Tulad ng sabi nito, pagtapos ng event ay nagpaalam lang kami kay mamita at sa iba pa nyang kakilala then inihatid na ako nito saking unit. Mukhang stalker ang lalaking yun, he did'nt even bother himself to ask me where I live at basta nalang itong nagmaneho and then last thing I remember ay nasa harapan na kami ng building ng condo ko. Nagpaalam na ako agad dito kagabi at agad rin naman itong umalis.Pagkagising na pagkagising ko ngayong umaga si janri ang una kung tinawagan. That son of a bitch! Hindi ko parin nakakalimutan ang pang-iiwan nya sakin. Ilang ring pa ang itinagal ng sagutin nito ang tawag ko ...
(Uhmm, morning baby) Inaantok pang bati nito galing sa kabilang linya. Mukhang kagigising lang ng bwesit na pilotong ito.
Pagalit akong sumigaw sa kanya. "IRRESPONSIBLE BASTARD! You left me kagabi nalimutan muna? Idc galit ako sayo, where is dim? Bring him back!"
Nakinig ko pang tumawa ito ng bahagya sa kabilang linya bago nagsalita "chill ok, dadalhin ko jan mamaya. And fyi di naman talaga kita iiwan sana kagabi. You know me sol, but your husband made me. Damn that doctor!" What. Dahil kay lui kaya nya ako iniwan? But why?
Nagusap pa kami saglit ni janri bago ko ibinaba ang tawag. Mamaya nya raw dadalhin si dmitri rito, sabi ko naman ay ako nalang ako nalang ang kukuha rito dahil lalabas din naman ako. Today is rest day, wala akong duty kaya naman uuwi kami ni dim sa nueva ecija, hindi lang pagiging nurse ang inaatupag ko no, para san pa ang pagpapakasal ko at makuha lahat ng minana ko kay lolo kung hahayaan ko lang ang planta nya.
"Ang mga mangga ha, hindi kita pasasakayin sa mga eroplano ko kahit kelan pag di ka nagdala. I swear Dela Merced!" Andito na kase ako sa penthouse ng pilotong to para kunin si dim.
"Sure" tumango ito at umalis na kami agad ni dim. Mukhang bagong ligo ang baby ko ah? Janri is also my other choice na pwedeng pag iwanan kay dim, kaso lagi naman itong busy sa pag aasikasi sa paliparan nila at ngayon lang ito ulit nag oahinga sa kaniyang trabaho.
Ilang oras din ang byahe namin ni dmitri ng matanaw ko sa di kalayuan ang napaka laking gate. Andun ang naglalakihang ukit ng mga letra na nagsisimbolo na pagmamay-ari ng aming pamilya.
HACIENDA ROMUALDEZ
"Señiorita? Diyos ko. Hindi mo naman po sinabing uuwi ka. Sana'y nakapag handa sana kami" pagsalubong ni aleng marta sakin. Ito ang nangangalaga sa masyon habang wala ako. Pinahintulutan ko narin silang dito tumira, sa may maid's quarter dahil ayukong maiwang walang bantay ang masyon. "Nako nay marta ayos lang. Uuwi rin ako mamaya magtitingin lang ako sa planta" tumango tango naman ito.
Pumasok ako sa loob at naupo sa may sala. "Ano po bang maiinom ang gusto nyo? Naku señiorita mas lalo kayong gumaganda," Sabi naman ng isa pang katulong dito. napangiti naman ako sa papuri nito. "Pasabi kay aleng marta wag ng magabala aalis narin ako papuntang planta mamaya maya." Sabi ko at nakita ko naman itong tumango tango.
After 10 minutes of resting ay nagpaalam narin ako sa mga ito. "Ingat ho señorita,"
"Please takecare of my baby ok? Baka ho bumalik rin ako dito next week pag maluwag ang duty ko" napagdisesyunan ko kaseng dito na muna iiwan si dim, matatapos na kase ang vacation ni janri si mace naman ay wala parin dito sa pilipinas. Dim is happy with aleng marta's grandchildrens kaya mas mabuting dito muna ito. I guess? Hindi narin ako dadaan dito paggaling ng planta, baka abutin na akl ng hating gabi e.
Bago ako magtungo sa planta ay dadaan muna ako kina lolo, bumili muna ako sa matandang nagtitinda ng mga bulaklak malapit sa sementeryo saka nagtuloy sa kinaroroonan nina lolo.
Bago ko pa maibaba ang dala kong mga bulaklak ay napansin ko ang bagong lagay na mga puting rosas sa bawat lapida nila. May naunang bumisita sa inyo? Hmm, sino naman?