Chapter 6: Childhood Friend

341 11 0
                                    

---CHAPTER 1 STARTS---

"Hoy Shai! Bilisan mo naman dyan!" pagrereklamo ni Ivan...

"Oo na. Nandyan na po." sagot ko.

Pagkalabas ko ng room ay napansin kong wala na sina J.J at Anna.

"Teka, asan sina--"

"Sina J.J ba at Anna?" loko to ah! Di ako pinatapos.

"Ah oo."

"Umuwi na sila. Antagal mo kasi eh."

"Sorry naman"

"Oo na. Halika at umuwi na tayo..."

Habang naglalakad kami sa may kanto papunta samin, ay biglang nagtext si Ate Shaira.

To: Shailynne

Shailynne may naghahanap sayong lalaki dito. sabi nya kababata mo daw sya. Basta umuwi kana. Baka kung ano pang magawa ng kuya mo.

From: Ate Shaira

??/??/13

"Oh sino yung nagtext?" tanong ni Ivan

"Si Ate." sagot ko.

"Anong sabi?"

"May naghahanap daw sakin. Kababata ko daw."

"Kababata? E halos lahat kilala ko mga kababata mo."

"Alam ko yun.." tumingin ako kay Ivan. "Sino kaya yun?"

"Malay ko."

Nag lakad na ulit kami. Nang makarating na kami sa bahay ay agad kong binuksan yung pinto.

"Ate Shaira! Kuya Sherwin! Nandito na po ako." Sigaw ko.

Dumiretso na kami ni Ivan sa sala. Nakita ko na may kausap na lalaki si kuya.

"Kuya ako na po bahala dito" sabi ko kay kuya

"Hay naku Shai.. Sige kaw na bahala dyan. Sherwin tulungan mo ko maghanda ng mga pagkain." sabi ni Ate.

Umupo na kami ni Ivan.

"Shai parang familiar sya sakin. Kamukha nya yung kaaway ko dati." bulong ni Ivan

"Oo nga nuh." sagot ko.

"Hello Shailynne at Rei." bati nung lalaki.

Rei? bibihira lang ang tumatawag kay Ivan ng Rei ah. Sino ba to?

"Sino kaba? At bakit mo kami kilala?" hinawakan ni Ivan ang damit nung lalaki na para bang naghahamon ito. "ka-close ba kita para tawagin akong Rei?" tanong ni Ivan.

"Ivan tumigil ka nga" sita ko.

"Grabe naman tong si Rei. Ang Hyper!" singit nung lalaki.

"Teka nga.. Sino kaba?" tanong ko.

"Grabe! 7 years lang ako nawala, di nyo na ko kilala." sagot nya

"Ang tagal kaya nun.. sagutin mo na lang ang tanong ko."

"Oo na.. Ako si Patrick Dela Cruz."

"Patrick?" tumango lang sya.

Patrick? 7 years syang nawala?

"Ikaw si Patrick?!" sigaw ni Ivan

"Kasasabi ko lang diba?" tanong naman ni patrick

"Ikaw si Patrick? ung kalaro namin dati?" tanong ko

"Yap! Ako yun!"

"Maniwala sayo?" tanong ni Ivan

"Oo nga."

"Ivan, diba... mataba si Patrick?" tanong ko kay Ivan

"Oo nga eh. Mukhang niloloko tayo nito ah." sagot ni ivan.

"Ako nga yun! Ang kulet nyo naman eh!" Sigaw ni Patrick.

"Weih?" sabay naming tanong

"Bahala nga kayo." biglang tumawa ng malakas si Ivan

Habang tumatawa si Ivan ay may napansin akong singsing kay Patrick. Ginawa nya tong pendat sa kwintas nya? Namukaan ko ito.

"Patrick san mo nakuha yang singsing?" tanong ko

"Alin? Eto ba?" tinuro nya ung singsing. tumango lang ako. " friendship ring natin to nina Rei dati." sagot nya

"Ikaw nga yun! Ikaw nga si Patrick Tabachoy!" sigaw ni Ivan

Sinakal ni Patrick si Ivan.. Si Patrick nga to. Haha! Nagalit sya sa sinabi ni Ivan eh... Haha! Welcome back Patrick..

"Di ka pa rin nagbabago Rei!" sigaw ni Patrick.

"Pa-patrick hi-hindi a-a-ako ma-makahinga." sabi ni Ivan

"hoy! Tumigil na nga kayo dyan." saway ko

"Mukhang nagkakasiyahan na kayo ah." sabi ni Ate Shaira

"Ate Shaira, Kuya Sherwin, si Patrick nga pala. ung mataba naming kalaro dati." sabi ko

"makapagsabi ng mataba, wagas" sabi ni Patrick

This time hindi na nya sinasakal si Ivan.

"Hahaha! Ikaw pala un! Patrick Tabachoy!" pang aasar ni kuya.

"Hindi ka pa rin nagbabago kuya Sherwin" sabi ni Patrick

"Hoy Patrick! Ang daya mo naman! bakit hindi mo sya sinakal?" reklamo ni Ivan

"Baliw kaba? bakit ko sya sasakalin e mas matanda yan sakin." sagot ni Patrick

"O siya tama na yan. Kumain na kayo." sabi ni Ate Shaira

"Salamat Ate Shaira." sabi ni Patrick.

Hay salamat at kumpleto na rin kami. Nawala kasi sya 7 years ago. 7 years old palang kami ni Ivan nun. 

Naging Gwapo tong si Patrick gawa ng d na sya mataba. Dati kasi napataba nito, kaya lagi syang inaasar nina kuya at Ivan.

---END OF CHAPTER---

(AUTHOR'S NOTE)

So here he is... Patrick Dela Cruz.. Hehe.. Maganda po ba? Vote, Like or Comment lang po... Please don't be silent... ^.^

---NightSkySakurax13---

Mahal Ko, Bestfriend Ko ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon