Chapter 6

29 6 11
                                    


Kagabi pa lang ay hinanda ko na ang mga gamit ko. Tinawagan ko na din si Mama at Papa na pupunta ako ng Cebu. Tuwang-tuwa pa ang dalawa dahil aalis ako. Gusto ata nila na umalis ako ng Negros ah. Wala ba naman tanong kung anong gagawin ko doon! Sabihan ko kaya pagkauwi ko na..

"Ma buntis ako!" baka matuwa pa sila.

Exactly 7:30 AM ay natapos na din ako sa pag-aayos. Nagsuot lang ako ng high-waist na black shorts at plain white t-shirt then old school na black vans.

Hindi naman ako excited pero inagahan ko lang ang pag-aayos at baka ma stress nanaman si bakla sakin.

*bzzt*

From: Bebe Kong Bakla

Come out when your done.

NAPKIN WITH WINGS! Ang aga nitong bakla! Advance ba oras niya or sira lang orasan namin?

Kaya dali-dali ko namang kinuha yung backpack ko at isang paper bag kung saan nakalagay yung dress at sapatos.

Pupuntahan ko muna si Iah, para mag-paalam na aalis nako dahil for sure yung tatlo tulog pa.

"Gah, alis naku!" paalam ko sa kanya.

Tanging tango lang ang isinagot sa akin kaya lumabas nako ng bahay. Agad ko namang nakita ang BMW na sasakyan ni Ryker.

Taray pupunta lang ng Cebu naka BMW, ba't hindi ka nag sports car bakla.

"Good Morning!" agad kong bati sa kanya.

"Morning." sexy nitong bati.

Ulala, morning voice niya ba yun? Tangina nakakalaglag panty ah.



"Alam mo kung lalaki ka lang, liligawan kita kaagad. Hindi mo man ako sasagutin, titiyakin ko na sakin pa rin bagsak mo." walang prenong sabi ko sa kanya.

Napa-ubo naman ito kaagad.

"What The?" 

Sabi niya at tinignan pa ako ng sobrang sama. Wala naman akong sinabing masama dun ah, nagbabasakali lang naman kung magiging lalaki paba toh.

Papatulan ko toh!

Natahimik na lang ito at nag simula nang mag drive.

Isang napakahabang katahikan ang bumalot sa buong sasakyan at ngayon ko lang naramdaman ang pagkagutom. Sa pag kakaalam ko ay nasa Victorias na kami.

"Nag-almusal kaba?" biglaang tanong niya.

Agad naman akong umiling dahil wala ng panahon upang magsinungaling kung ang mga alaga mo sa tiyan mo ay umiiyak na.

Mabuti na lang ay nakakita kami ng Jollibee kaya nag drive thru na lang kami. Siya na din ang pina-order ko, kasi nakita ko ang mukha ng cashier na namangha sa mukha ng kasama ko.

Kung alam mo lang na bakla yan.

Madami pang inorder si Ryker, na akala mo ang dami-dami namin sa sasakyan.

Pero bigla naman ito naglahad ng kamay sa akin.

"Ha?" 

Hindi ito nagsalita at nanatiling nakalahad ang kamay niya sa harap ko. Dahil crush ko to kinagat ko ang kamay niya.

"TANGNA! Ano trip mo? Ba't kinagat mo yung kamay ko? Hoy di tayo talo Yara."

"Aba! Ikaw pa ang nagagalit! Malay ko ba kung anong gagawin ko sa kamay mo at inilahad mo sa harap ko." inis kung sabi sa kanya. 

Change To Forever [ON-GOING]Where stories live. Discover now