Shane's POV
Pabalik na kami sa hospital ngayon ni Makki. Dala na namin yung mga kailangang gamit ni Elijah tsaka ni Viel.
Tumigil ang motor ni Makki sa tapat ng isang gas station kaya tumigil din ako.
"Papa-gas lang ako, bili ka muna ng pagkain, wala pa tayong kain eh" sabi niya kaya naman tumango nalang ako.
Pinarada ko muna yung motor ko tapos naglakad lakad ako para makahanap ng tindahan. Wala masyadong tao ngayon huh?
"W-wag po! Lumayo kayo!" napatigil ako sa paghahanap ng tindahan nang may marinig akong sigaw ng isang babae. Lumingon lingon ako para mahanap kung saan nanggaling yung boses.
"Parang awa niyo na po" sigaw ulit ng boses. This time nakita ko na kung saan nanggaling yung boses.
Napatakbo ako kung nasaan sila. Nakita ko ang isang babae at tatlong lalaki. Pinaliligiran nung mga lalaki yung babae na mukhang takot na takot.
Nagdilim bigla ang paningin ko nang makita kong hinawakan nung isang lalaki ang damit nung babae at pilit itong tinatanggal!! Kusa nalang gumalaw ang katawan ko at sinugod yung tatlong lalaki.
Dahil na rin siguro sa nangyari sa kapatid ko noong bata pa kami kaya ayokong nakakakita ng ganitong pangyayari.
Dahil na rin sa pagkakabigla, hindi nila nailagan ang suntok ko kaya agad kong nahatak yung babae tsaka kami tumakbo papalayo. Mabilis tumakbo yung isa kaya naabutan niya kami at nasuntok niya ako, pero mabilis gumana ang katawan ko at agad siyang sinipa dahilan para makatakbo ulit kami.
"Hoy bata!! Wag kang makielam!! Ibalik mo samin yan!!" rinig kong sigaw nung isa sa kanila pero patuloy lang kami sa pagtakbo.
Mabilis akong tumakbo kaya hirap na silang habulin kami. Pero napatigil ako nang biglang may humarang na mga lalaki sa daraanan namin.
"May problema ba dito Jin?" tanong nung nasa harapan namin sa mga lalaki na humahabol samin.
"Yang lalaking yan!! Biglang tinakbo yung laruan namin!" sagot nung isa sa humahabol samin.
Tumingin sakin nang masama yung lalaking nasa harap namin. "Dito sa teritoryo ko, walang agawan ng laruan. Kaya ibalik mo nalang si Miss beautiful kila Jin, bata" utos nung lalaki.
"Sh*t!" I cursed silently.
"Anong gulo toh?" napalingon kaming lahat nang may magsalita. Si Makki!!
"Mak!" tawag ko. Lumakad siya papalapit samin.
"Ano yung narinig kong sabi mo Rap? Teritoryo mo?" mapang-asar na tanong ni Makki dun sa lalaki. Kilala niya ang mga toh?!
"Teritoryo ni Jason toh, Makki. Kaya teritoryo na rin namin toh. Kaibigan ka ni Sir Jason at isa ka sa leaders ng Green Dragons kaya igagalang ka namin, pero ang lalaking yan, hindi pwedeng makalabas dito hanggat di niya binabalik yang babae"
"Sino ba sila Mak?" tanong ko, di ko pa din binibitawan ang kamay nung babae.
"Under ni Jason ang mga yan. Lumabas ka din kasi kasama nila Jason at Nate minsan, para nakikilala ka ng mga under nila" playful na paliwanag niya. Kaya pala kilala siya eh, member ng GD pero si Jason ang leader.
"Makki, ibalik niyo na ang babaeng yan para makaalis na kayo at wala ng gulo. Hindi naman ikaw ang umagaw dyan sa babae at alam kong hindi mo ugali na manguha ng laruan ng iba habang pinaglalaruan nila"
"Ito ang hirap sa gang natin eh. Kung sino lang ang may under sayo, yun lang ang kilala mo" umiiling na sabi ni Makki.
"Ano bang pinagsasabi mo Makki?! Ginagalang din naman namin kayo ni Nate huh! Kilala din namin ang pinakaleader--"
BINABASA MO ANG
A Painful Battle
Fiksi PenggemarThis is the side story of Shane Lee, the childist but dangerous leader of the Green Dragons gang. Maikli lang po ito, since side story lang naman, hiniwalay ko lang siya sa YAMGB book kasi magugulo yung mga readers. Sa love story palang ng Fallen An...