Saan ba kami nagkulang?
Are we not grateful for your sacrifices?
Hindi ba kami nagpasalamat sa'yo?
Hindi ba namin nakita ang paghihirap mo?
Hindi ba namin naiparamdam ng maayos ang pagmamahal namin? Kaya ka naghanap ng ibang makakasama, bumuo ng pamilya sa ibang babae at iwan si nanay?
Hindi ba namin naappreciate ang mga ginawa mo?
Saan kami nagkamali para iwan mo kami?
Wala ba kaming utang na loob?
Naging masama ba kaming anak sa'yo?
Alin 'yung hindi namin napunan para iwan mo kami?
Hindi kita magets sa mga galawan o plano mo sa buhay. Bakit mas importanye ang ibang tao kesa samin?
Bakit mas may oras ka pa silang kausapin kesa sa sarili mong pamilya?
Hindi ka ba namin tinrato ng tama?
Hindi ba sapat sa'yo ang isang asawa at limang anak?
Hindi ba sapat 'yung nag-aaral kami ng maayos?
Saan kami nagkulang? Sabihin mo.
Kami ba ang may mali?
Noong napagod at nalugmok ka, bakit hindi ka samin sumandal at nagpahinga? Bakit ibang babae ang iniyakan mo?
Ayaw mo bang alagaan ka namin?
Bakit hindi ka nagtiwala kay nanay?
Hindi ko alam kung saan kami nagkulang dahil sobrang layo mo abutin.
Hinahabol ka namin pero ayaw mong tumigil at patuloy ka lang sa pagtakbo ng mabilis hanggang sa makalayo kana.
Iniisip mo bang hindi ka namin mahal?
Iniisip mo bang kinamumuhian ka namin?
Ang dami kong tanong at siguro marami ka ring tanong sa amin.
Pero kailan mo kaya marorealize na ang totoong kayamanan ay nasa pamilya?
YOU ARE READING
Love of Roses [Poetry & Prose]
PoetryRoses are the flowers of Love; You are a rose That blooms on sunrise, And fell in sunset. Roses are the poems of love; You are the words I wrote, The rythmns of letters, For I am yours, And you are mine.