Chapter 4

3 1 0
                                    


Napangiti nalang ako ng wala sa oras dahil sa nabasa ko. It's his birthday! Lagi nalang siya mahilig manopresa, mahilig siyang gumawa ng secrets tapos hindi ko namamalayan na bonggang bongga pala yon.

Hays, ano kaya yung surprise niya sakin ngayon? I'm so exciteddddd.

Parang hindi na ako mapakali, ang dami kong naiisip na surprise at lahat ng iyon ay napapangiti ako. Pagdating kay Cj, lahat ng effort niya maliit man o malaki, lahat yon napapasaya ako.

"Doc pakitignan naman yung room 04" 

Tumango ako kay sir Jonathan at tinungo ang room 04. Actually, dalawa kaming doctor ng pasyente na to, dapat si sir Jonathan ang titingin ngayon e nataon namang may pasyente pa siyang tatapusin.

"Ma'am less stress na po ha? Para tuloy tuloy na yung pag galing mo." Sabi ko habang chinecheck yung katawan niya.

"Gagaling po ba ako doc?"

Tinignan ko sa mata ang matandang halos 3 months ng naka confine dito.

"Gagaling po kayo kung gusto niyo" sabay ngiti.

Ilang bilin pa ang iniwan ko sa kaniya bago ako lumabas para makapag pahinga siya.

Sa kalagitnaan ng paglalakad ko, natanaw ko ang mga nurses na nag tutulak. 

May panibagong pasyente na naman. 

"Doc kailangan operahan, masyadong napuruhan"

"Anong nangyari?"

"Bumangga yung sasakyang minamaneho niya, natusok yung tiyan ng kahoy nang bumangga sa sanga ng puno."

"Teka.. may pasyente pa akong dapat tapusin, punta niyo na yan sa OR"

"Yes doc"

"Hanapin niyo na rin si doc Jillian, siya lang ang free ngayon. Sabihin mo operahan niya yan may permiso na galing sakin"

Matapos kong mapakinggan yung usapan nila, agad agad akong pumunta doon.

"Doc.." 

"Jillian, ikaw ng bahala diyan. May mga nakapila pa sakin" 

Agad akong tumango at pumunta na sa OR matapos mag hugas ng kamay. 

"Let's start. 2 hours lang ang ilalaan para matanggal ang tumusok sa kaniya.." tumango silang lahat sakin,

Inilahad ko na ang kamay ko at binigay na sakin ang materyales na gagamitin ko isa isa.

Tumingin ako sa lalaking nakahiga, punong puno ng dugo ang mukha.

"G-Gelo.." 

Bigla akong kinabahan nang mas lalo kong makita kung sino ang pasyente ko.

"Jusko! Anong nangyari sayo?" Wika ko pa dahil hindi ako makapaniwala na si Gelo ang ooperahan ko.

Tumingin ako sa orasan. 1:20, kailangan kong matapos bago mag alas- kwatro. 

Sinimulan ko na ang pag oopera kay Gelo, maingat at dahan dahan lang. Kailangan ko siyang mabuhay, hindi siya pwedeng mawala.

Sobrang kaba ko sa pag oopera kay Gelo, at sa bawat paghiwa ko ng balat niya unti unting pumasok sakin lahat ng ala- ala naming dalawa.. kasama na rin si Cj.

From the start hanggang sa nahuli kami, at ngayon na hindi parin ako makapaniwalang inooperahan ko siya.

2 hours lang ang tinatagal ng ganitong klaseng sitwasyon, hindi pwedeng umabot ng 3 hours kasi sobrang tagal na non.

"Yeyyy!!!!! Operation success!!" 

Nakahinga ako ng malalim nang matapos ang dalawang oras at successful ang operation. Nag apiran ang mga naka assist sakin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 14, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

In a heartbeatWhere stories live. Discover now