Section 13
Chapter 2***
"Shakit!" sigaw ni Klein. Buti nga sa kanya!
Akmang hahampasin ko siya ulit ng lumuhod siya sa harap ko. "Oy sorry na nga. Di naman totoo yung sinabi ko kahapon. Alam mo ba ang ganda ng kotse mo pati ikaw nai---"
"Oo na. Oo na. Dami mo pang sinasabi." wika ko at umupo sa upuan ko.
"Nga pala Zell gusto mo sumama mamaya sa amin?"
"Saan?"
"May party sa bahay namin mamaya. Sama ka."
"Ayaw."
"Sige na. Tsaka tayo lang naman magkakaklase ang nandun tsaka yung Ate ko." sabi niya at nag-pacute sa harap ko.
"No. Isa pa di ko naman kilala yung iba nating kaklase."
"Sige na. Please. Please." wika niya at lumuhod pa.
"Oo na. Alis na diyan." sabi ko at tinulak yung mukha niya.
***
"Uuwi muna ako. Text mo nalang address ng bahay niyo." wika ko at umalis na ng school.
Pagkadating sa condo ko ay agad akong naligo at nagpalit ng damit.
*1 New message*
From: Kumag (Klein)
2*** ******** *****. Kulay puti yung bahay namin.
Agad akong bumaba at sumakay sa sasakyan ko at pinaharurot ito.
***
"Ate meet Zell our classmate, Zell meet my Ate."
Inilahad naman ng Ate ni Klein ang kanyang palad. "I'm Kaelyn, Klein's older sister."
"I don't do handshakes." I said.
"I see." Napapahiyang sabi niya at binaba ang kanyang kamay.
"Parehas nga kayo ng ugali." bulong niya.
"Are you saying something?"
"Wala. Here upo ka." sabi niya at pinaupo ako sa tabi ni Klein.
---SILENCE---
"Guys magsalita naman kayo. Para namang hindi kayo magkakakilala." sabi ni Ate Kaelyn.
Nagsimula naman mag-ingay itong mga kaklase ko.
"Guys magpakilala muna kayo kay Zell." sigaw ni Klein.
Medyo nagulat ako ng biglang pumila sa harapan ko ang mga kumag except sa dalawa, si Klein at isang lalaking di ko kilala.
"Hi Zell. The name is Brix~" pakanta niyang sabi.
"Jaizer."
"Serix."
"Yow Zell. Ako nga pala ang pinakagwapo sa kanila, Calyx." sabi ng isa with pogi sign pa.
BINABASA MO ANG
Section 13
Teen FictionKrizelle Schmidt is a transferred student in Stawn University. She ends up in Section 13 full of indecorous boy students. There she met the man that will change her life, Klyde Sericlein. In the middle of school year their university faces problems...