Kabanata 2

18 2 46
                                    

Luna

Nakaupo ako ngayon sa kama ng kwartong inupahan namin sa hotel. Si Zoey ay nagaayos ng kanyang mga gamit. Ako naman ay kanina pa tapos. May dalawang malalaking kama ang kwarto na ito kaya magkasama kami sa isang kwarto.

Nakatulala lang ako dito sa dulo ng kama ko dahil naalala ko iyong lalakeng tumulong saamin kanina.

Inaamin ko, napaka gwapo niya kahit ganon ang sout niya. Para siyang anak mayaman. Maputi, maganda ang pangangatawan na parang nag ggym, matangos ang ilong, manipis at mapula pula ang mga labi, at ang kanyang kulay tsokolate na mapupungay na mga mata.

"Hoy Luna! Iniisip mo bayung si kuyang hottie ha?! Nako! Mamaya na iyan at magbihis kana! Pupunta na tayo sa gym uy! Baka nakakalimutan mong ngayon tayo mamimigay ng relief good?! Langya! Ako itong sinama mo pero ako pa ang may alam! Magbihis kana! Goooo!"

Napaigtid ako dahil sa sigaw naiyon ni Zoey. Agad akong napatingin sakanya at sinamaan ito ng tingin. Ang lapit lapit lang sakin tapos kung makasigaw wagas.

"Oh ano?! Bihis na!"

"Oo na! Ito na! Makasigaw eh noh?!"

"Duh! Nakatutulala kalang kasi dyan kakaisip dun kay kuyang hottie Sirius!" Tapos tumawa pa ito ng malakas.

Inirapan ko nalang siya at pumasok na sa banyo para maligo para fresh ako mamaya.

Pagkatapos kong maligo ay agad akong nagbihis ng simpleng light brown sweater and a white skinny jeans with also white rubber shoes.

"Oh ano? Let's go!" Excited na sabi ni Zoey at nauna ng lumabas.

"Alright alright" iiling-iling na sagot ko dito at sumunod sakanya.

Pagkalabas namin ng hotel ay may naghihintay na saaming kotse. Bakit ngayon lang to dumating? Kaninang papunta kami dito hindi man lang kami sinundo kaya kami nawala pero ngayon meron na?! What the heck dad!

"Buti naman may sundo na tayo" bulong na sabi ni zoey saakin ng makasakay kami.

"Talagang pinapahirapan tayo ni dad eh noh?"

"You're right. Kung hindi to dumating baka nawala na naman tayo pero ok lang kung makikita ulit natin si Kuyang Hottie" tapos tumawa pa ito.

"Bakit ba kuyang Hottie ang tawag mo dun?"

"Duh! Obviously because he's hot!"

"So siya na ang bagong crush mo? Hindi na si kuya Cast?"

"Oh shut up Luna. Alam mo namang loyal ako dun!"

"Loyal ba siya sayo?"

"Oo na! Oo na! Hindi na! Bwesit ka rin eh! Magsama kayong magkapatid!"

Tinatawanan ko napang ito ng irapan ako nito. Hindi ko na siya pinansin at tumingin nalang sa dinadaanan namin.

Makikita mo talaga ang resulta ng bagyo kahit isang buwan na ang nakalipas. Well, hindi naman agad nakakabangon ang mga tao pagdating sa ganito eh. May makikita ka paring mga sirang bahay, mga punong natumba, mga sanga ng puno na kung saan saan napadpad, mga bubong ng bahatly na nagkalat at mga posteng natutumba. Napahugot nalang ako ng hininga dahil sa nakita ko.

Nakatingin lang ako sa mga tao at paligid habang papunta kaming gym ng biglang tumunog ang cellphone ko.

*Dad Calling*

"Hello dad?"

"Papunta naba kayong gym?"

"Yup"

"Good then, hanapin mo nalang si Stella at siya na ang mag a assist sainyo"

"Alright dad"

"Sige by-"

When Night Falls (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon