CHAPTER TWO

537 18 0
                                    

    GUSTONG tumawa ni Shan ng makita kung paano nandilim ang mukha ng kanyang kapatid. Natutuwa siyang makita ang galit sa mukha nito. Sigurado siyang walang alam ang kapatid sa pagdating niya at sa balak na pagkuha sa pinapangarap nitong posisyon. Sigurado din siya na hindi sinabi dito ng kanyang ama ang tungkol sa kanya. 

    ‘They make you fool, my little brother.’

    Inalis niya ang tingin sa kapatid at tumingin sa babaeng nagsasalita kanina. Hindi niya ito kilala pero natutuwa siya sa nakikitang reaksyon mula rito. Puno kasi iyon ng paghanga. What’s the new? Ganoon naman talaga lagi ang reaksyon ng mga babaeng nakakakita sa kanya pero pasensya na lang. He have this rules on his self. No affair inside the office. Kapag trabaho ay trabaho lang. Binigyan niya ng mapang-akit na ngiti ang babae.

    “The floor is yours, my lady.” Sabi niya at tinalikuran na ito.

    Naglakad siya sa isang bakateng upuan. Katapat lang ng upuan na iyon ang upuan ng kapatid. Katabi niya ang Tito Zhel niya. Agad siyang sinalubong ng isang mahigpit na yakap ni Tito. Mula noon ay nakasuporta na sa kanya si Tito Zhel. Mas naging ama pa nga ito kaysa sa kanyang ama. Pagkatapos siyang yakapin ni Tito Zhel ay umupo na siya. Muli siyang napatingin sa kapatid. Wala sa kanya ang tingin nito. Nakatuon na ang mga mata sa babaeng nagsasalita pero hindi pa rin nagbabago ang emosyon nakasulat sa mukha ng kapatid. Napangiti siya. Sigurado siyang kumukulo na ng mga sandaling iyon ang dugo ng kanyang pinakamamahal na kapatid.

Aalisin na sana niya ang tingin sa kapatid ng may mahagip ang kanyang mga mata. Napansin niya ang babaeng nakaupo sa likurang bahagi ni Shilo. Nakatingin ang babae sa kapatid niya. Nagsalubong ang kanyang mga kilay ng mabasa ang emosyong nakasulat sa mukha nito. The woman seems to be worried. Sino naman ang inaalala ng babae? Napatingin siya sa kapatid at muling bumalik sa babae. Napangisi siya ng mapatanto kung para kanino ang paga-alalang tingin na iyon ng babae. There is something about the lady in pink. Pinagmasdan niya ang babae. Maganda ito. Maamo ang mukha. Mahaba ang itim na buhok nito na  matuwid pero may manipis na kulot sa dulo. Hindi rin makapal ang buhok nito. Her heart shape face suit her pointed noise and thin lips. Her kinky eyes that look seductive makes him want to know her more. Bumagay ang manipis nitong pilik mata at kilay sa mga mata nito. Maputi din ang babae at may manipis na bangs.

Maganda ang babae pero kung titingnan ay regular lang ang gandang taglay nito. May mas magandang babae pa siyang nakilalakaysa dito pero kakaiba ang hatak nito sa kanya lalo na ang mga mata nito.

Mukhang napansin ng babae na may nakatingin dito kaya bigla itong tumingin sa kanya. Sinalubong niya ang tingin ng babae. Binigyan pa niya ito ng matamis na ngiti ngunit umiwas lang ito na para bang isa siyang nakakapasong bagay. Napangisi siya. May nabuhay na tuwa sa puso niya. 

‘Hard to get.’ Tumingin siya sa kapatid. ‘I wonder if my little brother beds you already.’

Pero siya din ang sumagot sa tanong niya. Alam niyang hindi pumapatol ng basta-basta si Shilo. Ma-ingat ito sa reputasyon nito. Masunurin itong anak kaya nakaka-asa siyang wala itong pinapatulan kahit isa sa loob ng opisina. Kawawa naman ang babaeng ito. Siguradong tatagal lang ito sa opisina ng hindi napapansin ng kapatid. Maganda sana ito kaso ang pangit ng taste sa lalaki.

Inalis niya ang tingin ng marinig ang pagtawag sa pangalan niya. Nakatayo na pala sa harap ang kapatid.

“Sir Wang, can you join us here in the front?” tanong ng babae.

Ngumiti siya. “No need. Just go to the voting.” Aniya.

Hindi siya sumusunod kahit kanino. Iyon ang batas niya. Mukhang napansin ng babae na seryuso siya na hindi tatayo sa harap kaya muli itong nagsimula. “Now, we are all know who's the candidates for the position of the CEO. Can we do the voting now?” tumingin ang babae sa kanyang kapatid. “Who are going to vote for Mr. Shilo Wang?”

Fallen to my Husband Jerk (Wishing Girl 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon