From: Babe❤
Luneta park @ 5 pm.
Received✔
Tinignan ko ang orasan, 10 am palang. Pwede pa kong magchill.
Hinanda ko muna yung susuotin ko bago ako mag chill. Nanood ako sa Netflix katulad ng ginagawa ko noon.
Tuwang tuwa ako mag isa sa panonood hanggang sa nag pop up sa cellphone ko ang isang text mula kay Cj.
From: Honey😗
Liligawan uli kita. Hindi ko kaya ng wala ka. Lilimutin ko nalang yung nangyari basta wag mo nalang uulitin ha? Iloveyou.
Malapit na birthday ko hon, date naman tayo? :))
Received ✔
Hindi ko pinansin yung text sakin ni Cj.
Lumipas pa ang ilang oras at pumatak na ng 4:30. Nagbihis na ako saka pumunta na sa Luneta Park.
Pagdating ko sa Park, nakita ko kaagad si Gelo. Sa pwesto kung saan ko siya nakilala, sa oras kung saan ko siya nabangga at sa parehong araw kung kelan ko nahanap yung pagkukulang ni Cj sakin.
"Babee!" Sigaw ko saka kumaway
"Hey!"
Paglapit ko sa kaniya agad ko siyang niyakap saka hinalikan.
"Happy monthsary!" Ngiting ngiting wika ko
"Happy monthsary too, I love you"
Ngumiti ako at doon na nagsimula ang date namin. Naglakad lakad kami, foodtrip, we do crazy things, nagpakasaya hanggang sa gumabi na.
"Babe, naging masaya ka ba ngayon?"
Nakahilig ako sa balikat niya habang nasa sea side kami ng Manila Bay.
"Ofcourse!" Sagot ko
"Buti naman.. babe, mahal mo pa si Cj?"
Nakakunot ang kilay ko na napatingin sa kaniya.
"Bakit mo naman natanong yan? Look, hindi ko na siya mahal." Tinitigan ko si Gelo saka nag salita ulit. "Nakipag break nga ako sa kaniya para sayo diba?"
Wala siyang naging sagot agad. Nakatingin lang siya sakin na parang nag aalangan.
"Babe gusto kong balikan mo si Cj" wika niya.
Unti unti akong lumayo sa kaniya, nagulat at nagtataka.
"Why?!" Hindi ko mapigilang hindi tumaas ang boses ko. "Hindi mo ko mahal?ha? Gelo hindi mo na ko mahal?!"
"No. It's not that.. that's not what I meant!"
"Then what?!"
"Lately napag isip isip ko na kung kaya mong gawin kay Cj yon, kung kaya mong mag cheat sa una, kaya mo rin yun sa pangalawa." Matamlay niyang sabi
"W-Wala kang tiwala sakin?" Nauutal kong tanong dahil naguguluhan talaga ako!
"Meron.."
"Meron naman pala e, bakit mo ko pinapabalik kay Cj?" Naguguluhang tanong ko
"Kasi in the first place sa kaniya ka naman talaga." Ngumiti siya sakin pero alam kong hindi iyon totoo.
"Wala kang tiwala sakin babe.. wala." Umiiling na sabi ko
"Meron. May tiwala ako sayo pero sa nararamdaman mo? Sa decision mo? Wala."
Tumayo siya saka tinignan ako.
"I'm sorry pero I'm breaking up with you."
Akmang aalis na siya nang hawakan ko ang kamay niya para pigilan siya.
"K-Kaya mo? Kaya mo kong iwan? Hindi mo na ko mahal?" Malapit na akong umiyak pero pinipigilan ko lang
"Hindi ko kaya kasi mahal kita. Mahal na mahal. Pero alam mo yun? Kada naiisip ko na nag cheat ka kay Cj nawawala yung tiwala ko sayo, yung pagmamahal ko sayo. Rachell baka nakakalimutan mo, lalaki rin ako."
Wala na akong alam na way para hindi niya ako iwan kundi lumuhod. Lumuhod ako sa harap ni Gelo habang hawak hawak yung kamay niya.
"Please Gelo.. wag mo kong iwan please.." pagmamakaawa ko. "P-Please?" Umiiyak na tugon ko
"Babe.."
"Gelo please.. i-ikaw nalang yung meron ako, wag ka naman mawala p-please?" Pagmamakaawa ko pero wala,
Dahan dahan niyang tinggal ang kamay ko na nakakapit sa kaniya.
"I'm sorry.."
Two words pero halos napakaraming meaning para sakin, meaning na hindi na siya babalik, nagkamali ako, hindi niya na ako kailangan.
Is this my karma? For leaving Cj while loving Gelo?
Pero gusto ko lang sumaya, bawal ba yun?
"Don't worry, I'm always here." Wika niya bago tuluyang umalis.
Naiwan akong mag isa sa sea side katulad nang ginawa ko kay Cj. Naiwan ako mag isa na walang wala kahit isa.
YOU ARE READING
In a heartbeat
RandomWritten by: Kaizer Constello and Talia Bright. Take your time to read this! (Play Synesthesia song by Mayonnaise habang binabasa to.)