Chapter 7

10 4 5
                                    


Pagkatapos ng mahabang biyahe sa barko ay sa wakas nandito na kami sa Cebu at ngayon papunta na kami sa  mansyon nila.

"Kahit "Baks" nalang tawag ko sayo ayos lang ba?" kanina kasi natameme ako sa sinabi niya.

Mukha pa naman akong kamatis.

"Sige na, call sign natin yun! Tsaka di nila mahahalata na--" hindi kuna napagpatuloy ang pagsasalita ko dahil bigla niya kong tinignan ng masama.

Ayaw mo pala ha!

Kaya nag-isip ako ng nakakalungkot na mga pangyayri para lang umiyak.

[Author: Isipin mo namatay yung aso niyo.]

Ha? Wala namn kaming aso. Ibang suggestion naman diyan.

[A: Namatay yung crush mong hindi marunong mag-crushback.]

Mabuti nga mamatay yun, sabing eh crushback ako eh. Pero teka? Si Ryker crush ko ngayon! Kaya it's a NO!

[A:Tangina! Isipin mo nalang na concert na ng BTS, pero sa kasamaang palad wala kang pera at ipon kahit piso!]

Putek! Naiiyak nako sa pinag-sasabi mo! Pero salamat sa paalala ha! Di kasi pasok sa allowance yung ticket eh.

Hindi ko na namalayan na tumutulo na pala yung luha ko.

"Hoy Ghorl ba't ka umiiyak? Ha? Hoy anong problema?"

Hindi ko siya pinansin at nag concentrate lang sa pagpigil ng tawa.

Nakita ko naman na tinabi niya ang sasakyan.

"Fuck! Oo na! Oo na! Tawagin mo nakong "Baks"  para tumigil kana sa pag iyak diyan! Mukha kang bata na hindi pinagbigyan ng nanay na bilhin yung barbie!" inis na inis niyang sabi.

Sinasabi ko nga bang hindi mo ako kayang tiisin eh!

"Talaga *sob* pwede kitang *sob* tawagin na "Baks"?" tumango lang ito at tinuon na ang pansin sa pagmamaneho.

Shet! Best Actress ng taon!

Habang ako ay nagpipigil ng ngiti ay hindi ko pa rin maiwasan na balikan kung paano siya mag-alala.

*dug dug dug*

Aba puso wag kang mag-traidor sa amo mo! Sinasabi ko sayo hanggang crush lang! Bakla si Ryker!

Pero pwede naman pumatol  sa bakla diba? Hahaha!

"Baks saan na pala tayo?" kanina pa kasi kami nandito eh hindi ko naman alam ang pasikot-sikot dito sa Cebu.

"Mactan" ang tipid naman nitong magsalita. 

"Malayo pa ba ang mansion niyo rito?" muling tanong ko sa kanya, na tanging tango lang ang ibinigay niya sakin.

Dahil malayo pa daw mas naisipan ko na matulog na muna ng may energy akong ihaharap sa buong pamilya niya.

Hindi ko alam kung ilang oras na akong nakatulog pero pag gising ko nandito na ako sa isang hindi pamilyar na silid. Kaya naman pala ang himbing nang tulog ko, sobrang lambot at laki ng kama, parang ginawa upang kumasya yung buong pamilya niyo.

Kaya bumangon na ako upang mag hilamos at mag freshen up nang makababa na ako.

Pagkatapos ko mag linis ng katawan ay doon ko lang nakita kung gaano kalaki ang buong kwarto, teka hindi lang kwarto kundi parang isang apartment na sa laki. May L-shape sofa, tv, maliit na mesa, isang pinto na for sure ay walk-in-closet, office table, vanity area at isang double side door na ref. 

Change To Forever [ON-GOING]Where stories live. Discover now