Chapter 3 - Overnight 2

7 0 0
                                    

Abut-abot ang prayers ko kay Lord na sana payagan ako ni mommy na sumali sa overnight ng mga kaibigan ko. Buti na lang at pinayagan nila ako, dahil kung hindi baka magwala ako sa harap nila. Alam ko kasi na mas gusto nila akong makasama 'yung kapatid ko at si baby Grace.

Kung tutuusin nga nagwawaldas na lang sila tita ng pera sa yaya ni baby Grace dahil ako lagi ang nagbabantay sa kanya. Ako ba naman lagi inuutusan kesyo ako ang matanda at ako ang future husband daw ni baby Grace. Halos hindi na nga ako makapaglaro kasama mga kaibigan ko, 'yan tuloy akala nila bading ako. Nakita ba naman nila ako isang beses na nakasuot ng tiara at nakikipaglaro ng lutu-lutuan sa kapatid ko at kay baby Grace.

Andito ako ngayon sa bahay nila Jason. Matapos akong payagan nila mommy, eh nagayos kaagad ako ng gamit ko at pumunta na sa mga kaibigan ko.

"Hoy Mike, sure ka ba talagang hindi ka bading? Baka mamaya nyan may crush ka na pala sa isa sa amin kaya ka pumunta dito." Sabi ni Jason sabay tawa ng malakas kasama ng iba pa naming kaibigan.

"Hindi ako bakla hoy! Sa akin lang pinapabantay ng mommy ko si Sophie at 'yung baby ni Tita." Sagot ko sa kanila ng may inis.

"Narinig ko kay mommy na girlfriend mo daw 'yung baby. Totoo ba?" Tanong ni Janno habang pinipilit na 'wag matawa.

" Anong girlfriend? 'Yung baby girlfriend mo? Ano 'to joke?" Sarkastikong tanong ni George.

"Hindi ko girlfriend 'yun. At sure ako na hindi seryoso sina mommy na ipapakasal kami sa isa't isa balang araw." Seryosong sagot ko sa mga kaibigan ko na may halong inis na sa boses ko.

"Hahahahahahaha! Ah kasi bakla ka nga! Kaya ayaw mo maging girlfriend 'yung baby." Kantiyaw ni Jason sa akin.

"Hahahahahahahaha! 'Dun ka na nga lang kay Aya matulog." Sabat pa ni George.

"Hoy, tigilan nyo na pang-aasar kay Mike baka isumbong pa tayo nyan sa parents nya. Tsaka kahit bakla sya dapat tanggap natin sya. 'Yan ang sabi ni daddy sa akin nung malaman nyang bakla 'yung kapatid nya." Inosenteng sabi ni Janno.

Sa sobrang inis ko tumayo ako at nakakuyom na ang mga kamay.

"Sinabi ng hindi nga ako bakla! Alam nyo kung aasarin nyo lang ako dapat hindi nyo na ako ininvite dito! Akala ko pa naman din true friends ko kayo!" Sigaw ko sa kanila.

"'Yun nga eh, dapat hindi ka na lang talaga pumunta. Tutal naman hindi ka na rin naman sumasama sa amin di'ba?" Sagot sa akin ni Jason na parang galit na rin.

"Ah ganun? Sige, magsama-sama kayo. Hindi na tayo friends." Hamin ko sa kanila.

"Talaga! Sino ka ba? Wala namang may gustong maging kaibigan ka. Umalis ka na nga dito."

Matapos ibulyaw sa akin yun ni Jason, dinampot ko ang bag ko at naglakad na palabas ng kwarto nya.

"Uy Jason, bakit ka naman ganon?" Narinig kong tanong ni Janno.

"Pabayaan mo sya! Simula ngayon hindi na natin 'yan kaibigan." Sagot ni Jason.

"Baka magsumbong 'yun kina Tita na inaway natin sya ah." Pag-aalala ni George.

"Kung hindi sya bakla, hindi 'yan magsusumbong!"

Matapos kong marinig 'yun tuluyan na akong bumaba ng hagdan at lumabas sa kanilang bahay. Naiinis ako na dahil lang sa hindi ko na pagsama sa kanila ay ayaw na nila akong kaibigan. Lalong nadagdagan ang inis ko kay baby Grace.

Sana hindi na lang sya dumating sa buhay ko. Dahil sa kanya wala na akong friends.

Dali-dali akong umakyat papunta sa kwarto ko paguwi. Sa sobrang inis na nararamdaman ko hinagis ko ang bag ko at ibinato sa pader. Dinig na dinig ang pagdadabog ko, kaya naman mabilis na pumasok sina mommy at daddy sa loob ng kwarto ko.

"Oh baby, bakit ka nagdadabog? Atsaka bakit andito ka, eh di'ba may overnight kayo?" Tanong ni mommy sa akin.

Hindi ko sya sinagot. Nanatili akong tahimik na nakaupo sa kama at masama ang tingin sa bintana ng nakatalikod sa kanila.

"Son, nag-away ba kayo ng friends mo?" Tanong ni daddy.

"Leave me alone." Masungit kong sagot kina mommy and daddy.

"Honey, what's wrong? Come on, tell us." Paglalambing sa akin ni mommy.

"Son?" Alo ni daddy sa akin.

"We're not friends anymore! So get out of my room!" Sigaw ko sa kanila na naiiyak na. Hindi pa rin ako humaharap sa kanila sa sobrang sama ng loob ko.

"Well, I'm sure tomorrow bati na ulit kayo ng friends mo." Malambing na sabi sa akin ni dad.

"No! They don't like me anymore! And it's all because of that baby! I hate her!" Sigaw ko sa kanila sabay dapa sa kama ko ng umiiyak na.

"Just leave me alone! I hate that baby! I hate her!" Patuloy kong bulyaw habang umiiyak.

"Honey, don't say that. We understand you're upset, but please don't say you hate baby Grace. She's just a baby." Malambing pa rin na sagot sa akin ni mommy.

"No! I don't like her! Because of her I don't have friends anymore!"

"Come on Hon, iwan muna natin si Mike. He's really upset. Tomorrow kausapin natin sya." Sabi ni daddy.

"Okay." Sagot ni mom kay dad.

"Son, you sleep na ha. Tomorrow we'll talk, okay? Good night honey." Sabay halik ni mommy sa ulo ko.

Narinig ko silang isara ang pinto paglabas sa kwarto ko. Hindi ako nakatulog agad dahil iyak ako ng iyak. Naiinis pa rin ako na dahil kay baby Grace ayaw na sa akin ng mga kaibigan ko.

A Baby's Love Story - formerly AGI'S LOVE STORY (Updating)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon