Chapter 2

5 3 0
                                    


Halos ilang araw akong balisa sa trabaho. Hindi ko narin pa pinag aksayahan ng oras na isipin ang mensaheng natanggap ko nung nakaraang araw. Hindi ko maitatangi na nagaalala ako at kinabahan nung kinabukasan ng gabing natanggap ko ang mensahe galing sa kanya. Wala ng ibang mensahe sa sumunod pa rito kaya medyo napanatag ang loob ko at ginugol nalang ang buong oras sa trabaho at kay dim.

"Oh janina, mukhang magde-day shift narin si benj ah?" natatawang sabi ni nurse letty, isa sa mga señior na namin. Wala kaming alam ni janina tungkol dito pero nitong nakaraang araw ay medyo napapansin ko ring good mood ang bakla at mukhang 'di namomroblema sa gastusin ng pamilya. "Naiingit ata" pagdagdag pa nito. Maybe?

"Good to hear then, iingay na naman rito dahil kay be..." hindi ko pa man natatapos ang pagsasalita ay agad itong naputol na lakas ng salita ng kararating lang na bakla.

Umirap muna ito at tinaasan kami ng kilay. "Mga tsismosa ng taon! Bakit pangalan ko ang topic aber? Hi nurse letty." Pag iintriga nito. Nakasuot na ito ngayon ng uniform. Aba, mukhang tama ang sabi ni nurse letty. At sa ganitong oras talaga siya pumasok ha? Magpapasado 10am na. 'Di na naman ito pinansin dahil mas iingay lang kami sa pag tatrabaho.

Nagbasag ang katahimikan ng magsalita ulit si benj. "Ay teh, sinasabi ko sa inyo parang mga tuod ang mga nakakasama kong nagna-nightshift. Kulang ata sa vitamina sa kata.."

"RIVERA, Lower your voice. Nurse janina and sol can manage that icheck mo ang ibang pasyente at hindi yung nagiingay ka lang dyan" hindi namin namalayan ang presensya ng head namin. Sht ang daldal naman kase ni benj! Muntik na tuloy kaming madamay buti nalang at 'di na kami sumagot sa sinasabi ni benj kanina.

Pasadong alas-dos na ng panandaliang ipinatawag ng chief nurse lahat ng mga nurse. Maluwag ang mga case ngayong araw kaya hindi na kami nahirapang makapagtipon tipon. "Attention nurses" tumikhim muna ulit ito bago nagpatuloy sa sasabihin. "The day after tommorow, may mga bagong doctor na darating rito para mag sagawa ng small orientation at dito narin sila madidistino dahil medyo kinukulang na rin tayo sa doctor" nagbulungan ang ibang mga nurses dahil biglaan ang ganitong balita. Usually kase ay iniinform na agad kami ng mas maagap. "They will discuss lahat ng updates about sa basic life support and advance cardiac life support"

Ang kaninang nagsisipag bulungang mga nurse ay mas lumakas na ang usapan.

"Gagastos ba tayo mga sis?" Pagatatanong ni benj sa ibang nurses na kasama namin rito.

"Di naman ata, orientation lang e"

"Sana pogi"

"Biglaan naman?"

Nagkanya-kanyang usapan na ang mga nurse ngunit agad rin itong tumigil ng magsalita na muli ang chief nurse. "There will be no expenses kung yan ang pinagaalala niyo. All you need to do is to make sure na maayos ang bawat station nyo dahil baka makarating ito sa directress. Understood?"

Sabay sabay kaming tumango. Ang iba ay nakahinga narin nang maluwag ng mabangit na walang dapat gastusin.

"Hello Nurse sol" pagbati ng isa sa mga nurse at kumaway naman ang mga kasama nito. Kasalukuyan na kaming naglalakad pabalik sa station namin ng makasabay naman ang mga ito.

"Nako papi jayson ha? ang mga ngiting yan hmm di yan tatalab kay sol" pangaasar ni benj kaya naman nagsitawanan ang mga kasama nitong kapwa nurse din.

Ang ibang nurse na babae naman ay nagkanya-kanya na ng bulungan bago umalis at bumalik sa kanilang assign area.

"Taray talaga ng ganda teh, halos lahat ata ng nurse na lalaking narito at ibang doctor ay nagkakagusto sayo kaya naman andaming nurse na insecured e, share mo kase" may panglolokong sabi naman ni janina at napangiti ako.

ESCAPED /Superiorgirls Series1/Where stories live. Discover now