𝐏𝐑𝐎𝐋𝐎𝐆𝐔𝐄

21 4 2
                                    

𝐓𝐡𝐞 𝐀𝐥𝐥𝐞𝐲

Naglalakad ako sa loob ng isang eskinita nang may narinig akong tunog ng isang bagay na tila ay natumba

Naglakad lakad ako papalapit pa dito at sa di kalayuan ay tanaw ko ang tatlo na lalaking mukhang may pinagkakaabalahan. Dadaanan ko nalamang sana sila ngunit may napansin akong nagpatigil sakin

May isang binatilyo silang pinagtutulongan. Ang kapansin pansin ay pinagtutulongan parin nila ito kahit wala na itong malay

Mga tarantado't kalahati

Dahan dahan ko silang nilapitan at mukhang nakaramdam naman sila at nilingon ako ng mga ito. "Anong ginagawa ng isang magandang binibini sa loob ng masikip na eskinitang ito?" Wika ng isa nung akmang hahawakan nito ako sa balikat ko at agad naman akong umatras ng bahagya

Darating na ang kadiliman at ano mang oras ay kakainin na nito ang kabuuan ng eskinita at mahihirapan na silang makakita

"Umalis na kayo" wika ko sa mga lalaki. Tila natigilan sila sa lamig ng boses ko at sabay na nagtawanan. "Miss, aalis kami pagkatapos naming kitilin ang isang ito" Turo nito sa lalaking nakahandusay "Baka gusto mong samahan kami mamaya? At paniguradong papaligayahin ka namin" nakakapandiring wika nito at akmang lalapit ulit sakin ngunit di pa ito nakakatatlong hakbang ay bigla nalamang silang napatigil at naging abo. Mga abo na nilipad ng hangin sa kung saan.

Good grief

Matapos ng eksenang yun ay nagpatuloy na ako sa paglalakad ng marinig kong umubo ang binatilyo. Nilingon ko ito at ganon nalang ang gulat na hindi ko ipinahalata nang makita kong tumatayo na ito kahit bugbog sarado ang katawan nito, tila walang iniindang sakit sa katawan

What are you?

Bago ko pa isa isahin ang mga nilalang na alam ko na maaaring siya ay nagsalita na ito "A-Anong pangalan mo? Paano m-mo nagawa yung k-kanina? N-Nasaksihan ko ang nangyari sa mga nambugbog sa akin, A-Ano ka ba talaga?" Tila naguguluhan at kinakabahang tanong nito sakin. Hindi ko nalamang ito pinansin at nagpatuloy na ako sa paglalakad

Ngunit napahinto ako muli dahil sa sumagi sa isipan ko

Hindi kaya?

Nilingon ko ito muli, at tulad ng inaasahan ay nagulat siya nung lumingon pa ako rito

"Axura"

At nagpatuloy na ako sa paglalakad paalis sa lugar na iyon

IPAGPAPATULOY

AutherianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon