CHAPTER THREE

544 17 0
                                    

    HINDI MAIGALAW ni Carila ang katawan para lingunin ang lalaking magiging bago niyang boss. Ayaw tanggapin ng kanyang isipan ang mga sinabi nito na ito na ang magiging bago niyang amo. 

    “Carila, may kailangan ka pa ba? May gusto ka pa bang itanong?” basag ni Joshua sa tensyong namamayani sa loob ng opisina nito.

    Napakurap siya at natauhan. “Bakit ako?”

    “Why not, Ms. Salmingo?” tanong ni Shan. Umalis ito sa likuran niya at naglakad papunta sa unahan.

    Doon lang siya napatingin sa lalaki. Wala siyang nababasa na kahit anong emosyon sa mukha nito. Kahit sa mga mata nito ng magtagpo ang mga iyon. Bumilis ang tibok ng puso niya. That kind of beat that she afraid to feel.

    “If you don’t mind, Mr. Wang. May sekretaray po kayo at matagal na siyang naninilbihan sa ama niyo. Ms. Santiago is very efficient secretary and I have no match with her knowledge when it comes to the company. I have a lot to learn.” She said honestly.

    Ngumiti si Shan sa kanya. May nakita siyang aliw sa mga mata nito. Para bang may nakakatawa sa sinabi niya para sumaya ito. “Ms. Salmingo, I very aware of Ms. Santiago ability and skill but I need to replace her and give her the thing she been asking to my father. Gusto niyang lumipat ng hotel ng kompanya kung nasaan malapit siya sa mga magulang nito. I give her what she wants and now I’m looking for a new secretary. Ikaw ang napili ko. Ikaw lang ang tanging nakapasa sa standard ko.”

    “But I’m Shilo’s secretary.” Sigaw niya. 

    Nawala ang ngiti sa labi ni Shan. Tumayo ito ng tuwid at pinakatitigan siya ng malalim. Ito na naman ang mga titig nito na parang hinahalukay ang pagkatao niya. Tumaas ang isang sulok ng labi ni Shan na nagpanindig ng balahibo niya.

    “I’m the CEO of this company, Ms. Salmingo. Ako ang masusunod kaya kahit ang kapatid kong iyon ay walang magagawa. Starting from today, you are my secretary and you will start reporting to me. See you at your working table in fifteen minutes.” Nilisan ni Shan ang opisina ni Joshua.

    Naiwan siya doon na hindi alam ang gagawin. Simula sa araw na iyon ay hindi na niya makakasama si Shilo sa iisang floor. Malalayo na siya sa binata. Nais pumatak ng mga luha niya ngunit agad niyang pinigilan ang sarili. Walang magagawa ang pag-iyak niya. Tumingin siya kay Joshua at yumuko dito. Walang magagawa si Joshua kahit na maki-usap siya dito. Kagaya nga ng sabi ni Shan, ito ang CEO ng kompanya at kahit pinsan ito ni Shan ay wala itong magagawa.

    Lumabas siya ng opisina ni Joshua. Instead of going to her new working table she went to the rooftop. Walang taong pumupunta doon dahil off-limit iyon sa lahat ng mga empleyado. Nakakapunta lang siya doon dahil ginawan siya ng access ni Shilo. Sa roof top lumalapag ang chopper na pagmamay-ari ng pamilya Wang. Madalas iyon gamitin ng ama ni Shan. Pumunta siya sa side ng rooftop kung saan pwede siyang sumilong. Tumayo siya malapit sa railing at pinagmasdan ang mga naglalakihang building. She wanted to clear her mind. Hindi niya alam ang gagawin ng mga sandaling iyon. She doesn’t want to be Shan’s secretary. May nararamdaman siyang kakaiba sa binata na hindi niya mapaliwanag. Ayaw niya din iwan si Shilo dahil masyado na siyang sanay dito. Anong mangyayari sa kanya ngayon?

    Hindi din siya pwedeng magresign dahil malaki ang itinutulong sa kanyang pamilya ng kompanya. Paano na lang ang pag-aaral ng dalawang kapatid niya na parehong scholar ng MDH? Matitigil sila sigurado sa pag-aaral kapag nagkataon at iyon ang huling bagay na nais niyang mangyari. Ang mga magulang niya ay siguradong maghihirap pagnagkataon. Hindi pa siya nakakabawi sa pag-ampon sa kanya ng mga ito.

    Natigilan si Carila ng tumunog ang phone niya na nasa bulsa ng suot niyang office coat. Kinuha niya iyon at nakita ang pangalan ni Shilo. Ilang beses siyang huminga ng malalim bago sinagot ang tawag.

Fallen to my Husband Jerk (Wishing Girl 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon