Chapter Two
Gay
[A/N: Annyeonghaseyo guyseu 😍 Thank you po sa lahat ng nagbabasa at nagtitiyaga ng kwentong ito 😙 Maraming maraming salamat po. I appreciate it so much po. Salamat 💕
So ayun po. Please do enjoy this chapter. Sana magustuhan niyo rin sila Samuel at Lyna ❤ Maraming salamat po 💕
Ingat po palagi. God bless 💕 Saranghaeyo 💞]
***
Nang makabalik sa classroom ay kitang-kita ko ang talim na tingin sakin ng mga classmate kong mga babae. Umismid ako sa kanila. Iniisip siguro nila na hindi na ko makakapasok.
Mabuti na lang at hindi ako nawalan ng gana pumasok, at least mapapatunayan ko sa mga bwesit na mga babaeng ito na mali sila ng kinakalaban.
May iilan na pumunta pa sakin para lang kumustahin ako dahil hindi ako nakapasok sa unang subject namin. Hindi ko sila pinansin dahil wala naman talaga akong pakealam sa iisipin nila.
"Ang sabi may nakakita raw sa kanya at kay Samuel na magkasama..."
"Oo nga raw. Samuel is holding her! Can you imagine that? Si Samuel gagawin iyon?"
"Napakswerte naman ng babaeng iyan! Bagong bago pa lang pero nakakakuha na kaagad ng mga atensyon,"
“Okay ka lang ba, Lyna?” tanong sakin noong Makki dahilan para mabaling sa kanya ang atensyon ko at mawala sa mga pinagtsi-tsismisan ng mga classmate ko.
Tinaasan ko lang siya ng kilay at hindi pinansin. Nagulat ako nang hawakan niya ang pisngi ko. Napatalon ako sa biglaang ginawa niya.
“Anong ginagawa mo?” tanong ko. Ang hinaplos niya ay ang pisngi kong may band aid.
“Anong nangyari diyan?” may himig na galit na tanong niya saka tumingin sa mga classmates namin. “Sinong may gawa nito sa kanya?”
Natahimik ang mga classamate ko sa tanong niya. Ang mga babaeng kanina ay ang tapang tapang, ngayon ay umaarte na walang alam. Inirapan ko sila.
“Tigilan mo nga iyan, mister.” inis na sabi ko dahil hindi ko kailangan ng mga lalaking pa knight in shining armor. “Hindi mo ko kailangang ipagtanggol.”
Tinignan niya ko ulit. “Pero hindi naman tama na gagawin nila ito.” inis na sabi niya. “Dammit! Unang araw mo pa lang ay napaaway ka na.”
Hindi ko alam pero sa sinabi niyang iyon ay naalala ko ang lalaking iyon sa may clinic kanina. Hindi ko alam kung para saan ang kalabog sa dibidib ko nang maalala ang pagngiti ng lalaking iyon.
“Kapag nakita ko kung sinong mangangahas na lapitan ulit si Lyna at gawin ito, sakin kayo mananagot.” bantang sabi niya para sa lahat.
Nakarinig ako ng mga pagsinghap lalo na ng mga babae na ang sama na naman ng tingin sakin pero nagmumukhang maamo kapag tinitignan ni Makki.
Napairap ako sa sinabi ni Makki. “Tigilan mo nga ako! Hindi ko kailangan ng proteksyon mo! Kaya ko ang sarili ko,” inis na sabi ko.
Tinignan lang niya ko at muling hinaplos ang band aid sa pisngi ko. “I’ll protect you…”
Hindi ko na napigilan ang pag-irap ko at ang pagtabig sa kamay niya. “Leave me alone…” walang emosyong sabi ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Married To My Ex (Griffin Series #3)
RomanceAng sabi nila... Ang araw ng kasal mo ang pinakamasayang araw ng buhay mo pero para kay Lyna it was the most worst thing she have done in her whole life. Minsan na niyang pinangarap ang makasal pero when her boyfriend Samuel broke her heart everyth...