Luna
Naghahanda na ako ngayon dahil ngayon na ang alis namin papuntang Legazpi. 5:30 am na at handang handa na ako. Papunta na ako ngayon sa Airport.
Nakita ko si Manang sa kusina na agad namang natandaman ang presensya ko. Nagluluto ito ng agahan.
"Oh luna, aalis kana? Hindi kapa kumakain ah"
"Hindi napo ako kakain manang. May dala naman po akong snacks so ayos lang po"
"Oh sya sige ikaw ang bahala. Magiingat ka doon ha?"
"Opo. Bye manang" nagmano muna ako sakanya bago ako lumabas ng bahay.
Magpapahatid nalang ako ngayon sa driver namin para may babalik sa kotse ko dito. Alangan namang iwan ko nalang doon sa airport.
"Tara na manong"
Agad namang tumango si Manong Edgar at pinagbuksan ako ng pintuan. Pumasok na ako at agad nilabas ang cellphone para tawagan si Zoey.
*Ring ring ring*
"Hello?"
"Hoy Zoey! Papunta na akong airport! Papunta kana ba?"
"Ay! Oo! Papalabas na ako ng bahay! Kita nalang tayo doon!"
"Sige, bye"
"Bye"
Pagkatapos ay binaba ko na ang tawag at naghintay nalang na makarating kami sa Airport.
Nang makarating kami sa Airport ay bumaba na ako at ibinilin kay Mang Edgar ang sasakyan ko.
Pagkapasok ko sa Airport ay hindi talaga mawawala ang napakadaming tao dito sa loob. Nilibot ko ang paningin ko nagbabakasakaling nandito na si Zoey pero wala pa siya kaya naghintay nalang ako.
Naglalaro pang ako sa cellphone ko ng bigoang may gumulat saakin. Well, hindi talaga ako nagulat si hindi ata gulat ang tawag doon.
"Hey!"
"Nanggulat kapa eh alam mo namang hindi ako magugulatin"
"Edi uminom ka ng kape mara maging magulatin kana"
"Sira, tara na nga at malapit na ang flight natin"
"Ha? Wala ba tayong dadalhing kahit na ano? Asan yung mga packages? Maleta lang talaga dadalhin natin? Tsaka anong gagawin natin doon pagkatapos nating tumulong? Hanggang 1 week tayo doon diba? May mga tourist spot ba doon? Beach ba? Buti nalang nagdala ako ng swinsu-" pinutol ko na siya dahil talagang hindi ito magtatapos.
"Zoey, doon nalang tayo mag plano ok? Tsaka hindi tayo ang magdadala ng mga packages. Nandoon na ang katulong nating mga taga DSWD tsaka ang medical team so ito lang talaga ang dadalhin natin dahil susunod lang naman tayo doon at tutulong"
"Eh saan tayo tutuloy doon?"
"Malamang sa hotel saan paba? May bahay kaba doon?"
"Sabi ko nga diba?"
Napailing nalang ako at nagsimula ng maglakad papuntang eroplano. Hindi pinagamit ni dad ang private plane ko at ewan ko kung bakit. Minsan may sapak din yung si daddy eh. Gustong pinapahirapan ako.
Nang makaupo na kami sa upuan sa loob ng eroplano ay nagtalo pa talaga kami kung sino ang katabi ng bintana bago umupo. No choice siya dahil hindi talaga siya matatalo saakin pagdating sa mga ganito.
"Matutulog lang ako" tinanguan lang ako nito at ipinikit ko na ang mga mata ko.
Sirius
"Inang! Alis na ako ha?"
BINABASA MO ANG
When Night Falls (ON-GOING)
RomanceMagkaiba ang kinalakihan, Magkaiba ang ikot ng kanilang mundo, Mayaman at mahirap, pwede bang magsama kong madami naman ang hadlang? pwede bang magkaisa ng walang hadlang? Sirius, the brightest star and Luna, the Latin word of Moon. A moon and a sta...