VIEN
alas-osto pa lang nag umpisa na ang pagsho-shoot nila at mag-aalasdose na kaya tumigil muna sila para mananghalian
lahat halos ng staff ay kumakain parin hanggang ngayon pero sya nasa ilalim ng puno ng niyog at abala sa isang bagay
"huleeeee!anak ng--baka matunaw yan!!"
para bang nawindang ang buong pagkatao nya dahil sa lakas ng pagkakasigaw ni Neo sa mismong tenga nya pa!!
"ano ba!!nakakabingi ka ah!" pasinghal na sigaw nya rin dito 'ang loko balak pa atang patayin ako sa gulat!!'
"sus ang sabihen mo tutok ka lang sa pagtitig sa babae--"
"tsk ikaw kung ano anong iniimbento mo!"
"aba't--anong iniimbento, baket hindi ba eh kanina ka pa nga nakatanga sa babaeng yon!"
"eh ano ba naman kaseng pake mo!"
"kitams edi inamen mo ren--"
"gago kalalake mong tao chismoso ka!"
"denial!!tara na,mamaya ka na magpantasya dyan ikaw na lang ang iniintay don!"
umalis na ulet si Neo sa tabi nya kaya agad syang nagbalik tingin sa gawi ng babae kanina at napailing na lang sya ng makitang wala na ito roon
'di ko man lang napicturan!'
puno ng paninisi kay Neo na bumalik si Vien sa area ng susunod nilang kukunan
seryoso sya sa bawat pagkuha ng litrato at video sa mag asawa. Matanda na ang mga ito,mga nasa late fifties na pero halata parin na mahal na mahal ang isa't-isa
inaamin nyang humahanga sya rito dahil kahit kailan hindi naging ganon ang mga magulang nya..at hindi na magiging ganon!!
huminga na lang sya ng malalim at inalis sa isip nya ang pagka-bitter!!
'at kelan ko pa nalaman ang salitang bitter...h-hindi kaya--aishh focussss!'Hapon na ng matapos sila,nakakapagod pero masaya sya dahil natuwa ang mag-asawa sa naging resulta.Sa katunayan binigyan pa sila ng dagdag na bayad ni Neo.
"pre jackpot tayo ngayon galante yung mag-asawa eh!"
"oo nga... magkano rin to oh!" malaki ang ngiti nya kanina pa hindi pa man tapos ang trabaho nila..ewan nya ba kung baket
"weh?!?sa ngiti mong yan hindi lang pera ang dahilan oy!"
"tsk marunong kapa saken ah!!"
"kase nga totoo sinasabe ko..yang ngiti na yan dahil don sa babae kanina..yung naka-white na dress!"
"umuwi ka na nga lang kung ano ano nang kinukuda mo loko ka!"
"bahala ka nga..una na ko pakalunod ka na lang sa dagat!"
"geh"
nakangiting iiling-iling na pinanood ni Vien na maglakad papalayo sa kanya ang kaibigan
kahit kelan lagi syang inaasar nito kaya sanay na sya pero alam nya sa sarili nyang kahit papaano ay medyo tama ito sa hinala!
at isa pa kaya sya nagpaiwan ay nagbabakasali sya na baka bumalik pa yung babae kanina at makita nya ulet
interesado syang makuhaan ito ng litrato..nakasanayan na kase nya ang pagkuha ng litrato sa mga bagay o lugar na nakukuha ang buong atensyon nya
mag-iisang oras na rin syang nakatingin lang sa dagat..papalubog na ang araw ibig sabihin mag gagabi na
YOU ARE READING
LARAWAN
Teen FictionSi Lucia Santillan isang 'happy go lucky lady' and a Philosopher once said..."no will plus no care times low temper equals no work and no work equals no proble--punyeta live life to the fullest na nga lang!" at Adilvien Vergara isang freelance photo...