Huling Bahagi

394 19 16
                                    

(Song inspired on the right side.)

Tinawagan siya ng fast food chain na huli niyang pinagpasahan. Nag-exam siya. Nakapasa. Nakarating siya ng initial interview. Nakapasa. Nakaabot siya sa last stage na final interview. Salamat sa kanta ni Yeng na “Salamat,” nakapasa siya! Pinakanta kasi siya ng manager pagkatapos ng masinsinang interview nito.

Tuwang-tuwa siya kasi may trabaho na siya. Laking pasasalamat niya kay Lord na kahit once in a three-month lang siya magsimba ay dininig nito ang kanyang mga panalangin.

 

Nang maayos ang requirements niya, diretso training na agad siya. Pinagkapraktis-praktis pa naman niya sa bahay ang sasabihin niya sa customer tapos hindi naman pala siya sa counter naka-assign kundi sa kitchen kung saan hindi masyadong kita ng customer.

Oo nga pala. No to pleasing personality siya! Sa kitchen, puro mga lalaki ang kasama niya. Sa station na hahawakan niya, doon lang talaga may babae.

Ganun pa man, hindi na siya nag-inarte pa. Trabaho ‘to! Dagdag allowance din ‘to! “Saka kapag sa counter, madalas nasho-short. Mag-iimbuna pa ako doon. Mas okay na ko dito,” pagmo-motivate pa niya sa kanyang sarili.

Una pa lang, alam na niyang hindi madaling pagsabayin ang pag-aaral at ang trabaho lalo na’t isa pa siyang iskolar na may gradong kailangang i-maintain. Pero hindi niya akalain na sobrang hirap pala! Na anumang sandali, bibigay na ang katawan niya sa sobrang pagod.

Nakagaan sa gastusin ng kanyang mga magulang ang pagkakaroon niya ng trabaho. Sa halip na bigyan pa siya ng mga ito ng baon ay sa sariling bulsa na nanggagaling ang pambaon niya.

Para sa kanya, ang third year ng first semester ang pinakamahirap na bahagi sa ilang taon niyang pag-aaral. Dito nagkasabay-sabay lahat ng pressure sa buhay niya.

Sa pag-aaral, naglitawan ang mga major subjects at mga minor subjects na umaastang mga major subject dahil sa sobrang hihirap ng mga ito! Samahan pa ng undergraduate thesis sa unit niya!

Sa trabaho naman, adjustment sa paligid, trabaho at higit sa lahat ay ang mga taong makakasama niya sa loob ng limang buwan na kontrata niya.

Nakakautas, di ba? To think na ang taong nakakaranas niyan ay wala sa itsura nitong may mga pinagdadaanan siyang mga ganyan sa buhay niya.

Si Lexlee, para lang siyang seryoso dahil sa mga pinagdadaanan niya sa buhay pero sa panlabas, maloko ang taong iyan! Bihirang magseryoso kaya hindi alam ng mga kaklase nito at maging ng mga malalapit nitong mga kaibigan ang tunay niyang pinagdaraanan. Pero nang mga panahong din iyon, doon nagsimula ang pagsusungit niya. Siguro dala na rin ng mga pangyayari sa buhay niya.

Lagi siyang napapagalitan sa trabaho –ng manager pati na ang mga katrabaho niya. Napapahiya. Nasisigawan. Ang bagal-bagal kasi niyang kumilos. Kokonti na nga lang ang orders na gagawin, pending pa! Pabirong kinukulit na nga siya ng manager nila na mag-resign na siya tutal ang hirap din naman niyang gawan ng schedule. Ang daming conflict! Nginingitian niya na nga lang ito kahit na pakiramdam niya ay maiiyak na siya at nakikiusap dito na kailangang-kailangan niya talaga ang trabahong iyon.

Papasok Ka Pa Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon