Chapter 11: again?!

41 0 0
                                    

Xxxxxxxxx

Chapter 11

Nearly 7PM narin kami nakauwi, hinatid niya ako sa apartment. Ang tagal kung iisipin pero parang ang bilis nga ng oras habang enjoy na enjoy pa kami sa kwentuhan. Bukod kasi sa nangyari sa kanila ni Julia eh nagkwento din siya tungkol sa mga pinaggagagawa niya mula ng pagkalabas ko ng ospital nila, ganun din sa akin.

Pagkadating ko ng apartment ay nagpunas agad ako at magpapalit na sana ng pantulog ng biglang may maalala ako.

“NAKU!!!!si Nick! may practice nga pala kami”

Dali-dali akong nagbihis ulit, pupuntahan ko nalang sa school baka andun pa yun, maya-maya narinig ko si ate ng sumisigaw sa labas ng kwarto ko

“Psykie!anong nangyayari diyan?”

“ah..eh’wala ate may naalala lang ako”

“akala ko naman kung anon a nangyari sayo, oh sige labas ka na kakain na tayo”

Pagkatapos kung magbihis dumiretso na ako sa kusina para makapagpaalam kay ate

“ate mamaya nalang siguro ako kakain pagbalik ko, may babalikan lang ako sa school,saglit lang”

“ah…okay”

Lumabas na agad ako ng apartment, pero ng akmang isasarado ko na ulit ang gate may biglang nagsalita sa likod ko,

“buti’t naalala mo pa”

“ay bakla!”ng tinignan ko kung sino nakita ko si Nick na nakapamulsa habang nakasandig sa kanyang motorsiklo.

“Nick?”

“bakit may iba kang hinihintay?alam mo bang kanina pa ako naghihintay sayo sa music room, have you been enjoying someone’s company kaya nakalimutan mo na may practice tayo”

“hindi kasi…”

“angkas na dali, nasasayang oras natin eh’”sabi nito na ngayo’y nakasakay na pala sa motorsiklo niya.

“ha?saan tayo pupunta”

“dahil nakaligtaan mo na may practice tayo,hindi tayo pwedeng magstay sa school at this hour kaya sa bahay nalang para progressive at walang istorbo”

“kailangan bang sa bahay niyo talaga?eh’ yung kanta lang naman ang pagpapraktisan natin”

“hindi lang yun, mag-aaral din tayo para sa quiz bowl, remember we still got intelligence part ng competition?”

“oo nga pala…”

“ano?sasakay ka ba o tutunganga nalang”

“ah,,eh’oo ito na” galit agad? umangkas na ako at baka maya-maya sumabog siya sa inis mukha palang di ko na maipinta eh,

May balak ata magpakamatay ang isang to, tinutopak eh, ang biiiiiliiiiiissssssssssssssss!!!!!!! Magpatakbo ng motorsiklo, kala moy hinahabol si kamatayan, hindi na ako umimik baka mainis pa lalo,kumapit nalang ako ng mahigpit sa bakal na nasa pwetan ko. habang pinipikit ang aking mata.

Pero bigla nalang nasubsob ang mukha ko sa likod niya ng magbreak siya ng pagkalakas-lakas. Minulat ko mata ko, pero nasa gitna parin kami ng kalsada.

“bakit ka huminto?”

Hindi siya sumagot at sa halip ay inabot ang kamay ko sa likod ko at nilagay sa beywang niya. At pinaandar ulit ang kanyang motorsiklo.

O.o Tinotopak nga ata. Pero aamini ko may parang kuryenteng gumapang mula sa beywang niya,sa kamay ko at  hanggang sa buong katawan ko. mamaya nito magka-short circuit ditto (haha…ang corny?”)

LOVE song NOTESWhere stories live. Discover now