𝐒𝐭𝐚𝐭𝐞 𝐢𝐭
Naguguluhan parin ako sa mga nangyayari ngunit kailangan kong maging kalmado upang hindi ako malito lalo
Una ay ang pulang sobre, hindi ko alam kung paano nakarating yun dun, pero dahil siguro na sila ang may pakana ng lahat ng ito, hindi malabo na magawa nila iyon. Ikalawa ay ang panaginip ko, tulad ng konklusyon ko, absent nga si Kathy ngayong mag hapon, sa kadahilanang may pinuntahan daw kasama ng ama nito, paliwanag kanina ng aming adviser, na napanaginipan ko! At pang huli ay ang nilalaman ng sobre
Alam ko ang pahiwatig nila na masyado nilang nilinaw sa sulat
Gusto nilang bumalik ako. Pero bakit ngayon lang?
Iwinaglit ko na lamang muna ang mga isipin ko at lumabas na ng silid. Tulad ng dati ay nagpapaalam sa akin ang mga kaklase namin kaya naman kahit ngayon lang ay binati ko sila pabalik na ikinagulat nilaNaisipan kong dumaan muna sa pinakang malapit na grocery store dahil kakaunti na lamang ang mga stocks ko sa bahay
"Kamusta ka na Serene?" bungad sa akin ni aleng Beng dahil kilala na ako nito. Kasundo ko naman si aleng Beng dahil parang anak na rin ang turing nito sa akin, hindi ako pinapabayaan at madalas payuhan sa mga bagay bagay sa tuwing napapadpad ako dito sa bilihan niya
"Maayos naman po, mamimili po ulit at paubos na po ang mga kailangan ko sa bahay" sagot ko rito kaya naman nginitian ako nito na walang palya, sa kung paano niya ako ngitian magmula noong una kami magkita
"O siya, mamili kana at aantayin nalang kita dito sa counter, maige at hindi masyado matao, para makapamili ka ng maayos" pagpapaalam nito sa akin kaya naman tinanguhan ko na ito at kumuha ng mini cart at nilagyan ng tig-isang basket sa itaas at ibaba ng cart
Una kong kinuha ang mga delata at gatas. Kumuha narin ako ng ilang chips at tinapay. Sinunod ko namang kunin ay ang mga kailangan ko sa pag luluto tulad ng karne at mga gulay. Di na ako nag tagal pa at bumalik na ako kay aleng Beng upang mabayaran ko na ang mga pinamili ko
Nagtutulak ako ng cart ko nang may makabanggaan ako na dumaan sa gilid ko. Sa hindi malamang dahilan ay nagdulot iyon ng kaka ibang sensasyon at kilabot sa akin. Nilingon ko ito at nakitang balot na balot ito dahil nakasaklob pa ng hoodie ang ulo nito at lumiko na sa kabilang isle
Hutaenas ano yun?
Nagpatuloy na ako at nasa kalagitnaan na ng paiiscan si aleng Beng ng mga kinuha ko ng makarinig kami ng isang pagsabog! Tinignan ko ang paligid ng dating tahimik na pamilihan na ngayon ay puro usok na at nagkakagulong iilan na mga mamimili at si aleng Beng na gulat na gulat at tulala pa habang nanginginig na hawak ang corned beef na delata
"Aleng Beng!" tawag ko rito kaya naman bumalik ito sa ulirat at napatingin sakin na may naghahalo halong emosyon. Bakas sakanya ang takot, pangamba, pagkalito at tila nawawala na sa kamuwangan
Napaupo kami nang may bigla na namang sumabog sa entrance ng pamilihan kaya naman agad akong Tumayo upang alalayan si aleng Beng at iginaya patungo sa may likod ng pamilihan at ganon narin ang ibang mamimili
Akmang babalik na ako sa loob nang pigilan ako ni aleng Beng. "T-Teka Serene, H-Hindi ligtas s-sa loob!" natataranta at nanginginig nitong ani. Hinawakan ko siya sa kanyang mga balikat at nginitian na nagpapahiwatig na ayos lang, magiging maayos lang ang lahat. Wala na siyang nagawa dahil tumakbo na ako pabalik sa loob
Yung mga pinamili ko!
