Nakatitig lang ako sa labas ng bintana at pinagmamasdan lang ang bawat daan na matatanaw ko sa labas. Nandito kami ngayon sa loob ng malaking Van na pagmamay-ari ng kaibigan naming si Maria. Napilitan siyang gamitin namin ang sasakyan niya dahil sa dami naming magkakaibigan at napagplanuhan narin namin na sabay-sabay kaming pupunta ng Simbahan. Mahihirapan rin kasi kaming magkakaibigan dahil puro kami naka pormal na damit. Lahat kami ay abay sa kasal.
"Guys, tingin!!" Sabi ni Ange na may hawak ng Camera. Napalingon ako at naudlot sa pagse-senti. Sabay-sabay kaming nag-pose at ngumiti. Ilang taon na kaming magkakaibigan at nagkatrabaho na't lahat ay hindi na talaga mawawala sa barkada namin ang mag-picture. Kung may isang napag-kakasunduan ang barkada namin ay yun yon.
May apat na parte sa loob ng Van ni Maria na nasakop naman naming magbaba-barkada. Kumuha pa ito ng personal driver para raw mas makapag-bonding kami habang nasa byahe. Dahil simula ng magkaroon kami ng mga trabaho ay hindi na kami ganon kadalas magkita, sa totoo lang ay hindi talaga. Panay Video calls ang naging paraan namin magkakaibigan para makapag-usap, lalo na kung sa mahahalagang event sa buhay namin. Tuwing pasko, New year at Birthday.
Lalo na kaming apat ni Ange, Kenneth, Tasya na mas piniling magtrabaho sa South Korea. Ang tatlo naman na si Charles, Jerricho, at Sean ay nakapagpa-tayo ng sarili nilang kumpanya dito sa pilipinas. Si Maria naman ay abala sa pag-manage ng kumpanya na pagmamay-ari ng pamilya niya. Si Carmela naman ay nakadestino sa Cebu at isa siyang manager doon. Lahat kami ay nakapagtapos sa industriya ng I.T. Kaya ganon nalang kami kasabik sa tuwing magkikita-kita. Noong nag-aaral pa kasi kami ay hindi talaga kami sanay na mapag-hiwalay, sama-sama kami sa kahit anong bagay...
Bagay na sobra kong namiss sa kanila..
Maluha-luha naman ako habang nakatitig sa mga matataas na damo sa labas ng bintana habang umaandar ito. Sa magkakaibigan ay ako ang emosyonal, ako ang madalas maka-miss sa barkada dahil itinuturing ko talaga sila na totoong kapatid. Sa katunayan, pinaghandaan ko talaga ang pag-uwi dahil makikita ko nanaman sila. Namiss ko ang mga ingay at asaran namin.
"Kat, are you okay?" Siniko naman ako ng bahagya ni Ange na katabi ko. Bakas sa mata niya ang pag-aalala. Napalingon naman ako sa kanya.
"O--Oo naman noh, why?.." Nagtataka kong tanong, habang pinunasan ang kaunting luha sa mata ko. Napansin niya siguro na hindi ako nakikisabay sa tawanan nila gayong noon eh ako parati ang isa sa nangungunang mag-ingay.
"Hay nako Katree, are you sure ready ka ng makita siya?" Nilingon naman kami sa likod ni Maria na nasa tabi ng driver's seat.
"Tsk! Sabi na kasi sa inyo sana nagpa-iwan nalang si Kat sa Korea eh.." Dagdag naman ni Jerricho at nilingon ko naman siya sa likuran namin. Katabi niya si Sean at Charles.
"Ano bang eksena niyo eh okay naman na si Kat, ilang taon narin na nakalipas. Naka-move-on na yan!" Maarteng sabi naman ni tasya na inirapan sila Jerricho sa likod namin.
"And one more thing, ang daming nagkakagusto dyan sa opisina namin doon noh! Kaya dapat hindi na niya dinadrama yan.." Dagdag pa ni Tasya..
"Guys, relax.. I'm completely okay. Hindi naman ako papayag na umuwi ng pinas kung hindi diba? At isa pa, it's been fucking three years! Mas kayo pa ata ang di nakakamove-on kesa sakin." Natatawang niligon ko silang lahat. Sinisigurado na makukumbinsi ko sila.
Ugali na nila yan noon pa, kapag suporta ang kailangan ng isa ay talagang buong pusong binibigay naming magkakaibigan 'yon. Kapag malungkot ay talagang maglalaan kami ng oras para pakinggan ito at dadamayan. Naalala ko pa nang minsang lokohin si Camsy ng boyfriend niya. Talagang lahat kami ay nag-overnight kila Maria. Magdamag lang umiyak si Carmela non at panay kwento sa kung paano siya niloko. Pag-uwi ay kaniya-kaniya kaming dahilan sa mga magulang namin lalo na sa parents ni Kenneth. Istrikto sila tita leonila dahil isang anak lang nila ito.
BINABASA MO ANG
I Build My Man For Another Girl
Random"Lahat ay pwedeng magpakita na mahal ka sa una, pero iilan lang ang kayang manatili hanggang dulo. Alin ka kaya don?"