"Sean!" Ganon nalang ang pagtawag 'ko kay Sean pagkapasok ng Classroom. Ito na yung pag-kakataon 'ko para sabihin sa kanila ng hindi agad malalaman ni Dhale. Sakto naman kasi na may meeting rin sa Club si Dhale kaya wala siya rito.
Agad naman tumingin si Sean maging ang iba naming kaibigan. Tinignan 'ko sila ng may kaba, hindi malaman kung saan huhugot ng lakas ng loob para sabihin sa kanila 'to. Pero kailangan nilang malaman dahil alam 'kong susuportahan naman nila ako..
"Oh, Kat bakit?" Ani Sean
"Pwede ka bang makausap?"
Nakita ko naman ang pagtango niya, "Oo naman."
"Pwede bang sa labas t-tayo mag-usap?" Ani 'ko. Nakita ko naman ang pagtataka sa mukha ng kaibigan 'ko, nagtataka man ay tumango rin ito.
"Sige, Kat! Sunod na 'ko.." Pagsang-ayon nito. Nang makita 'ko siyang tumayo ay tyaka na ako naglakad palabas ng room. Mas mabuti ng walang makarinig, mamaya ay ipagsabi pa nila ito kay Dhale. Tss..
Nang makalabas ay sumandal na muna ako sa pader na kalapit ng pinto ng Classroom namin, wala ring dumadaan dito dahil nasa floor kami ng puro Lab. Naka-halukipkip at pinag-krus kopa ang mga braso 'ko.
Ano naman kaya ang magiging reaksyon ng mga kaibigan namin?
Ganon nalang ang pagbuntong hininga 'ko habang iniisip kung ano nga ba ang magiging reaksyon nilang lahat, lalong-lalo na si Dhale.
Narinig 'ko naman ang pagbukas ng pinto kasabay ng paglabas ng mga kaibigan 'ko.
"T-teka nga, si Sean lang ang tinawag 'ko ha?" Nagtatakang tanong 'ko sa kanila, nagpalipat-lipat ang aking paningin.
"Ay teh? Si Sean lang ba frenny mo dito?" Maarteng sagot naman ni Tasya.
Inis 'ko naman siyang tinignan. May punto siya, mahirap na kung iisa-isahin 'ko pa. Mabuti ng malaman nila ng sabay-sabay.
"So, ano nga yung gusto mong sabihin?" Ani Sean.
Tinignan 'ko muna sila isa-isa, ramdam 'ko ang pagpapawis ng kamay 'ko, ganon nalang ang paglalaro 'ko sa mga daliri 'ko.
"Uy! Kat!" Napaangat ako ng tingin kay Charles.
"H-hindi ako makakasama sa inyo sa C-college" Utal-utal 'kong sabi, hindi 'ko manlang sila magawang tignan sa mga mata. Nanatili akong nakatingin sa mga kamay 'ko.
Ngunit ang hinihintay 'kong reaksyon sa mga kaibigan 'ko ay hindi 'ko narinig. Galit ba sila?
"S-sorry guys, hindi 'ko agad nasa---"
"Sa akin hindi ka magso-sorry 'kung bakit hindi mo nasabi?" Ganon nalang kabilis na nanlamig ang buong katawan 'ko ng marinig 'ko ang boses na 'yon, ang kakayahang makagalaw ay hindi 'ko magawa sa sobrang bilis ng tibok ng puso 'ko.
Ngayon alam 'ko na kung bakit hindi manlang magawang sumagot ng mga kaibigan 'ko...
Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin sa mga kaibigan 'ko. Walang reaksyon ang mga mukha nito, lahat sila ay nakatingin sa likuran 'ko.
Dahan-dahan akong humarap sa likuran 'ko ng makita si Dhale. Kitang-kita ang pagka-seryoso niya, kahit kailan ay hindi 'ko pa nakita na ganitong ang reaksyon niya.
BINABASA MO ANG
I Build My Man For Another Girl
De Todo"Lahat ay pwedeng magpakita na mahal ka sa una, pero iilan lang ang kayang manatili hanggang dulo. Alin ka kaya don?"