Agad kong hinanap ang mga pinamili ko at ako na mismo ang nag solid sa dalawang malaking plastic bag ang mga ito at nang tatalikod na sana ako sa entrance ng pamilihan ay saka ko naramdaman ang isang malamig na bagay sa bandang batok ko
"Don't move a muscle"
Napatigil ako lalo sa lamig ng boses ng babaeng nagsalita sa likuran ko
Anak ng! Yung ice cream matutunaw na
"Turn around slowly" utos nito sa akin habang nakatutok parin ang arm as nito sa batok ko. Agad ko nalang ito sinunod at nang maka harap na ako ay saka ko lang ito natitigan
Sa palagay ko ay 5'9 ang height nito, matangkad sa akin ng konti e, 5'7 lang ako. Maganda ang hubog ng katawan at hindi masakit sa mata ang hinaharap nito dahil hindi ganon kalaki, nakasuot ito ng kaka ibang kasuotan. Ang nakatutok sa akin ay isang espada na nakikita ko na ang repleksyon ko sa sobrang talas bukod sa alikabok
Ngunit ang pinakang nakakaagaw pansin ay ang nagliliyab nitong mga pulang mata. Kakulay nito ang dugo na malapit na mangitim kaya nakakadagdag ito sa pinapakawalan niyang intimidasyon
"State your name" paguutos nanaman nito sa akin. Tinitigan ko lamang ito at hindi binuka ang bibig ko up ang sagutin ang tanong niya
Tunaw na lamang ang ice cream ko
"I said state your name-" pinutol ko ang sinasabi nito dahil nauumay na ako sa kakautos niya sakin, masyado na siyang makapal para utos utosan ako
Duh?
"Why don't you state your name and get lost? Tunaw na ang ice cream ko dahil dyan sa mga pinaggagawa mo, dami mong pakulo ano? " tinatamad na ani ko rito kaya naman nakita kong nagtiim ang bagang nito, mukhang nasagad ko
"I said state yo-" pinutol ko ulit sasabihin niya, konti nalang bingo nako sakanya. "Hephep, oo na, pangalan ko lang pala e" walang gana ko paring sagot dito
Binaba ko muna ang mga pinamili ko na hindi pa bayad sa gilid at nakipagtitigan sa babaeng nasa harap ko
Bubuka na sana ang bibig ko nang makaramdam ako ng kakaiba-HINDI AKO MAKAGALAW!
"What did you do!?" bulyaw ko rito at nginisian lang ako nito ng nakakaloko. Nadagdagan lamang ang inis ko nang marinig kong may iba pang paparating
"That's her alright" kumpirma ng isang lalaki na mas matangkad sa amin nitong babaeng kaharap ko
"Hurry up, before the authorities here arrive" dinig ko naman sa isang tinig ng babae na kasunod pumasok ng lalaki
Ito naman ay hindi katangkaran at mas matangkad pa siguro ako sakanya. "Restrain her and let's go" Saad ng huling pumasok na lalaki na pinakang matangkad sa aming lahat na nandito
Naramdaman kong maluwag na ang pakiramdam ko at nakagalaw na agad ako kaya naman dinampot ko agad ang mga pinamili ko at mananakbo na sana ng maramdaman ko nalang na hinihila na ako papunta sa kung saan
Pakshet!
IPAGPAPATULOY
BINABASA MO ANG
Autherian
FantasyYou haven't seen the rest of this whole world. There are things that are so unnatural and wicked. Unexplainable things that you might have encountered. How can you say that we are all the same, equal beings, if you haven't met an Autherian yet? You...