LUCIA
"nakakainis ang lalaking yon arggh napaka!!!"
stress na nga sya ng tumawag ang head editor ng kumpanya kung saan sya nagpupublish ng mga gawa nyang istorya dumagdag pa ang lalaking yon!!
nanghihingi na daw ng bagong gawa nya ang board,lagi kasing sold out ang mga libro nya.
pero kahit na,nakapademanding ng mga yon..isa sa pinaka ayaw din nya dahil dun ang umpisa ng problema tulad ngayon
ayaw nya ng pinipilit sya sa bagay na ayaw nya kaya kung hindi lang talaga nya mahal ang pasusulat hinding hindi sya mag aabala sa kumpanya na yon
hindi nya lang talaga mabitawan dahil masaya talaga sya sa ganon..hindi tungkol sa pera,basta nagsusulat sya para mag-inspire ng ibang tao at para sumaya sya
kung sabagay halos tatlong buwan na din ng huli syang makapag sulat at masyado syang nalibang sa paglilipat lipat
anong oras na ng magising sya..hindi rin kasi sya nakatulog agad kagabi at hindi na rin nag abalang kumain kaya pakiramdam nya eh medyo nahihilo sya ngayon..'mahihiya ang may hangover sakin!'
hindi maganda ang epekto ng pagpupuyat at pagpapalipas gutom sa kanya..sa kahit sino din naman ah!!
pero medyo malala nga lang ang sa kanya..hindi man halata pero mahina ang resistensya nya saka pihikan din sya sa pagkain ayaw nya sa gulay at piling prutas lang din ang nakakain nya
kapag nagpupuyat sya madalas sobrang pagkahilo ang epekto nun kinabukasan minsan nasusuka pa sya dahil lang don
kapag naman hindi sya kumakain sobrang nanghihina sya at kasunod na ang sinat.. kung minsan lagnat pa nga
nagpatingin na sya sa mga doctor noon pero isa lang ang mga sinasabi nito...'healthy living'
gusto naman nya yun kaso kung magpapaka-healty sya ibig sabihin pipilitin nya lang gawin ang mga ayaw nya saka mapipilitan din syang kumain ng mga ayaw nyang pagkain kaya wag na lang!!
Bumangon na sya at naligo,isang maong shorts lang at white shirt ang sinuot nya
naalala nya pa tuloy ang nakakainis na lalaki kahapon...pero hindi sya magpapalit--'eh ano naman kung puti ulet ang suot ko?!'
nagluto na lang sya ng omelette at nagtimpla ng kape... ayaw nya ng may asukal at ayaw din nya ng may cream saka yung sobrang init kase napapaso sya!!
dalagita palang sya ganon na ang timpla ng kape na gusto nya kaya marami ang nagsasabing para daw syang matanda!!
pagkatapos kumain nag umpisa syang maglinis ng unit nya..kagabi dapat ay mag-iimpake na sya pero bigla syang tumigil ewan ba nya may parte sa kanya na ayaw umalis kaya naman magsstay pa sya dito
wala pa namang isang linggo kaya siguro hindi pa sya naiinip
tanghali na ng matapos nya ang paglilinis tinatamad syang magluto kaya sa labas na lang sya kakain
sakto lang ang pera na dala nya ng bumaba ng hotel naghanap sya ng iba pang makakainan pero halos pormal ang mga nandon..at ayaw nya sa ganon!!
kaya nagtanong sya sa isang nagtitinda kung saan may iba pang kainan at tinuro nito ang kabilang ibayo..medyo malayo layo ito pero ayos lang basta makakain sya
para bang nagningning ang mga mata nya ng makita ang maliliit na nipa hut na kasya lang ang dalawang mesang dalawahan at ang iba ay medyo malalaki
maaamoy mula don ang mabangong amoy ng pagkain,natatakam sya kaya pumasok na sya sa parang tarangkahan
ang ganda ng ambiance ng lugar,parang buffet ang style at mga nakabulaklakin pang dress ang mga serbidora na akmang akma sa lugar!
YOU ARE READING
LARAWAN
Teen FictionSi Lucia Santillan isang 'happy go lucky lady' and a Philosopher once said..."no will plus no care times low temper equals no work and no work equals no proble--punyeta live life to the fullest na nga lang!" at Adilvien Vergara isang freelance photo...