𝐄𝐯𝐨
Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko nang nagkaron nanaman ng pagsabog!
Nilinga ko ang paligid at nakampante na wala nang ibang estudyante, pero baka anumang oras ay dumating narin ang ibang mga staffs ng school upang malaman ang dahilan ng mga pagsabog na nagaganap
Agad kong tinakbo ang lugar kung saan nagkaron ng pagsabog at doon ko nakita ang isang nagwawalang Biox
Ito ay isang uri ng mabangis na hayop at sa pagkakaalam ko ay matagal nang extinct ang gantong nilalang?
Nagwawala ito at nagpapakawala ng mga bolang gawa sa pinong enerhiya. Kailangan ko itong mapatigil kahit nakakatamad!
Agad kong kinumpas ang isa kong kamay at ganon nalang ang gulat ng nilalang na kaharap ko dahil binabalot na ito ng tubig at mukhang nahihirapan na itong makahinga
Nakipagtitigan ako rito at ganon nalang ang kirot sa puso ko nang maramdaman kong nangungulila ito
Agad kong inalis ang tubig na bumabalot rito kaya bumagsak ito sa sahig at bumabalik sa dati nitong anyo
Lalo akong naawa sa itsura nito dahil isang batang Biox pa pala ang isang ito, nagbabago ang anyo ng mga ito tuwing nakakaramdam ng galit at kung kinakailangan
Agad ko itong dinaluhan. Nung una ay umiiwas ito sa akin ngunit dahil bata pa ito masyado, nanghihina ito dulot ng pagwawala nito kanina lang
"Are you lost baby girl?" tanong ko rito sa paraang ginaya ko sa isang palabas na napanuod ko sa mortal realm
Umangil naman ito kaya nagkaron ako ng konklusyon sa isipan ko "Charot, baby boy ka yata" biro ko rito
Lumipas pa ang ilang minuto bago ito kusang lumapit sakin nang maramdaman nitong wala akong dulot na panganib sakanya
Binuhat ko ito at natuwa naman ito
"Ang cute mo, ipapangalan ko sayo ay Evo dahil kamukha mo si Evee yata yun ng pokemon hehe" kwento ko rito habang naglalakad ako pabalik ng dorm
Huli na nang dumating ang mga tauhan at inaayos na lamang nila ang mga nasira ni Evo
Nakabalik ako sa bahay namin at nagulat sila nang makita si Evo
Ibinaba ko ito sa sahig matapos kong ilagay sa freezer ang ice cream na dala ko. Agad itong nagtago sa likod ng binti ko dahil pinanggigigilan ito ni Jade at Amy
"Ang cute!"
"Grabe, last one na yata yang si Evo!"
"Ang astig naman, ang balbon pa niya"
Mga komento nila kaya binuhat ko nang muli si Evo matapos kong ikwento ang nangyari mula nang magwala si Evo
Hindi naman daw ipinagbabawal ang pagaalaga ng mga nilalang sa paaralan dahil kaya naman daw itong alagaan sa puder ng mga estudyante kaya napagdesisyunan kong ampunin si Evo
Kinabukasan ay kanselado ang mga klase dahil may pagpupulong na magaganap sa paaralan para sa mga guro at mga nasasakupan nito maliban sa aming mga estudyante kaya nandito ako ngayon sa halamanan ng paaralan
Kasama ko si Evo at naglalaro lang ito sa damuhan na malapit sa akin. Hindi matao ngayon sa paaralan dahil gumagala ang mga estudyante kaya payapa akong nagmamasid sa mga halamang gamot at mga bulaklak dito sa hardin
"Never thought you were the 'Nature type'" napaayos ako ng upo at tumakbo sa akin si Eco nang may magsalita sa likuran ko
Sino nga ulit ito?
"Cool! Is that a Biox? Nice, what's it's name?" tanong nito sa akin
Hindi ko maalala ang pangalan niya
"He's Evo and what are you doing here?" balik ko rito
"Devon felt like going out and find fascinating things" sagot nito habang may ipinararating sa pangungusap niya
NATATANDAAN KO NA!
Devin, Devin the suicidal dude
"Uhuh? Fascinating huh? Did you found one yet?" tanong ko rito bago sumilay ang isang nakakalokong ngiti habang tumatango at nakatitig sa akin
Gagi to ah?
"Well.. I hate to break it but I gotta go" paalam ko rito habang ako ay tumatayo at binuhat na si Evo
"Saan naman ang punta mo na? Samahan na kita-" bago pa niya maipagpatuloy o matapos ang sasabihin niya ay inunahan ko na ito "Salamat sa alok pero kaya na namin ni Evo maguli" bastos na kung bastos, ugali ko na rin ito e, susulitin ko lang rin naman ang mga araw ko habang hindi pa busy dahil naikwento sa akin ni Lucas kagabi na baka magsimula na ang mga mission namin sa susunod na buwan kaya kailangan ko ring gumawa ng mga bagay na ikakaasenso ko
Iniwan ko na siya sa hardin at nagtungo ako sa silid aklatan upang magbasa ng ilang mga libro
Enchantments
Antidotes
Body techniques
Walang ibang tao bukod sa akin pero bukas ang silid para sa mga gustong magbasa at magaral
Pumwesto ako malapit sa may bintana kung saan tanaw ko ang kagubatan mula rito
May kagubatan kasi sa loob ng paaralan at doon matatagpuan ang mga mapapanganib na nilalang kaya ipinagbabawal sa lahat na lumapit dito
Paano ko nalaman? Dahil napadpad na ako sa loob ng kagubatang iyan, hindi sa pisikal na kaanyuan kundi sa ispiritwal
Ewan ko ba, akala ko nananaginip ako kagabi, yun pala tunay na. Hindi ko na ikukwento pa dahil kailangan Kong magpokus sa pagbabasa
Inuna kong basahin ang tungkol sa mga gamit. Makakatulong ito lalo na kung nasa kalagitnaan kami ng misyon at kakailanganin namin ng agarang gamot laban sa kung saang sakit o lason
Naramdaman kong nangangawit na ang batok ko kaya nagangat ako ng tingin sa silid at napansin na hapon na pala
Hindi manlang ako ginutom ah? Ginising ko si Evo matapos kong ibalik ang mga libro na binasa ko at napagdesisyonang bumalik na ng bahay namin
Tahimik naman ang naging mag hapon ko pero hindi pa ako nakakalayo nang kumalam ang sikmura ko. Napatingin pa sa akin si Evo kaya naman lumiko ako ng daan at nagtungo sa convenience store na binilhan ko dati ng ice cream
Binati ako ng bantay ng tindahan kaya Binati ko ito pabalik. Ibinaba ko muna si Biox dahil kumuha ako ng maliit na basket para doon mailagay ang mapapamili ko
Kuha lang ako ng kuha ng mga gusto ko dahil gutom na talaga ako
Akala ko pa naman ay matitiis ko pa hanggang mamaya ang gutom. Binayaran ko na ang mga pinamili ko gayon narin ang laruan na nakita ko na ibibigay ko mamaya kay Evo sa bahay
IPAGPAPATULOY
BINABASA MO ANG
Autherian
FantasyYou haven't seen the rest of this whole world. There are things that are so unnatural and wicked. Unexplainable things that you might have encountered. How can you say that we are all the same, equal beings, if you haven't met an Autherian yet? You...