Ang daming nakatingin saking tao na dumadaan pero hindi ko sila inintindi.
Niyakap ko ang sarili ko nang umihip ang malamig na hangin habang umiiyak ako.
"B-Bakit ba kasi sa w-wrong decision a-ako s-sumasaya?"
I want Gelo pero hindi ko inisip kung gusto niya rin ako. I don't need Cj pero hindi ko naisip na kailangan niya ko.
Now I know kung gano ako kagago.
Pinagpalit ko yung 3 years sa 3 months lang.
Putangina. Ang sakit, ang sakit sakit.
"Cj.." naibulong ko sa hangin, "I'm sorry.."
Pumikit ako saka hinayaang mapagod ang sarili kakaiyak.
Ang bigat sa loob. Ang sakit sakin pero alam kong mas masakit parin yung nararamdaman ni Cj ngayon.
Umuwi ako ng bahay ng alas- diyes na pasado. Hindi ako kumain, hindi ako nakipag usap, basta lang tumulala ako sa harap ng Manila Bay iniisip kung gaano ako kagago.
Isang doctor pero ganon? Haha nakakahiya.
Ngayon, hindi ko alam kung nasan si Gelo. Hindi ko alam kung anong ginagawa ni Cj.
Kinuha ko ang cellphone ko para itext si Cj, I need him just like before.
To: Honey
I'm sorry :((
Sent ✔
Wala pang isang minuto tumunog na ang cellphone ko.
From: Honey😗
Shh, it's okay. I know you're hurting. Tomorrow liligawan kita uli. Iloveyou, cheer up honey!
Received ✔
Napahiga nalang ako saka pinilit ulit na patulugin ang sarili ko. I don't know what's next pero sana bumalik sakin si Cj.
KINAUMAGAHAN, pupunta ngayon si Cj kaya naman nilinis ko yung bahay dahil bukas may duty na ako bukas sa Hospital. Alam kong darating si Cj, alam kong dadating siya kasi ganon siya manligaw.
Niligpit ko lahat ng kalat, nag ayos ako ng sarili ko, nag linis, nagpaganda just like before. Kahit masakit pa rin feeling ko bumalik ako sa dati, yung nararamdaman ko parang bago parin.
Lumipas pa ang mga oras. Isang katok mula sa pinto ang narinig ko. Dali dali akong tumakbo dito at binuksan.
It's Cj, my man.
"Honeyyy!!" Niyakap ko siya saka dahan dahang umiyak. "I'm sorry, please forgive me.."
"Shh, I'm always here, guarding and guiding you." Pinakalma niya ko pero sobrang bigat talaga ng nararamdaman ko.
"I'm sorry.. I'm sorry.. I'm sorryyy, napakagago ko, p-patawad" patuloy kong sabi
"Shh tahan na, bumalik nalang tayo sa dati. Ibalik natin kung paano tayo nagsimula."
Mas lalong humigpit ang yakap ko sa kaniya, "I'm sorryy, hindi ko deserve yung pagpapatawad mo. Gantihan mo ko honey, awayin mo ko, gawin mo lahat ng revenge na alam mo pero wag mo lang akong iiwan. I'm scared.."
Hinaplos niya ang buhok ko saka ako hinalikan doon.
"Mas pipiliin kong maging tanga makasama ka lang uli, mas pipiliin kong masaktan matanggap ka lang uli kasi ganon kita kamahal Jillian."
Patuloy akong umiiyak sa dibdib niya, natigil lang iyon ng tapikin niya ako para pumasok kami.
At sa pagpasok namin, nagsimula na ang lahat. Ang panliligaw niya, ang pagbibigay niya sakin ng second chance.
And in that way, I remember our love story. Kung paano niya ko binuo even tho durog na durog siya. Kung paano niya ako itinaas kahit na lubog na lubog na siya. Kung paano niya ko minahal, pinagkatiwalaankahit may trust issue siya. Kung paano niya ko sorpresahin every week. Kung paano niya ako inispoil sa attention niya.
Kung paano niya binigay sakin yung pinapangarap ng ibang babae.
Siya yun, si Cj, ang taong binuo ako pero winasak ko.
"Huy! Smile naman diyan!" Saktong pagtingin ko sa kaniya biglang nag flash yung camera
"Nakakahiya!"
"Okay isa pa.." umayos na ako ng pwesto para picturan niya. "One.."
"Two.."
"Three.."
"Mahal kita, mahal na mahal."
Hindi ko namalayang napangiti ako at saktong sunod sunod ang pagclick niya sa camera. Nang tignan namin ito napangiti nalang ako.
"Perfect." He whispered as he saw my smile.
Napangiti nalang ako habang nasasaktan thinking kung pano ko siya nagawang lokohin.
"I love you too." Napalingon siya sakin saktong paghalik ko sa labi niya.
"Nako naman! Mga galawan!" Natatawa niyang sabi
Natawa nalang ako sa naging reaksyon niya. Now I know, he's not only my partner, he's my life.
A life that once I threw away.
Umuwi na si Cj bago mag alas- dose kasi bukas may meeting pa siya habang ako? May duty na sa Hospital.
Nakatulog ako ng mahimbing, walang iyak na naganap, walang pag ooverthink, lahat bumalik sa dati at dahil yun kay Cj.
Nagising ako sa sinag ng araw na tumama mismo sa mukha ko. Agad akong bumangon at naligo na. Pagtingin ko sa cellphone ko tadtad na naman ng text galing kay Cj na lagi niyang ginagawa pero sa lahat ng text niya? Isa lang ang mahalaga.
His 'I love you' for me.
Nireplyan ko yung text niya saka pumasok na sa trabaho.
Sobrang daming pasyente ngayon, as usual busy na naman lahat. Kaniya kaniyang toka.
"Doc kamusta? May bakas na pagkamugto yung mata mo ha? Ayos ka lang?" Tanong ni Faith
"Ah, oo naman. Ayos ako Faith pero mas ayos ako pag nabawasan ng pasyente tong Hospital kaya magtrabaho na tayo."
Natawa kaming dalawa sa sinabi ko at bumalik na sa kaniya kaniyang toka.
Sobrang daming tao pero mabuti at nakakapag pahinga ako kahit papaano, nakakatext ko rin si Cj kahit na hindi minu- minuto.
From: Honey 😗
I have a surprise to you hon, see you!
Received✔
YOU ARE READING
In a heartbeat
AcakWritten by: Kaizer Constello and Talia Bright. Take your time to read this! (Play Synesthesia song by Mayonnaise habang binabasa to.)