CHAPTER 5

17 0 0
                                    

Matapos ang araw na sinagot ko si Dhale ay ang pinaka-masayang araw sa buhay ko. Hindi ko akalain na maaari pala na sumaya ng ganito ang tao? Nakakamangha na wala siyang ginagawa ngunit napapasaya niya 'ko. Walang oras o minuto niyang hindi naipaparamdam sakin kung gaano niya ako kamahal at kung gaano ako ka-swerte sa kaniya bilang isang nobyo.



Hindi rin nagtagal ay ipinakilala niya rin ako sa mga magulang niya, napakasarap pala talaga sa pakiramdam na maramdaman ang suporta at maging ang sinsiredad nila bilang nobya ng anak nila. Maging sa mga ilang kamag-anak niya ay naipakilala na niya ako sa mga nakalipas na buwan simula ng maging kami. Wala na ata akong maihihiling pa sa taong tao 'to, lahat ay nasa kaniya na.



Napaka-bilis ng araw, hindi namin namamalayan na mag-iisang taon na pala kami. Parang kailan lang ay iniiwasan ko pa siya, ngayon ay isang taon na ang nakalipas. Hindi ko parin ramdam dahil araw-araw ay parang nililigawan parin niya 'ko.



Biglang nangilid ang luha ko...


"Oh Kat! Tara na!" Agad ko namang napunasan ang mga luhang nagbabadyang bumagsak sa mata ko ng pumasok bigla si Ange sa kwarto 'ko.




Hindi ko nga alam kung bakit bigla akong niyaya ng mga 'to, may lakad pa naman kami ni Dhale mamaya dahil anniversary namin ngayon.




Tinignan ko muna sa salamin ang sarili 'ko bago sumunod kay Ange palabas ng kwarto.



"Ma! Alis na kami!" Paalam ko kay mama ng makarating sa sala ng bahay.



"Tita alis na po kami!" Paalam rin ni Ange.



"Oo sige mag-ingat kayo ah!"



Agad kaming sumakay sa sasakyan ni Ange, nag-book kasi siya ng sasakyan. Ano namang drama nila eh pwede namang mag bus o jeep, ang mahal kaya mag-book!



"Ano ba saan ba tayo pupunta at ngayon pa talaga ah? Alam niyo namang anniversary namin ni Dhale!" Lingon ko kay Ange dahil nasa tabi ako ng driver's seat.



"Hay nako, wag ka ng magtanong at makakarating rin tayo 'ron!" Tss, hindi ko rin maintindihan 'tong mga kaibigan ko! Kahit kailan wala sa wisyo.



Hindi ko narin siya kinulit dahil kanina pa 'to nakukulitan sakin dahil kanina pa'ko tanong ng tanong. Tumingin nalang ako sa dinadaanan namin, parang pamilyar nga yung lugar eh. Pakiramdam ko napuntahan ko na 'to, pero ba'ka nagkakamali lang ako?



Sinuot ko ang earphones at nakinig nalang ng music, bahala na kung saan ako dalhin netong kaibigan ko. Hindi naman ata ako ipapahamak neto. Psh!



"Kat gising nandito na tayo!" Nagising naman ako sa kalabit ni Ange. Kinusot-kusot ko pa ang mata ko, hindi ko narin namalayan na nakatulog pala ako sa byahe.


Nang makababa ay tinignan ko ang paligid.




"Teka?! Nasa tagaytay tayo?!" Lingon ko kay Ange ng makababa. Leche! Kaya naman pala pamilyar dahil dito ako dinala ni Dhale nung sinagot ko siya!




Iginala ko naman ang paningin ko sa pamilyar na lugar, hindi parin ito nagbago at ang ganda parin. Ang simoy ng hangin na para kang hinihele ay nandon parin. Ang mga naglalakihang puno at ang payapa ng lugar ay nanatili parin. Namiss ko  ang lugar na 'to..




"Mamaya ka na magtanong at hinihintay na nila tayo." Naguguluhan man ay nagpahila rin ako kay Ange, ilang hakbang palang ang nalalakad namin ay nakita ko naman ang kaibigan kong si Tasya na papunta sa gawi namin.



I Build My Man For Another GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon