Chapter 2: Transfer Students

492 19 4
                                    

---CHAPTER 2 STARTS---

Pumasok na ung teacher namin na may kasabay na isang babae at isang lalaki. Transfer kaya sila?

"Good morning class. I'm your teacher in History. I'm Ms. Gonzalez." sabi ni maam Gonzalez.. "May mga bago kayong kaklase. Sige na pumasok na kayo." dagdag pa niya.

"Hello sa inyo. Ako nga pala si Annalynne Mae Gutierez. Just call me Anna or Mae." pagpapakilala nung babae.

"Hello sa inyo. Ako si Joseph John Gutierez. Kakambal ko si Anna. Ikinagagalak ko kayong makilala." pagpapakilala nung lalaki.

"Okay. Nice meeting you. Pumili na kayo ng mauupuan." Sabi ni maam.

Pumili na sila ng upuan. Si J.J umupo sa tabi ko. Ayos lang kaya ang nick name ko sa kanya? Si Anna naman umupo sa tabi ni Ivan.

Siguradong mai-inlove din tong si Anna kay Ivan. Hay naku Ivan.. Ang gwapo mo kasi eh.

"Hoy Shai." bulong ni ivan sakin.

"Bakit?" tanong ko.

"Sa tingin mo ba may gusto rin sakin tong si Anna?"

"Hay naku Ivan. Di kana nasanay. Malay mo meron."

"Talaga?"

"Yap! Malay mo lang naman."

"Uhmmm... Hello." Bati ni J.J

"Hello din." Bati ko naman.

"Ano pangalan mo?"

"Ha? Pangalan ko ba kamo?" tumango lang sya. " Shailynne Castro ang pangalan ko."

"Ikaw pala si Shailynne."

"Shai na lang ang itawag mo sakin. masyadong mahaba ang Shailynne eh."

" Ah osige. Pwede ba ko mag request sayo?"

"Naman. Ano ba yun?"

"Pwede mo ba ko ilibot sa campus mamayang break time?"

"Oo naman."

"Salamat."

"Your welcome."

Grabe! feeling ko close n agad kami ni J.J. Syempre wala pa rin papalit sa bestfriend kong si Ivan.

Pag katapos ng 3 subject ay breaktime na namin.

"J.J halika na." yaya ko.

" Bakit J.J?"

"Ahh kasi... Ewan ko. naisip ko lang."

"Ahh okay. sige tara na."

Lumabas na kami sa room. Nagsimula na kami mag libot libot sa loobe ng campus. Pinakita ko sa kanya ang iba't ibang club na pwede nyang salihan. Pinakita ko rin sa kanya ang Faculty Room, School Garden, School gymnasium at higit sa lahat ang School Crystal Fountain.

Ang Crystal Fountain ang pinaka magandang lugar dito sa school. May usap-usapan na pwede ka daw humiling sa Crystal Fountain at tutuparin ito ng isang diwata. Meron naman na pag may problema ka daw ay pumunta ka lang dito para pagaanin ang loob mo ng isang diwata. 

Maraming naniniwala sa usap-usapan na yon. Kahit naman ako may konting paniniwala sa usap-usapan na yon. Dahil meron daw mga natupad na kahilingan gawa ng diwatang yon.

"Salamat ng marami." sabi ni J.J

"Wala yun. Nagustuhan mo ba dito?" tanong ko.

"Oo. Ang ganda ganda. pinapagaan nito ang loob ko."

"Talaga?"

"Oo."

"Shai! J.J! Pinapatawag kayo ni Maam Cruz sa Faculty." Sabi ni Ivan.

"Ha? Bakit?" tanong ko.

"Ewan ko. Basta tinatawag kayo."

"Kasali kaba?"

"Ah oo."

"Okay."

Pumunta na kami sa faculty room. Bakit naman kami pinapatawag?

---END OF CHAPTER---

(AUTHOR'S NOTE)

Haaaays! Nakapag-update din sa wakas. So.. Comment, Vote or Like po ah. Eto na po ang 2nd Chapter. try ko po update bukas bago mag outing.. hehe.. No Silent Readers please..

Arigatou Gozaimasu minna-san!!!

Thank You for Reading this Chapter...

---NightSkySakurax13 <3---

Mahal Ko, Bestfriend Ko ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon