Chapter 9

10 3 6
                                    





Hindi ko alam kung paano ako nakabalik sa kwarto na hindi nagc-circus dahil sa kilig na naramdaman ko.

Nag-p-party parin sa baba, pero umakyat na ako dahil mukha nanaman akong kamatis. Kasalanan kasi nung bakla na yun. Sabi niya bakla siya, ba't parang hindi naman. 

Siguro nagpapalalaki lang yun  dahil andito lahat ng family member niya.

Oh well, nakaligo nako at nag skin care na din. Maaga nakong matutulog upang hindi ko na maabutan pa si Bakla. Nakakahiya kasi ang eksena namin.

Nang akmang papatayin ko na ang ilaw upang yung lamp shade nalang ang matira, bigla namang bumukas ang pintuan at iniluwa nito si Ryker. 

Nanatiling nakapako ang paa ko sa sahig at yung kamay ko sa switch ng ilaw tapos tumitingin sa kanya na isang tanga.

Pumasok lang ito na parang hindi niya ako nakita. 

Mabuti na din iyon, dahil siguro sa awkward feeling sa eksena niya. Hindi ba naman nilagyan ng preno yung bibig. Yan tuloy!

Bumalik na lang ako sa kama at nagtago sa ilalim ng comforter.

"Alam kung gising kapa, kaya kalimutan mo na lang yung mga sinabi ko kanina."

Hindi ko alam pero parang ang sakit sa damdamin ang pag sabi niya na "kalimutan". Siguro over lang ako kasi aamin ko na, gusto ko na siya. Kahit pa bakla-bakla yan, alam kung sa loob nito lalaki kung magmahal yan.

Hindi ko na siya sinagot dahil baka pumiyok pa ang boses ko sa pag-iyak.

"Matulog kana, dahil maaga pa tayo aalis. Good night..." 

May sinabi pa siya sa huli pero hindi ko narinig dahil sa antok at mahina niyang pagsabi.

Ryker POV 

"Matulog kana, dahil maaga pa tayo aalis. Goodnight,

.

.

pangga" hininaan ko na sa huli na tiyak hindi niya maririnig.

Kung ito lang ang paraan, magtitiis ako, basta't sa akin ka pa rin itatadhana.



Yara POV

Maaga akong nagising dahil sa sinet kung alarm.

Teka! Wala naman akong naalala na nag set ako ng alarm ah. tinignan ko kaagad kung anong oras palang.

2:20 am!?

Diputa----do! Agad naman akong bumangon at pumunta doon sa sofa bed upang atukan ang bakla dahil sa sinet na alarm clock.

Malapit na sana ako ng mapansin ko ang isang anino ng bugwit na nagtatago sa likod ng sofa.

"Castell! I know it's you kiddo!" mahina kung sigaw.

Lumabas naman ito kaagad na walang tigil sa pag tawag. 

Mababaw talaga ang kasiyahan ng mga bata.

"Did you set the alarm on my phone, kiddo?" medyo galit kung tanong. Tamang acting lang sa batang ito.

Tumango naman ito at para bang mangiyak-ngiyak.

"Why?"

"B-because you will go back in Talisay. So I set it up so I can have more time with you." sabi niya na ngayo ay umiyak na. 

Parang may humaplos din sa puso ko na hindi ko kayang iwan itong bata na toh.

Kahit sandali lang kami nag kakilala at nagkausap oara ko na siyang kapatid.

Change To Forever [ON-GOING]Where stories live. Discover now