CHAPTER 1

5 0 0
                                    

Author's Note:

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

All rights reserved. No part of this story may be reproduced, distributed, transmitted in any form or by any means, without the permission of the author.

This story contains violence, strong language, and other mature contents. Reader's decision is advised.

WARNING: Contains grammatical errors and typos, and I'm sorry with that. If you're perfectionist this story is not for you.

Section 13
Chapter 1

***

"Sumama ka na kasi sa amin Miss." nakangising sabi nung isang lalaki na mukhang drug-pusher.

Naiinis na ako. Nakaharang sila sa daan at kanina pa nila ako kinukulit na sumama sa kanila.

Like, duh, sinong matinong tao naman sasama sa mga lalaking mukhang adik at lasing pa?

"Pakipot pa si Ms. Beautiful eh. Baka gusto niya yung eksayted." sabi nung isa at nagtawanan sila.

Eksayted? Baka exciting.

Pagewang-gewang na lumakad sa akin yung dalawang lalaki. Isang mapayat at isang mataba. "Huwag ka na pakipot Miss. Sumama ka na sa amin at siguradong malalasap mo ang kasarap--este kaligayahan." sabi nung payat sa kanila na akala mo skeleton na sa sobrang payat.

Tsaka, malalasap ang kaligayahan? Yuck!

Bago pa man makalapit ng tuluyan sa akin yung dalawang lalaki ay agad na akong tumalikod.

Nakakadalawang hakbang pa lang ako ng may mahigpit na humawak sa balikat ko.

Tinignan ko yun at base sa itsura ng kamay si Mr. Skeleton (yung payat) yun.

"Bitaw." malamig kong wika.

"Ayoko nga." he playfully said at mas hinigpitan ang pagkakahawak sa balikat ko.

"Tss."

Hinawakan ko yung braso niya at buong lakas na binalibag siya.

"A-Aray.." mangiyak-ngiyak niyang sabi.

Sumugod sa akin yung mataba at akmang susutukin ako ng yumuko ako at sinipa siya ng malakas sa tiyan dahilan para mawalan siya ng balanse.

Hindi ko na hinintay na maka-recover siya at agad siyang sinuntok bmng malakas sa panga. Knockout!

Nakangisi akong tumayo pero agad ding nawala ang ngisi ko ng may humampas ng kung ano sa ulo ko. Arghh!

Napaluhod ako at parang umiikot ang mundo ko. Medyo naging blurred din ang vision ko.

Pumikit ako saglit at umiling. "Palaban siya Boss." rinig kong sabi ng isa.

"Wala akong paki basta kuhanin niyo siya!" sigaw nung leader ata nila at kasabay nun ang pagdilat ng mata ko. Sa una medyo blurred ang paningin ko pero naging maayos na din naman.

Nakangising lumapit sa akin yung lalaki na may hawak na kahoy. Siya yung humampas sa akin kanina! Grrr!

"Sumama ka nalang kasi sa amin Miss para di ka na masaktan." sabi niya at kumindat. Yuck! Panget mo!

"Ba't naman ako sasama sa katulad niyong panget at gunggong?" nakataas ang isang kilay kong saad.

"Hindi kami pangit at gunggong!" galit na sigaw ng leader nila. Pikon! Haha.

Section 13Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon