"Mike!, be ready, darating na ang girlfriend mo!!"
Aaargh! Aga-aga, ingay-ingay!
Ano ba naman yang nanay ko, ubod ng umingay.
Sino ba naman kasi yang girlfriend na sinasabi niya, eh seven years old pa nga lang ako may girlfriend na. Hindi pa nga ako natutuli eh.
Tsaka hello! Wala pa sa utak ko yun, dahil sa ngayon ang gusto ko eh maglaro!
*tok tok tok
"Mike, labas na dyan. Kumain ka na at kailangan na nating pumunta sa airport maya-maya lang."
"Yes Ma!" medyo pasinghal kong sagot. Medyo lang.
"Bilisan mo! Tumayo kana dyan sa kama mo! Dahil kung hindi! Naku!"
Ugh! Naman oh, may x-ray vision ba ang mga nanay? Alam na nakahiga pa rin ang anak kahit na nakasarado ang pintong opaque at talagang wala kang makikita kung hindi mo bubuksan.
"Hoy! Tayu na! At wala akong x-ray vision noh. Nanay mo lang talaga ako! Kaya tumayo kana dyan!"
Aba, at mind reader rin pala!
"At wag mong iisipin na mind reader ako!"
Woojoo! Okay fine makatayo na nga.
"Mabuti naman!"
Wow at may pahabol pa.
---------------------------------------------------------------------------
So ayun after 30 mins. ng pagligo at pag-aayos ng higaan ko eh nakababa na nga ako at kumakain ng almusal kasama ang ever loving family ko.
"Kuya ano itsura ng girlfriend mo?" tanong ng 4 years old ko na kapatid, si Sophie.
"Hindi ko alam. Wag mo kong kausapin."
"Bad ka talaga! Sana yung girlfriend mo cute tsaka makalaro ko."
"Oo naman baby Sophie makakalaro mo sya. Basta be nice to her hah." sabat naman ni mommy.
"Yes mommy!"
"Aah, Hon' alam na ba ni Mike ang about dito?" ask ni Dad.
"Oo naman. Di ba nga lagi ko syang sinasabihan about sa mga mangyayari."
"Yeah I know, andun na tayo. Pero does he know na-"
"Ma'am, andyan na po si Kulas sa labas." biglang singit ni Yaya.
"Ganun ba? Oh well Jack, later nalang malalaman din naman niya eh. Dun na lang sa airport natin
ipaliwanag." sabi ni Mom.
"Okay, sige tara na at baka dumating ang plane nila Amelia at Charles."
After a few hours of biyahe eh nakarating na rin kami sa MIA.
10:47 A.M. na, 11 A.M. daw ang arrival nung friends nila daddy at mommy kasama ang "girlfriend" ko raw.
"Kuya, sana mabait yung girlfriend mo nuh? Sana hindi sya katulad mo na mean. Sana good girl sya tulad ko. 'Nuh mommy?"
"Oo naman good girl sya katulad mo!" sagot ni mommy kay Sophie.
Ano kaya itsura nung "girlfriend" ko raw? Maganda kaya? Mabait? Matalino? Ano kaya?
Tsaka ano nga pla yung dapat kong malaman? Bakit hindi pa sinasabi sakin ni mommy?
Ah! Baka nakalimutan lang! Tama itanong ko nalang baka nakalimutan lang talaga nila, matatanda na kasi sila eh.
BINABASA MO ANG
A Baby's Love Story - formerly AGI'S LOVE STORY (Updating)
TeenfikceThey say in love, "age doesn't matter", but for some kadiri daw kapag sobrang tanda o layo ng agwat ng age niyo sa isa't isa. Kung lalaki ang matanda, "D.O.M." ang tawag, minsan nga "sugar daddy". At kapag babae naman ang matanda tinatawag naman na...