Nakaupo parin ako sa upuan dito sa loob ng station namin. Nagdadalawang isip pa akong lumabas dahil baka makita ko ito kung saka- sakali. Napaka raming 'what ifs' ang namumuo sa isipan ko.ang kaninang naghihina kong tuhod ay ngayo'y halos di na maitigil dahil sa matinding kaba na nararamdaman ko.Narinig ko pang bumukas ang pintuan kaya napatingin agad ako kung sino ang pumasok. Nakaluwag ako sa paghinga ng si janina lang pala ito at ang ibang nurse. "Anong inuupo-upo mo dyan teh? Maya maya darating na ang head kasama ang mga bagong doctor" sabi pa nito habang inaayos ang mga gamit nya na katabi lang ng gamit kong basta nalang ibinagsak kanina sa subrang pagmamadali. "By the way congrats, tara na nga" tatanungin ko pa sana ito kung anong ibigsabihin nya dun sa 'congrats' ng hablutin ni benj ang buhok ko at kunwari ay ginawa itong jumping rope.
"Haba talaga ng hair, staff nurse of the month na naman" sabi nito sakin habang kunyare ay sinusuklay suklay ang naka tali kong buhok. So iyon pala ang ibig sabihin ni janina?
"Ah? Haha ako ba?" Naiilang na pagsisigurado ko pa rito.habang lumilingon lingon. Di parin talaga maalis sa isip ko ang nakita ko kanina e.
Hinablot ng bahagya ni janina ang braso ni benj "nako sis, itong si Sol kanina pa lutang, oo teh ikaw nga. Ano bang meron at mukhang stress na stress ka?" Hindi ko nalang sila sinagot. Pumunta narin kami sa mismong area pag o-orientationan.
Nagsimula ng maagaw ang atensyon ng lahat ng nurses na narito ng magsalita na ang head nurse namin. May iilang doctor na rin nag start nag start ng orientation, nag bigay sial ng ilang minutong break at mamaya ay ipagpapatuliy ulit ang iba pang ididisscuss. Tatlong doctor lang ang nag talk kanina at nagdiscuss. May mga edad na ito samantalang ang isa naman ay siguro'y nakakatanda lang sakin ng ilang taon.
Mahihinang pagtili ang narinig ko ng ipakilala na ng head nurse namin ang dalawa pang bagong doctor at ganun nalang ang gulat ko ng lumabas sa mismong stage si lui, kasama pa ang isang doctor na palagay koy kasing edad lang nito. Great!
Doctor sya? Halos 2 taon na akong kasal sa kanya at hindi ko manlang alam na doctor pala ito. Sabagay, whats the big deal? I only marry him para makuha ang mana ko kay lolo nothing more nothing less. Plinano ko ang kasal namin kasama lang ang kanyang lola ni-hindi nga ito nagpakita sakin at kung kailan lang kasal namin saka lang sya sumulpot. Hindi manlang nabanggit ni mamita na nakauwi na pala ito, at hindi ko manlang tinanung nung nakatanggap ako ng message galing sa kanya. Urg!
"Everyone, This is Doc Justine together with Doc Charles" pagpapakilala ng head nurse namin. Nagsimula na ulit ang orientation, binanggit nung doc charles ang about sa advance cardiac life support at basic life support at ipinaliwanag naman ni lui, pero wala aklng maintindihan masyadong magulo ang isipan ko. Pagtapos nila ay namang ngumiti ang mga ito sa mga nurse pati narin sa iilang doctor na nandito at lumipat ang tingin ni lui sa kinaruruonan ko kaya naman mabilis akong napatungo.
'Anong gagawin ko pag kinausap nya ako? Shit Sol anong pinagi-iisip mo? Syempre wala. Tinakasan mo lang ito pagkatapos nyong ikasal at nakuha ang last name nito'
Napangiwi naman at a mas lalo pang napayuko dahil sa mga naiisip ko.
"Teh ang pogi nila no? Teh, oy teh ano ban--"
"Ha ano?" Tanong ko pa rito dahil diko maintindihan ang sinasabi ni benj kanina.
"Ewan ko sayo lutang! Janina kausapin mo nga ako" nagbaling si benj kay janina at yun nalang ang kinausap.
Pagkatapos na pagkatapos ng orientation, pinabalik na ulit kami sa kani-kanilang station. Kasama ko naman si benj ngayon samantalang si janina ay saglit na lumabas dahil may kausap sa telepono, nagpaalam naman ito sa head namin.