LRW-I

7 1 0
                                    

LUCIA

"ako kapag lumaki nako,gusto ko maging isang astronot!!"

"bakit naman?!!"

"eh kase gusto ko saka dapat ba may dahilan?"

"oo kaya!!"

"weh"

"oo nga kaya ako gusto ko magka-anak lang!"

'hmm...para sa isang bata napakasimple lang ng lahat ng bagay hah!..isang astronaut,kapag kaya lumaki na sya gugustuhin nya parin kaya maging isang astronaut?...pupusta ako HINDI NA!!!'

Pagkatapos makinig sa pag-uusap ng dalawang bata,naglakad na paalis si Lucia.Tuwing hapon madalas syang maglakad lakad sa park na yon madami kasing puno at maraming bata na naglalaro

Hilig nya ang makinig sa mga pinag-uusapan ng mga bata..punong puno kasi yon ng pangarap..isang bagay na wala sya.

Madali syang nakauwi sa pansamantala nyang tinutuluyan.Apat na araw na sya sa lugar na iyon at plano na nyang umalis bukas.Ayaw nya ng nagtatagal sa isang lugar madali kasi syang magsawa kaya linggo linggo iba-iba ang tinitirhan nya.

Pwedeng-pwede na nga syang tawaging 'NPA' no permanent address! Pero kung sabagay wala naman syang pakielam basta ang mahalaga sa kanya wala syang pinoproblema.

'saan naman kaya ako pupulutin sa mga susunod pang araw...maganda sana kung sa isang probinsya man lang yung may dagat ba!'

gabi na nang matapos syang mag-impake ng mga gamit nya maaga pa kasi syang aalis bukas wala pa kasi syang siguradong pupuntahan,bahala na ang konduktor sa bus hahaha

madaling araw ng bigla syang magising "arggh bakit ba sobrang init!!" pawis na pawis sya wala naman kasing aircon sa apartment na yon at mahina pa ang electric fan at sobrang sikip

iiling iling syang pumunta sa kusina uminom sya ng tubig saka dumeretso na sa cr.Maliligo na lang sya tutal maaga rin naman syang aalis

pagkatapos maligo,gumayak na sya at nag abang ng tricycle sa labas ng bahay,iyon ang maganda sa lugar na iyon kahit na anong oras may mga tricycle na nagkalat

miya miya pa may huminto na sa harapan nya sumakay na sya't nagpahatid sa bus terminal

sanay na sya sa ganoong bagay,simula nung 20 years old sya matapos ang pangyayaring yon sa buhay nya hindi na sya pumirme sa isang lugar

palipat lipat sya dahil hindi nya makita ang sarili nya na magtagal sa isang lugar...pinakamatagal na ang isang buwan

"miss nandito na tayo!"

"miss!!"

"miss!!!--"

"ano ba kuya makasigaw ka naman eh!!"

"kanina pa kasi tayo nandito--"

"oo na nga bababa na oh etong bayad..keep the change"

"suss!maka-keep the change ka naman para sa limang piso lang..pasalamat ka miss maganda ka!!"

napataas na lang sya ng kilay pero di na sinagot ang driver 'aba naman ang isang milyon nga hindi mabubuo kung walang piso,limang piso pa kaya!!'

sumakay sya sa bus nang hindi tinitingnan ang destinasyon non bahala na kung saan abutin

pumuwesto sya sa pinaka likuran para walang istorbo saka sigurado syang sya ang pinaka huling bababa

kalahating oras lang ang lumipas umandar na paalis ang bus na sinasakyan nya

dalawang bagay lang ang nararamdaman nya sa ngayon,excite at pagod!..wala pa syang maayos na tulog at hindi nya alam ang lugar na pupuntahan nya kaya kahit gusto na nyang pumikit at magpahinga tumingin na sya sa bintana na katabi nya at tumingin na lang sa daan

LARAWANWhere stories live. Discover now