Simula

23 4 77
                                    

Luna

Papunta ako ngayon sa office ni Dad dahil may iuutos daw ito saakin. Sabi saakin ni Beth, secretary ni Dad na ipapadala daw ako ni Dad sa Legazpi para sa isang project.

Siguro ang tinutukoy nitong project ay iyong pamimigay namin ng mga pagkain at tulong sa mga taong nasalanta ng bagyong Kammuri.

Gawain na namin ito ng pamilya na tumulong sa mga taong nasalanta sa kahit na anong kalamidad. Sa tulong nadin ng pera namin.

Ang pamilya Del Rosario ay isa sa mga mayayamang pamilya dito sa pilipinas. Marami ng natulungan ang pamilya namin, maliban lang talaga sa Kapatid ni dad na si Aunt Portia. Siya lang ang tutol sa ginagawa ng pamilya namin. Ang dahilan niya ay bakit daw mag sasayang kami ng oras at pera sa mga walang kwentang tao.

Sa lahat ng kapamilya namin ay siya lang talaga ang hindi gusto ng nakakarami saaamin, lalo na ako.

Minsan nga naitanong ko kay dad kung bakit naging kapatid niya iyon. Napakasama ng ugali, hindi ko lubos naisip na nagagawa niyang balewalain ang mga taong nangangailangan ng tulong.

Napailing nalang ako sa aking naisip at pumasok na sa office ni Dad. Nakita ko siyang nakaupo doon habang nakaharap sa laptop nito.

"Hi dad"

Napatigil ito sa ginawa at sinara ang laptop nito bago ito tumingin saakin at ngumiti.

"Hello there my princess"

Lumapit ako dito para halikan ang pisnge nito bago ako umupo sa visitor's chair na nakaharap kay dad.

"Pinatawag niyo daw po ako?"

"Oh yes, i want you to go to Legazpi princess. Hindi kasi makakapunta ang kuya Castor at kuya Pollux mo dahil inutusan ko silang pumuntang California para tignan ang Business natin doon. So ikaw nalang ang ipapapunta ko roon. Wala ka namang gagawin next week right?"

"It's ok Dad and yes, wala akong gagawin next week at gusto ko ding pumunta doon. Sasabihin ko nga sana sayo na sasama ako kina kuya pagpunta nila roon eh" natatawang sagot ko dito.

"That's good then, so next week sunday kana aalis at naayos ko na ang flight mo. 6:30 AM ang flight mo ok? Mas ok nayung maaga."

"Yes po Dad, maghahanda na po ako. By the way Dad, pwede ko bang isama si Zoey?"

Zeoy Gonzales is my one and only best friend since we're highschool. Ayoko kasi ng maraming friends tapos plastic lang naman. Siya lang kasi ang hindi pera ang habol saakin tsaka may pera naman daw siya sabi niya.

"Yes, of course. The more the merrier right? So magiingat kayo doon ah? And help everyone who need our help at tignan mo din ang ginagawang village natin doon para sa mga taong walang matitirhan ok?"

"Yes dad."

"Ok, that's all. You can go now."

Tumango lang ako bago tumayo at muling lumapit kay dad at hinalikan siya sa pisnge bago naglakad palabas ng office nito.

Habang naglalakad ako palabas ng building ay binabati ako ng mga employees doon, ngumingiti lang ako at binati rin sila pabalik.

Pagkarating ko sa parking lot ay agad akong pumasok sa kotse ko at nagmaneho papunta sa Boutique ni Zoey.

Pagkarating ko doon ay nakita ko si Zoey na tinitignan ang mga gowns and dresses nito na siya mismo ang nag design.

"Zoey!" Tawag ko sa atensyon nito. Napalingon naman ito saakin at nakangiting lumapit ito saakin.

"Hello Luna girl" sambit nito bago ako niyakap at nagbeso.

"Sama ka sakin next week papuntang Legazpi?" Tanong ko dito at pumunta sa sofa para umupo.

When Night Falls (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon