Chapter7: Where art thou Psykie?

38 0 0
                                    

Xxxxxxx

Chapter 7

“oy, psykie buti nakapunta ka” sabi niya ng makalapit na sa table namin ni nick, kasama si mhyco. Kung hindi ba naman ako kinaladkad ng kaibigan mo.

“ah..oo marco, biglaang invitation ni nick” ngumiti lang ako.

“sana sinama mo na rin si cherry, hehe”

“si cherry? Nagpakilala sayo?hanep talaga ang aura mo, anong tactic ginamit mo doon ha?”

“naku, sana nga ganun ang nangyari, sa iba ko lang kaya nalaman name niya, pinahirapan mo pa kasi ako eh” at nagtawanan na kaming lahat.

“nakakita rin pala ng katapat itong si marco eh” sabi pa ni mhyco.

Pero biglang tumigil si marco ng nakatingin lang sa isang direksyon.

“nick, si Julia” pabulong niyang sabi, saktong paglingon nakita naming nasa likod na pala namin si Julia. Dali-dali namang tumayo si nick.

“oh Julia, here have a seat” pero walang ka ekspre-ekspresyon na sumagot si Julia

“I thought you’re dad was expecting me tonight, can we go to them first”

“yeah, I thought so…excuse us guys” nagpaalam nalang sa’min si Nick.

“sure” sabay naming sagot.

Nang makaalis na sila, “ Ang gwapo ng kaibigan natin nagmumukha lang sunud-sunuran kay Julia, tsk,tsk” sabi ni marco.

“alam mo pare feeling ko naghahanap lang ng dahilan si Julia para si nick na mismo bumitaw eh’ pano andiyan na naman kasi si Josh” si mhyco

“hay naku buti ako paganito-ganito lang hindi ganyan ka-complicated” sino kayang josh ang tinutukoy nila? Tsaka bakit gusto ni Julia na maghiwalay sila ni Nick? Ang labo.

“hay naku, palusot lang yan ng mga playboy” tumawa nalang kami sa sinabi ni mhyco.

Sa di kalayuan isang pamilyar na mukha ang nakita ko,

“cherry?” anong ginagawa niya dito?

“si cherry ba kamu?” ay asungot! “oo nga noh? Puntahan ko lang ah” naku ang laki ng ngiti ng mokong na’to

“mapapahamak pa ata bestfriend ko eh’”

“hahaha….hayaan mo na si marco,he just found cherry interesting” Si mhyco yun.

“kuya mhyco!” maya-maya pa may dalawang cute na dalaga ang lumapit sa’min ni mhyco ng maiwan na kami ni marco.

“mitch! Cassandra! Naku ang laki na ng kambal ah’” tumayo na si mhyco para salubungin sila. Mga tantya ko 15 years old pa tong mag to. Ang kikinis at ang gaganda,halatang mayaman at spoiled sa gestures palang.

“kuya mhyco who’s that pretty girl, girlfriend mo?” tumingin si mhyco sa’kin saglit at ngumiti.

“no, she’s a friend, here let me introduce you to her… Mitch, Cass, this is Psykie, Psykie this is Mitch and Cassandra…mga pinsan ni Nick” nag-smile lang yung dalawa at nag-kiss sa’kin cheerfully

“hi ate Psykie!” sabi ni cass, “ate Psykie? Don’t you know your name means butterfly?”

Nag-nod lang ako…kaya nga favorite ko ang butterfly eh’

“I like you ate” si mitch, “you’re simple pretty”

“ah..haha, salamat” ang sweet naman ng mga batang ito.

“ngapala kuya mhyco samahan mo muna kami let’s try the cupcakes dun oh’” buglang hila nila kay mhyco

“ate hiramin muna namin si kuya mhyco ah’”biglang baling nila sa’kin.

LOVE song NOTESWhere stories live. Discover now