"Hoy patrick, loko ka talaga. Papatayin mo ko sa gulat." binatukan ko siya. "at ano naman sayo kung may bulaklak ako ha? Inggit ka?" lumapit siya bigla kay Ivan na nakatingin lang sakin

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 13, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mahal Ko, Bestfriend Ko ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon