Matapos ang mga nangyari nung overnight, hindi na ako muli pang nakipaglaro sa mga kaibigan ko. Lumipas ang bakasyon namin na nasa loob lang ako ng bahay. May mga araw man na pumupunta kami kina Tita Amelia hindi ko naman pinapansin ang panunukso nila sa akin kay baby Grace.
Lumipas ang ilang school year at birthdays ni baby Grace, hindi na ako pumapayag o sumusunod sa mga gusto nina mommy na ako ang magbantay o mag-alaga kay baby Grace. Nasasabihan na ako nila mommy at daddy na matigas na raw ang ulo ko. Dahil dun humanap ako ng way para may reason ako na hindi na mapadalas ang pagstay ko sa bahay at mabawasan ang time para makasama si baby Grace. Nakasali ako sa swimming team ng school namin. Kaya naman one hour before the class starts, nasa school na ako para sa training. Madalas din lalo na kapag may tournament na sasalihan ang team everyday after classes ay may training pa rin kami.
Ang pakikitungo naman sa akin ng mga kaibigan ko dati ay iba na. King minsan naguumpisa si Jason sa pangaasar sa akin patungkol sa kasarian ko. Kaya tuloy sa school ang tingin sa akin ay bading. Pero meron pa rin naman ang naniniwala na walang katotohanan ang sinasabi ni Jason. Mabuti na lang at kahit papaano binabati pa rin ako ni Janno. Tinatanguan ako kapag nagkakasalubong kami sa hallway.
Meron pa naman akong mga kaibigan, lalo na sa team ko. Pero hindi tulad ng dati na meron akong grupo na matatawag kong bestfriends. Dahil sa naging sitwasyon ko na wala na akong grupo na sinasamahan para maglaro at member na ako ng swimming team, mas naging focus ako sa aking studies. Kung dati ay average lang ang nakukuha ko sa mga exams at ranking, ngayon ay nakakapasok na ako sa top 10 rankings.
Nag-improve man ang grades ko at study habits ko, pumanget naman daw ang ugali ko. Masyado na raw akong naging bugnutin at madalas ay napakasuplado. Hindi na rin daw ako masyadong nagkukwento kina mommy at daddy patungkol sa mga nangyayari sa araw ko. Kahit ganun hinayaan na lang nila ako, baka raw kasi dumadaan na ako sa puberty. Ang mahalaga raw hindi ko napapabayaan ang studies ko. Simula rin nun hindi ko na narinig sa kanila ang pangaasar nila sa akin kay baby Grace.
Finally, I'm graduating from senior high. I may not have an academic award, but I was awarded athlete of the year. Ever since I became a member of the swimming team, lagi akong nananalo ng Gold kung hindi naman minsan ay silver medal. With that I can see na proud ang parents ko sa akin. After this college na ako, and I'm already preparing for my college entrance exams lalo na at gusto kong maging engineer.
Si Sophie naman ay Grade 11 na sa susunod na pasukan. Nang dahil sa akin, naenganyo rin syang sumali sa sport. Napili nyang sumali sa taekwondo club ng school. Kaya naman kapag sa tuwing inaasar ko sya at si Grace o 'di kaya ay sungitan ko, bigla na lang akong nasasapak o nabubugbog ni Sophie. Sa same school rin pumapasok si Grace. Nasa Grade 7 na sya. Ewan ko ba, kahit masungit ako sa kanila ni Sophie panay pa rin ang buntot sa akin ni Grace. Lagi nya akong tinatawag na kuya kahit 'di ko naman sya kapatid. Ang pinaka-iinisan ko pa eh yung sumali rin sya sa swimming team nung mag-grade 3 sya, habang ako ay nasa grade 10 nun. Pasalamat naman ako at kahit papaano ay magkaiba kami ng group. Ang primary level hanggang grade 7 ay nasa group A, habang ang grade 8 and grade 12 ay group B. Kaya naman gumraduate ako na hindi kami nagkakasama sa mga trainings ni Grace.
"Congrats baby ko!" Bati sa akin ni mommy sabay halik at yakap matapos ang ceremony.
"Naks! Athlete of the year! Ang galing naman ng son-in-law ko!" Kantyaw naman ni Tito Charles sa akin.
Tss. Son-in-law. Pwe! Sabi ko sa isip ko.
Nakita ko naman na sikuhin sya ni Tita Amelia.
"And congrats sa mga prinsesa namin! Meron ding mga awards!" Proud na pagkakasabi ni daddy.
"Thanks dad! 'yung promise mo sa akin dad ha. Bibilhan mo ako ng new phone." Sabay labing ni Sophie.
Sus, kaya ka nagpapabili ng bago kasi naman binato mo sa akin nung nagalit ka. Tsaka award award? Most punctual at most honest lang naman nakuha nung si Grace. Although Top 5 naman si Sophie. Ewan ko ba, hindi naman mahina sa pag-aaral si Grace. Average naman sya, pero never pa talaga syang nakakuha ng academic award. Puro most punctual, most honest or most friendly ang nakukuha nya. Enough naman ang grades nya para makapag-stay sa varsity team. Hmph! Bahala nga sila.
"Oh, so punta na tayo sa resto? Mag-celebrate na tayo." Yaya ni dad sa amin lahat.
Pagdating sa resto handa na ang mga pagkain namin sa isang mahabang table na naroon. Masasarap ang mga nakahain. Puro nga mga paborito namin tatlo ang ipinahanda nila para sa amin. Masaya naman kaming nagsalu-salo at nagkwentuhan.
"So Mike, saan mo plano pumasok na university? Sabi sa akin ng dad mo gusto mo raw mag-engineering." Sabi sa akin ni Tito Charles.
"Meron po akong pinagpaplanuhang pasukan Tito. Tatlong university po ang pinagpipilian ko. Sa ngayon, aasikasuhin ko po muna ang mga requirements ko for the entrance exams. Tsaka tomorrow babalik po ako sa school to process my clearance." Sagot ko sa kanya.
"Looks like may concrete plan ka na for your future. That's good! Mana ka talaga dito sa daddy mo, very decisive and confident sa mga ginawa nya." Balik namang sabi ni Tito sa akin.
"Pero hindi ka ba magagahul sa oras nyan if sasama ka sa Palawan trip natin?" Tanong ni Tita Amelia.
"No po, tutal naman we'll only be staying there for one week. And isa pa, malayo pa po ang deadline of submission ng applications dun sa mga chosen universities ko. Buti nalang din at same lang ang mga hinihingi na requirements nila." Sagot ko kay Tita.
"Oh wala na palang problema eh, so next week Monday we can finally have a vacation as a family!" Excited na sabi ni daddy sa amin.
Excited rin ako sa gagawin naming bakasyon sa Palawan. Pero hindi rin maalis sa dibdib ko 'yung kaba na wala na ako sa highschool, panibagong environment na naman ang pupuntahan ko. College na ako.
Matapos ang masarap na tanghalian at masayang kwentuhan at pagpaplano para sa vacation next week, nauna si daddy lumabas ng resto at some nabihan kami na 'wag munang lumabas.
Dumaan ang ilang minuto, may narinig kaming malakas na busina sa labas.
"I think it's time. Let's go!" Anyaya ni mommy sa amin. Nakapagtataka at iba ang ngiti nitong matatanda sa akin.
Paglabas namin sa resto ay bigla silang sumigaw ng "SURPRISE!"
Nagulat ako sa ginawa nila. Nasa harap ko ang pangarap kong kotse.
Holy... Audi r8 v10 coupe black.. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Dream ko ang magkasasakyan, kahit simple lang. Pero unexpected ito, Audi men!
"For you son!" Sabi sa akin bi dad.
"For real?" Hindi pa rin ako makapaniwala.
"Yes it's for you. You'll be needing this once classes starts." Sagot naman ni daddy.
Dali-dali akong lumapit sa sasakyan at hinawakan iyon. Sandali kong naitigil ang aking hininga ng mapagtantung totoo nga ito. Hindi ako nananaginip.
Humarap ako kay dad na noon ay nasa tabi ko na. "Dad, thank you!" Masaya kong sambit sa kanya at inakap sya ng mahigpit.
Tumakbo ako palapit kay mommy at inakap rin sya. "Mom, I love you. Thank you for this."
"I love you too my dear son." Sambit sa akin ni mommy.
"I-test drive mo na kuya! Tapos sakay kami ni Grace." Sabay akbay kay Grace na mukha ring excited.
"Bakit kayo kasama. Akin 'to kaya dapat ako lang ang gagamit at sasakay dito." Pagsusungit ko kay Sophie.
"Sige na Mike. Pagbigyan mo na. Ito na gamitin nyo pauwi. Tutal naman you already have your license di'ba. We'll just drive behind you pauwi." Sabat naman ni daddy.
Kahit ayaw ko, pumayag na lang din ako dahil sobrang saya ko sa regalong natanggap mula kay mommy't daddy.
BINABASA MO ANG
A Baby's Love Story - formerly AGI'S LOVE STORY (Updating)
Teen FictionThey say in love, "age doesn't matter", but for some kadiri daw kapag sobrang tanda o layo ng agwat ng age niyo sa isa't isa. Kung lalaki ang matanda, "D.O.M." ang tawag, minsan nga "sugar daddy". At kapag babae naman ang matanda tinatawag naman na...