Naging ganon nalang kami kaabala simula ng araw na mabigyan ako ng sulat ni Dhale. Kinabukasan ng araw na 'yon ay muntik pa 'kong ma-late sa klase dahil sa sakit ng ulo dulot ng pagpupuyat ng gabing 'yon. Hindi talaga ako pinatulog ng pag-iisip sa sinabi ng kaibigan kong si Ange.
Dumaan pa ang ilang araw at nagpatuloy pa ang paglapit ni Dhale. Kung noon ay hindi niya ako nagagawang pansinin dahil sa hiya, ngayon ay nagkaroon na ito ng lakas ng loob na lumapit. Hindi ko rin naman malaman sa sarili ko kung umiiwas ba ako o hindi. May parte sakin na masaya na nadyan siya, may parte sakin na naiirita kapag nakikita siya..
Leche! akala ko ba hindi mo siya gusto, Kat?
"Tara na guys, kain tayo sa baba! Kain tayo kanin?" Sabi ni Maria habang nagliligpit ng mga gamit.
Nag-ring na kasi ang bell na hudyat ng kalahating oras naming break. Nakita ko naman ang ilan kong mga kaklase na nauna ng bumaba ganon narin si Dhale kasama sila Jm, Sean, at Jerricho.
Naputol ang pag-iisip ko, nitong mga nakaraang araw ay lagi nila akong nahuhuling malalim ang iniisip, hindi rin naman sila nag-aabalang magtanong mas naging busy kami sa aktibidad sa klase. Nagkamali rin ako sa akala na doon matatapos 'yon, dahil simula ng bigyan ako ng sulat ni Dhale ay hudyat na pala yon ng tuloy-tuloy na panliligaw.
Tss. knowing them, hinihintay lang nila akong mag-kwento sa kanila. Alam kong chismis na chismis narin ang mga 'to..
"Tinapay lang ako.." Sabi naman ni Kenneth kay Maria at tumayo narin sa kinauupuan.
"Ikaw Kat?" Nilingon naman ako ni Kenneth.
"Ah, pinabaunan ako ni mama." Sabi ko at tumayo narin.
Madalas ay may baon akong kanin, ganon rin naman si Ange at Maria na pinapabaunan nila tita. Madalas ay si Kenneth at Tasya lang ang gumagastos. Nagtatabi kasi kami ng pera para pambili narin ng mga gagamitin sa ibang project.
Sabay-sabay kaming lumabas ng room, naka-angkla ang braso ko sa braso ni Ange, pinapakiramdaman ko naman kung makiki-usisa pa ito sa iniisip ko pero hindi naman na. Kaya nag-pauna na kaming naglakad sa apat.
"Kat!"
Ganon nalang ang gulat ko ng makalampas kami sa pintuan ng classroom namin ng may tumawag sakin. Sabay-sabay kaming napahinto at napalingon ng mga kaibigan ko sa likuran namin.
Nagulat ako ng makita ko si Dhale na papalapit sa gawi namin, kasama nito ang kaibigang si Jm at ang kaibigan kong si Sean at Jerricho. Mali ang akala 'kong nakababa na sila. Kung ganon ay hinintay pala talaga niya kami..
Kaibigan ko si Sean at Jerricho, pero sa hindi malamang dahilan ay mas madalas pa nilang kasama ang dalawa kesa sa amin.
Tss, diko malaman kung kanino ba talaga pumapanig 'tong dalawa eh..
"Kat, k-kumain ka ng marami ah.." Ani ni Dhale na hininaan pa ang boses na akala mo ay hindi maririnig ng mga kaibigan ko. Kitang-kita sa mukha nito ang hiya.
Nakita 'kong ngisi-ngisi at nang-aasar pa sila Jm sa likod ni Dhale. Grabe din ang suporta ng tatlo dito kay Dhale ano, mismong kaibigan ko ay suportado siya.
Inismiran ko ang tatlo. Ngiti at tango lang ang ginanti ko kay Dhale ng tignan siya uli. Naiilang ako tuwing malapit siya sakin, parang parati akong napapaisip kung maayos ba ang itsura ko kapag kaharap siya! Hindi ako maka-tingin ng deretso dito tuwing kinakausap ako. Ewan ko ba.
BINABASA MO ANG
I Build My Man For Another Girl
Rastgele"Lahat ay pwedeng magpakita na mahal ka sa una, pero iilan lang ang kayang manatili hanggang dulo. Alin ka kaya don?"