Chapter 1: Destined To Meet

77 2 0
                                    

Shane's POV

"Hays" naibagsak ko nalang ang katawan ko sa sofa. Hinihintay ko si Makki na makakuha ng mga gamit bago kami bumalik sa ospital.

Hanggang kailan kaya si Eli dun? Ang bigat sa pakiramdam kapag nandun sa ospital na yun eh. Hindi dahil pabigat si Eli, o nahihirapan na kami sa kanya, kundi dahil ayaw naming nakikitang nahihirapan siya.

Hindi ko na alam ang gagawin ko kapag may nawala pa sa kanila. Isa si Eli sa iilang tumanggap sakin nung mga oras na pakiramdam ko isinusumpa ako ng lahat ng tao dahil hindi ko naprotektahan ang kapatid ko.

FLASHBACK

Eto na naman ako, umiiyak sa cr ng school na nilipatan ko. Hanggang dito sa bagong school ko, ayaw pa rin ng lahat sakin. Nilalayuan pa rin nila ako.

"O-oy! S-sinong nandyan?! W-wag nga kayong manakot!" bigla akong may narinig na boses ng lalaki sa labas ng cubicle na kinaroroonan ko.

*sniff *sniff Pinilit kong itigil ang pag-iyak ko.

"S-sinabing tigilan niyo ang pananakot eh!! H-hindi ako takot!! Kung may problema kayo sakin lumabas kayo't harapin ako!!" sigaw pa nung bata sa labas.

"Hindi ko kasalanan kung ako ang gusto ng maraming babae sa school na toh kahit transferee lang ako!!" sigaw ulit niya.

Ano bang problema ng lalaking yun? Maya maya pa, nakarinig ako ng marahas na pagbukas ng mga pinto ng bawat cubicle. Chinicheck niya siguro?

Nagulat nalang ako nang biglang bumukas pati cubicle na kinaroroonan ko! Bigla kong pinunasan ang pisngi ko.

Halatang natigilan yung batang lalaki.

"A-ano, s-sorry. I thought you're one of those kids who hated me because of my looks" tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Hated him because of his looks? Eh wala namang kakaiba sa itchura niya eh? Halata lang na galing siya sa mayamang pamilya tulad ko, yun lang ang kapansin pansin sa kanya, bukod dun wala na.

"I-It's fine. Sige, sorry kung natakot kita" sabay labas nung cubicle at lagpas dun sa batang lalaki.

"Teka! Ikaw yung pinag-uusapang bata dun sa canteen diba? Anong ginagawa mo dito?! Ba't ka nag-iisa?" hinawakan niya yung braso ko para mapatigil ako.

"W-wala kang pakialam" sabi ko sabay tabig ng kamay niya at tumakbo na ako papalabas.

Tumakbo ako papuntang playground. Gutom na ako at gusto ko ng kumain pero hindi ako makapunta ng canteen dahil siguradong maraming galit sakin dun.

Ipinatong ko ang noo ko sa mga tuhod ko. Wala nalang akong nagawa kundi umiyak ulit. I miss my baby sister!! If only she's here, hindi sana ako mag-iisa, hindi rin sana ako kamumuhian ng ibang bata.

"S-Shana..." humihikbing sambit ko.

"Sino yung Shana? Girlfriend mo?" tapatunhay ako nang may magsalita sa tabi ko.

Yung bata sa cr! Nakaupo siya sa tabi ko na parang usual lang niya akong kinakausap.

"W-what are you doing here?" takang tanong ko.

"Tumakbo ka kaya sinundan kita. Ang hirap mong hanapin huh! Not that you're faster than me, hinarang kasi ako ng mga babae kaya hindi kita nasundan agad" casual na sagot niya.

Ever since my sister died, no one ever talked to me again. They're all afraid of me. They think I killed my own sister, that I let her died.

"Umalis ka na" cold na sabi ko.

"Grabe ka naman! To think na sinundan pa kita kasi nag-aalala ako dahil umiiyak ka kanina!" umarte pa siyang nasaktan siya. Nakahawak siya sa dibdib niya eh.

A Painful BattleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon