Chapter5: the dedication

28 0 0
  • Dedicated to Nikki Joy Lamela
                                    

Xxxxxxx

Chapter 5

“nick!”

“pa!? bakit ka sumisigaw? Para namang hindi mo ako kaharap!”

“kanina pa kaya kita kinakausap, lumilipad ata isip mo eh’ para kang walang kaharap” hindi ko napansin si papa, kaiisip sa nangyari kagabi, wala pa nga akong tulog eh’

*flashback*

“hey, it’s your dad,calling”

I tried to ease the tension na nararamdaman niya, kahit hindi ko alam kung bakit siya nagkakaganun, parang biglang nagbago lang siya ng personality at hindi ako makilala.

Ilang Segundo pa ay medyo dahan-dahan siyang lumapit upang abutin sa’kin yung cellphone niya,  paglapit niya sa akin nataman ng ilaw galing sa labas, siguro ay mula sa liwanag ng buwan ang mukha niya 

Nakita ko ang mismong mga takot niyang mata

“c’mon…I’m not gonna do anything to you, take it, it must be important” I slowly move closer to her para iabot ‘yung cellphone niya.

“stay there” at lumapit siya, inabot ‘yung cellphone niya, pagkatapos bumalik ulit sa gilid at doon sinagot ang tawag sabay talikod sa’kin.

“pa?” mahina niyang sabi, “I’m okay, may ilaw naman po eh’” pagsisinungaling niya, para siguro hindi mag-alala papa niya. Maya-maya lumingon siya sa’kin at sinabi sa kausap niya sa phone “wala po, w-wala po akong kasama”… “I’m really okay…promise, you too have a sleep…love you pa, good night”

“kung gusto mong intayin tumila ang ulan diyan ka lang sa sofa” sabi niyang nakatalikod parin. Maya-maya pa…

“sorry” mahina niyang sambit.

*end of flashback*

“uuwi na ang mama mo sa makalawa galing sa US business trip niya, alam mo naman siguro kung anong araw ‘yun?” tumigil siya at tinitigan ako at bumalik sa ginagawa niya ng umiiling, “tulog ka na naman,hay”

“sorry pa, opo, birthday niya po ‘yan diba? Ano po bang ipagagawa niyo sa’kin?” Masaya na sana kasi uuwi na si mama, ilang buwan din siya doon…kaya lang…naku naman gipit ako sa oras ngayon!

“alam mo naman busy mga kapatid mo, ikaw lang naman wala pang inaatupag ikaw nalang magplano ng surprise party para sa mama mo”

Ito na naman siya sa wala-kang-inaatupag session, minsan talaga gusto ko nang sumuko, magpadala sa pagod, kung ibang tao nakikita ang mga efforts at achievements ko, para naman kay papa naglalaro lang ako. @_@

Ang bakla ko naman tingnan nito, may pateary-teary eye pa ako,

“oh sige po” wala na akong magawa lumabas na rin ako ng opisina niya.

----)sa room kinabukasan

“oo, natakot nga kami sa bahay eh, minsan kasi nagiging hysterical ‘yang si Psykie pag-madilim”

Narinig ko nalang habang papalabas na ako ng room sa last subject, hindi ko na sana papansinin pero dala ng pagkacurios sa pangalan ng pinag-uusapan nila tumingin ako kung saan sila naroroon.

“ha? Bakit?”

mga classmate ko pala, hindi naman familiar sa’kin ‘tong dalawang babaeng ito eh, pero bakit kaya nila pinag-uusapan si Psykie?

“ha?eh…” lumingon-lingon yung isa at nung nakita niya ako agad kong binawi ang tingin ko at kunwari ay ibinalik ang atensiyon sa paglalakad at sa tingin ko naman nakumbinsi siya at tsaka nagpatuloy sa pagsasalita.

LOVE song NOTESWhere stories live. Discover now