Chapter 1

74 2 0
                                    

Dedicated to Hawtie_15 creion_14 imagineyron kayangcute13 azyyy_ dior-licious jeonjungkookies_wife maxwell_ladezma Imdsadbitch Thanks!❤️

UMUWI na ang lahat ng mga bisita nila Sazchna,maliban saaming mga kaibigan nila."Paano nga kase kayo nagkakilala?" pilit na pinapa-sagot sa'kin ni Cyhril ang paulit-ulit niyang tanong.

"Masyadong mahabang kwento." sagot ko sakanya at tinungga ang laman ng in can na beer. "Asan 'yung sandals ko?" baka natabunan na ng buhangin.Andito kase kami ngayon sa bonfire

"Makikinig nga kami!" giit niya. "Ano? Scandal?" Malakas na sigaw ni Cyh.

"Boba! Sandals!" nakita ko na ang sandals ko at isinuot na 'yun dahil baka matabunan na naman. "Aabutin tayo ng isang taon dito,wag kanang makulit." sagot ko sakanya.

"Madaya naman! Wag kayong magtatanong sa'kin kung anong love story ko,ha!" nagtatampo niyang sabi.Umiling nalang ako at nauna ng pumasok sa hotel room.

How did we meet?


LONG FLASHBACK

"Ayoko nga po na lumipat ng school,ma!" Kanina pa kami nagtatalo ni mama kung lilipat ba ako ng panibagong school na naman o hindi.

Wala naman akong tinagalan na school, palipat-lipat palagi kapag may nangliligaw sa'kin.Pero akala niya manliligaw lang ang meron ako,di niya alam may kachat na ako.Haha!

"Fine.Hindi ka lilipat,pero bawal ka muna mag boyfriend! Lahat ng lalake manloloko. " Bilin na naman ni mama sa'kin.Paulit-ulit nalang,tuwing tumatawag siya ay ganyan palagi ang bukang bibig niya.

"Ma? Hello,ma? Chopi ka,chopi.M-m-ma h-h-he-hello?B-bye n-na p-po ma,mahina p-po ang signal.I love you.Mwuaps!" nagpanggap ako na mahina lang ang signal,masyado na akong immune sa mga sinasabi ni mama,kesyo si papa daw man-loloko,babaero,wag daw pagkatiwalaan.Hays,bahala sila.

Andito ako ngayon sa condo ko,mag-isa lang ako dahil si mama ay nasa New york para patakbuhin ang company namin. Masyado siyang busy para makauwi kada buwan.Sa isang taon limang beses lang siya umuuwi dito sa Pilipinas,well,wala naman akong magagawa.

Si Papa naman ay busy sa company din namin na isa,napinamana sakanya ng daddy niya.Kada buwan ay pumupunta siya dito sa condo ko para bisitahin ako at para rin bigyan ako ng allowance.

Madaming pera,luho,pagkain at kung ano-ano pa,pero hindi naman 'yun ang pinaka kailangan ko.Aanhin ko naman ang lahat ng 'to kung palagi naman akong mag-isa? Kaibigan ang dumadamay sa lahat ng ganap sa buhay ko.

Wala akong magawa kapag may sakit ako.Last time,inatake ako ng asthma ko,walang ibang tutulong sa'kin. Nagsariling sikap ako sa pag-aalaga ko sa sarili ko dahil kapag pinabayaan ko ang sarili ko pwede ko 'yong ikamatay. Pasalamat nalang ako sa sarili ko dahil Medicine ang napili kong course, nakatulong sa'kin lahat ng napapag-aralan namin.

Gigising sa umaga para magluto ng almusal pagkatapos ay papasok sa school sumunod na gagawin ko pagka-uwi ko ay ang mga homeworks ko,pagkatapos ay magluluto ulit ako ng dinner ko.Kapag sabado naman ay araw ng laundry.Paulit-ulit ang mga nangyayari sa'kin sa araw-araw.

Araw na ng enrollment ngayon.3rd year college na ako.1st year high school palang ako ng umalis si mama at pumunta sa New york.Simula ng umalis siya hanggang ngayon ay pabakasyon bakasyon nalang siya dito sa Pilipinas para dalawin ako.

We met again [Tzusander Series 2]Where stories live. Discover now