Chapter 3

33 4 3
                                    

"This will be your table. Madali lang muna ang trabaho mo dahil magsisimula ka pa lang naman," seryosong sabi ni sir Peter. Siya ang makakasama kong secretary ng CEO. Mukha siyang masungit dahil seryoso siya pero dahil nakausap ko na siya ay nararamdaman kong mabait siya.

"Thank you, sir."

"Please call me Peter. Mr. Trujillo is our boss, not me."

"Okay, Peter," nakangit kong pag sang-ayon.

Tumango siya at pinasadahan ng tingin ang table sa likod kung saan daw ako pupwesto. "If you have questions, you can ask me now."

Hindi na ako nag-isip at mabilis na nagtanong, "Gaano ka na katagal dito?"

Saglit niya akong tinitigan at mukhang ayaw sagutin ang tanong ko. Sa huli ay bumuntong hininga siya at nagsalita, "The day sir Trujillo was acknowledged as the CEO of the company is the same day I started working as his secretary."

"Wow! Ibig sabihin matagal ka na dito," 'yon lang ang nasabi ko sa pagkamangha.

Tipid siyang ngumiti at tumango, "Anymore questions?"

Ngumiti din ako sakanya at umiling, "wala na po."

"Good. Now, fix yourself dahil may dadating na important investors in an hour. I'll prepare the conference room and the things needed for the meeting kaya ikaw na ang pumasok sa office ni sir Trujillo to bring him coffee. Also, please remind him of the meeting. Magpakilala ka nalang since he's aware that Lian is on maternity leave effective today," bilin niya na nakangiti kong tinanguan.

Sinunod ko agad ang sinabi ni Peter. Inayos ko ang mga gamit ko at nag-retouch na rin bago nagtungo sa pantry para gumawa ng kape ni boss. Ano kayang istura niya? Mabait kaya siya o masungit? Matanda o bata pa? Hmmm... Nakaka-curious naman.

Nang makapagtimpla na ako ng kape ay agad akong nagtungo sa opisina ng CEO. Hindi pa man ako nakakarating sa pinto ay nakarinig na ako ng pamilyar na boses. Biglang nanginig ang mga kamay ko at hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. Mabuti nalang at sa bandang likuran ko nanggagaling ang boses kaya siguradong hindi niya ako nakikita.

"How was the young Trujillo as a CEO?" boses ng taksil na lalaking kinamumuhian ko. Hinding-hindi ako pwedeng magkamali. Nandito ang walang hiyang lalakeng nakilala ko sa buong buhay ko.

"He's doing great, sir. How about you? How are you as the COO of Monteverde Empire?" tanong ng kausap niya na hindi pamilyar na boses.

"Never been this good," masayang masaya ang tinig ng walang hiya. Sumagot pa ang kausap niya hanggang sa unti-unti ng nawawala ang mga boses nila.

Bakit nandito siya? Alam ba niyang dito ako nagtatrabaho? Pero kung alam niyang nandito ako, siguradong kanina pa siya gumawa ng paraan para maisama ako pabalik. Kinakabahan man ay humakbang ulit ako papunta sa pinto ng opisina ng boss ko.

Siguro naman hindi niya malalaman na nandito ako. Gagawa nalang ako ng paraan para malaman kung ano ang ginagawa niya dito and if worse comes to worst, I need to get away from here as soon as possible.

Huminga muna ako ng malalim bago ko pinihit ang door knob at mabilis na pumasok. Walang nakaupo sa swivel chair kaya inilibot ko ang paningin ko sa magarang opisina. Nagmamadali akong naglakad papunta sa mesa at bago ko pa mailpag ang kape ay dumulas na ang tasa mula sa platito na hawak ko dahil kanina pa pala nagpapawis ang kamay ko sa kaba.

Parang slow motion ang pagkabuhos ng kape sa isang folder na nakapatong sa mesa. Napatili ako at mabilis na umikot para hindi tuluyang mabasa ang folder pero huli na dahil basang-basa na iyon. Inusog ko sa gilid ang swivel chair at binuksan ko ang folder para isalba ang mga papel na nasa loob nito pero agad ding nabitawan nang mabasa kung ano ang nakasulat sa unang pahina.

Hiding in the MetroWhere stories live. Discover now