CHAPTER 3 - APPLY

5 2 0
                                    

Phoenix POV

"Here." sabay hagis saakin ng susi ng kotse ni boss.

"Aanhin ko dito? Sa'kin na kotse mo?" sabi ko matapos kong makuha.

"Fuck you. Mag drive ka. Dali." utos niya sabay pasok sa likod ng kotse.

Pagkaupo ko sa driver seat ay bigla akong kinabahan.

"Aren't we going to Company!? It's getting late fucker." reklamo niya.

"Eh Elio, 'di ko pa alam mag drive." sabi ko sabay kamot sa ulo.

"WTF!? Hindi ba tinuruan na kita!?"

"Tsk. Mas madali matuto kung sariling kotse mo 'yun. Ehem."

Damn you!"

"Tsk. 'di ko pa nga alam. Sige papabangga ko 'to." sambit ko sabay start ng kaniyang sasakyan.

"Damn. Alis! Ako na mag ddrive." sabi niya sabay baba sa kotse.

"Nice nice hahaha." sambit ko at nagkapalit kami ng pwesto.

"Sa passenger seat ka. Ayokong sa likod ka, magmumukha akong driver mo." reklamo niya sabay pasok sa driver seat.

Umalis ako sa back seat at pumasok sa passenger seat ng kaniyang kotse at sinimulan na niyang paandarin ang kaniyang sasakyan.

Dahil sa dakila akong pakealamero ay pinakealaman ko ang kaniyang IPad na kung saan nakakonekta doon ang cord niya sa speaker ng kotse niya.

I browse his gadget and wala akong ibang nakita kundi ang iisa lang na kanta. Demons by Imagine Dragons.

"Kinginangyan. Iisa lang ang kanta tsk."

"Pft. That's my favorite."

"Lakompake."

"WTF!?"

"Kakanta na lang ako."

"Pft. Baka umulan."

Binalewala ko 'yon at sinimulan ko ng kumanta.

"Oh kay sarap sa ilalim ng kalawakan, kapa---"

"Fuck!"

Napahinto ako sa aking pagkanta nang bigla niyang ipreno ang sasakyan, dahilan para muntik na akong mauntog.

"Tangina! Ba't ka ba huminto!?" Inis kong sambit sabay baling sakan'ya.

Natulala lamang siya sa kaniyang kinauupuan.

"T-that song. Theme song namin ng ex ko."

Tinignan ko siya ng natatawa.

"Pft. Hahahahahahaha kingina." Sambit ko habang napapahawak sa aking tyan at patuloy pa ring tumatawa.

"Damn. Fuck. Hindi ko na sana sinabi."

"Hahahaha. Oh kay sarap~ hahaha."

"Tangina!"
___

Pagpasok namin ng Kumpanya ay napadako ang tingin ko sa may gawing kaliwa namin, may pamilyar na babaeng nakatayo sa Reception Area. Nakatingin sa aming gawi. At ang kaniyang nag gagandahang mga mata ay napako sa pigura ng taong aking katabi.

"Boss. 'Yon 'yung babae sa Cafeteria kahapon 'di ba?" tanong ko. Sabay turo kay ateng nakatingin pa rin saamin hanggang ngayon.

"Huh? Hindi ko na tanda ang kaniyang mukha."

"Tsk. Abno naman neto. Tara, punta tayo sakaniya." sabi ko sabay hila sakaniya papunta sa babae. Wala naman na siyang nagawa kundi ang mag patinaod na lang sa aking paghila.

ELIO'S POV

"Oy Miss na nasa Cafeteria! Ba't ka naparito?" tanong ni Phoenix.

Hindi niya inaalis ang kaniyang tingin saakin. Kanina pa 'to ah. Kaya't kinunotan ko siya ng noo. Umiwas naman siya ng tingin at bumaling siya kay Phoenix.

"A-ah ano kasi--"

Hindi na niya natuloy ang kaniyang sasabihin nang biglang lumapit saamin ang handler ng Reception Area.

Nakita ko namang lumayo sina Phoenix upang mag usap sila nung babae.

"Ah sir goodmorning po. Uhm, may gusto pong mag apply bilang Architect dito sa Sunniva Company." panimula ng aking empleyado.

"Huh? Nasaan si Architect Allan Manansala?"

"Ah sir. Hindi po namin nasabi sainyo kahapon na nag resign na siya. May pinuntahan po kasi kayo no'n. Heto po yung Resignation letter niya. Pirma niyo na lang po ang kulang." sabi niya sabay abot ng Resignation letter.

"Reason?"

"Ah Sir, emergency daw po. Kailangan po niyang alagaan ang pamilya niya sa Davao."

"Tsk. Mali pa lang hinire ko pa 'yun. Sinong mag aapply?" tanong ko.

"Ah siya po Sir." sabay turo sa babaeng kausap ni Phoenix.

"Okay. Get back to work."

"Okay po Sir." sabay alis papunta sakaniyang pwesto.

Bumaling ako sa gawi nila Phoenix.

"Mr. Andromeda. Get her Biodata and let's go to my office now. Isama mo siya." utos ko sabay alis papuntang office.

Loving Her is not a MistakeWhere stories live. Discover now