Takbo
Tago
Takbo
Takbo
Tago
Takbo
Feeling ko ay ako si Evelyn Salt sa ginagawa ko ngayon. Kung hindi lang ito seryosong sitwasyon ay baka kanina pa ako natawa.
Hinihingal akong nagpunas ng pawis habang nakasandal isang malaking pader. Takte! Hanggang dito sa Manila nasundan ako ng mga asungot na 'yon! Sumakay agad ako ng taxi at nagpahatid sa San Juan. Hindi ko alam pero ito ang napili kong lugar para pagtaguan. Hindi ako masyadong pamilyar sa lugar na ito pero kahit papaano ay may idea naman ako dahil nag-research na ako bago pa man ako umalis sa amin.
Malapit nang mag-gabi kaya kailangan ko ng makahanap agad ng matutuluyan. Mabilis kong hinubad ang jacket ko at ipinasok sa bag. Naka-white tshirt nalang ako ngayon. Ilang minuto pa ay ibinaba na ako ni manong sa isang malaking store na kulay green. Nasa Agora na daw kami.
Humigpit ang hawak ko sa strap ng bag pack ko at binilisan ang lakad. Nang makakita ng isang matayog na gusali ay halos takbuhin ko iyon para makapasok agad. Kinakabahan pa rin ako na baka may nakasunod saakin hanggang ngayon. Luminga-linga ako at nang masiguradong walang nakasunod ay pumasok na ako sa hotel.
Nag-check in agad ako at pinili ko 'yong pinakamurang room dahil nagtitipid ako. Malapit ng maubos ang cash ko at hindi ako pwedeng mag-withdraw dahil paniguradong mati-trace ako ng mangkukulam na 'yon.
Tatlong araw akong nagkulong sa hotel room ko sa takot na baka may umaaligid pang mga shokoy sa labas. Napilitan lang akong bumangon at lumabas nang matantong hindi na aabot sa thirty thousand pesos ang pera ko.
"Ate may bakante pa po ba kayo?" tanong ko sa babaeng itinuro nung napagtanungan ko kanina habang naglalakd-lakad. Si ate daw ang landlady ng three-storey building na 'to. Medyo maraming tao dito at may mga batang naglalaro sa iskinita. Medyo maluwag naman kaya okay lang.
"Mayroon pero good for two or three lang ang unit na available. Hindi pwede ang marami dahil maliit lang yun," sabi niya habang may kung anong pinuputol sa halamang nasa paso.
"Naku! Wala pong problema ate dahil mag-isa lang naman ako," excited kong sagot, "Kailan po ako pwedeng lumipat?"
"Pwede ka ng lumipat agad kung maibibigay mo ang one month advance at one month deposit. Five thousand ang upa kada buwan at hindi pa kasali ang tubig at ilaw doon," mataray na sabi ng landlady.
Napangiti naman ako sa kabila ng pagsusungit ni ate. Okay na yun. Maghahanap nalang ako ng trabahong pwede kong pasukan.
"Sige po. Lilipat po ako ngayong araw mismo. Mamaya ko na po ibibigay yung bayad kapag madala ko na ang mga gamit ko dito," masigla kong sagot. Isang bag pack lang naman ang dadalhin.
"Sige," sagot ng landlady at nagpatuloy sa pag-aasikaso ng halaman.
Bumalik kaagad ako sa hotel at inimpake ang mga gamit. Nang makapag-checkout ay dumiretso na ako sa building kung saan ako uupa.
"May sarili kang CR at maliit na kusina. May cabinet na din. Kung may kailangan ka pa, bahala ka ng bumili. Dalhin mo nalang kung aalis ka na," sabi ni ate Loida habang iginigiya ako sa third floor kung saan ang room na uupahan ko. Nagpakilala na siya kanina pag-abot ko ng bayad sa bahay.
"Oh siya maiwan na muna kita," pagpapaalam niya. "Ano nga ulit ang pangalan mo?"
"Zara Fauziya, po."
YOU ARE READING
Hiding in the Metro
General FictionSome people would say that the best way to solve a problem is to face it head on! Unfortunately, that's not how Zia sees it. For her, running and hiding are the bravest ways to win against the old freaking witch. She's probably out of her mind for a...