-Meron akong girlfriend 2 years na kami. Our relationship was full of love and happiness, parang wala ka nang hihilingin pa kaya I'm so thankful dahil mabait siya, maalaga, matalino, sweet at isa siyang girlfriend material kaya wala na akong rason para maghanap pa ng iba kasi sobrang kontento na ako sa kanya at masaya not until nagbago ang lahat.
It all started nung nalipat siya ng Hospital. Yep, she's a doctor kaya ganon nalang niya ako alagaan.
Dati, nu'ng nasa Medical Hospital pa siya nakaduty, sobrang gaan nung flow ng relationship namin pero ngayon? It feels like nagbago na siya, may third party pero ayokong isipin yun. I have a trust on her.
"Hon, saan punta mo?" tanong ko sa kanya habang nag aayos ng polo ko.
"may lakad lang kasama si Tazzi" sagot nito habang busy sa pag lalagay ng make up.
"Ah ganun ba, sunduin kita mamayang lunch time hon sabay na tayong mag lunch" Ani ko sa kanya.
"wag na baka madami ka pang gagawin at saka sa mall nalang kami kakain" may natinigan akong pagkairita sa boses niya na lagi niyang ginagawa these past few weeks.
"Ganun ba, sabay ka nalang sakin hon ihahatid na kita, saan ba kayo magkikita?"
Pag aya ko sa kanya dahil natapos narin ako sa pag aayos and besides eto lagi yung ginagawa ko. Hinahatid at sinusundo siya.
"H'wag na baka makaabala pa ako sayo."
"Nako, hindi hon tar-"
hindi man lang niya pinatapos yung pagsasalita ko at kaagad lang itong umalis.
Hindi ko alam pero tila natamlay ako kasi hindi man lang humalik o nag paalam gaya nang ginagawa niya noon.
Lumipas ang ilang araw na ganun siya, ang cold ng treatment tapos laging abala sa cellphone, 'pag tinanong anong ginagawa sinasabi lang na busy sa papers sa Hospital.
"Hi hon! kumain kana ba?" tanong ko sa kanya at sabay niyakap siya.
"Oo" matipid lang na sagot nito, ni hindi man lang ako tinapunan ng tingin dahil sa ginagawa niya.
"Hon, hindi mo naman kailangang isubsob yung sarili mo diyan, kayang kaya kitang buhayin. May bar ako remember?"
Pagkasabi ko non ay bigla niyang inalis yung pagkakayakap ko sa kanya. Nagulat naman ako pero hindi ko na yun pinahalata.
"Tulog na ako" ngumiti siya ng pilit bago humiga patagilid.
Napabuntong hininga nalang ako sa mga inaasal niya at pilit nalang siyang inintindi.
LUMIPAS ang mga araw, it's a Sunday morning at pahinga ko. Maaga akong nagising para ayain sana si Jillian na mag simba kami at mag date but sadly wala na siya sa tabi ko pag gising ko. Chinek ko ang oras, it's already 9;30 am.
"Hon?" sigaw ko mula sa labas ng pinto ng cr pero walang sumagot.
"Hon?" sigaw ko uli at nilibot narin ang bahay.
Sumigaw ako ng sumigaw pero walang sumasagot. Mukang wala nga siya at ang aga na naman niyang umalis, kaya nagpasya akong tawagan si Tazzi, ang lagi niyang kasama.
Ilang ring palang ay sumagot agad ito.
"Taz? Goodmorning si Jillian ba? kasama mo?" ilang segundo pa bago ito makasagot.
"Uhm Cj sorry hindi eh"
Nakapagtataka naman, si Tazzi lang naman yung alam kong lagi niyang pinupuntahan pag aalis or si Tazzi ang lagi niyang kasama sa gala.
YOU ARE READING
In a heartbeat
RandomWritten by: Kaizer Constello and Talia Bright. Take your time to read this! (Play Synesthesia song by Mayonnaise habang binabasa to.)