GAILLE's POV
Pinapatawag kami ni Teacher Joan na pumunta sa court A para sa volleyball practice. Classmate vs. Classmate muna kami ngayon. Si Lucy 'yong Team Captain sa Team A. Si Irish naman ang Team Captain sa amin.
Nakita ko naman na dumating si V. May dala siyang tubig pero hindi para sa akin. Lol assuming. Kumaway siya kay Lucy.
"5 minutes Water Break!" Sigaw ni Teacher Joan.
Pinuntahan ko muna bag ko para uminom ng tubig. Napatingin ako sa direction nila V. Nakakaingit naman.
"Oy, Anong tinitingin-tingin mo sa kanila?" Biglang sabi ni Sam sa akin.
"Wala lang. Oh ikaw, Saan na ang Jin mo?"
"Binibilhan ako ng tubig. Andyan na nga siya eh. Hi husbunny!" Sabi niya sabay salubong kay Jin na nasa likod, kararating lang.
Husbunny talaga! Pumito na si Teacher Joan which means balik na naman kami para maglaro."Gaille, ikaw na magserve." Sabi ni Irish sabay bigay sa akin nang bola. Kinabahan ako nang nakita ko si Lucy sa unahan.
Naserve ko na yung bola napalakas yata ang pagpalo ko. Crap! Natamaan ko si Lucy. Natamaan ko siya sa ulo at natumba siya. Lumapit sa kanya lahat ng kateammate niya. Ganun na din kami.
"Lucy, okay ka lang ba. Sorry, hindi ko sinadya. Nagserve lang ako ng bola." Sabi ko sa kanya. Hindi ko 'yon sinadya, sadyan hindi lang siya naka-ilag sa bola.
Bigla naman dumating si V at tinulak kami. Grabe ang concern niya sa girlfriend niya. Omg baka pagalitan ako ni V nito. Baka mag-aaway na naman kami.
"Lucy, okay ka lang ba. Saan ba masakit? I will take you to the clinic." Alala niyang tanong kay Lucy.
"Masakit ang ulo ko." Sagot ni Lucy.
Biglang dumating si Teacher Joan.
"What happened girls?" Tanong ni Teacher Joan.
"Natamaan po ng bola si Lucy." Sagot ng ka-teammate ko.
"Take her to the clinic. Let her rest."
Kinarga naman ni V si Lucy in a bridal style. Pumunta sila sa clinic kasama si Teacher Joan. Akala ko magagalit sa akin si V buti na lang. Ang OA naman ng Lucy na 'yon. Pero baka masakit talaga.
"Gaille, hindi mo kasalanan." Sabi sa akin ni Sam.
"Hindi ko naman sinabi na kasalanan ko noh." Biro ko kay Sam at uminom ng tubig.
"Alam mo Gaille, kasalanan 'yon ni Lucy kasi hindi niya tinamaan 'yong bola." Sabi ni Irish
"Oo nga kasi siya yung natamaan." Sabi naman ni Dawn.
"Tama nga kayo! Apir nga tayo diyan. Pabebe kasi, team captain pa naman." Sabi naman ni Sam. Kontrabida talaga ang babaeng 'to. Pero nag-aalala pa rin ako.
Magagalit kaya sa akin si V sa akin? And, Talking about V, dumating siya.
"Sinong nakatama ng bola?" Galit niyang tanong. Lahat sila hindi makapagsalita. Ako lang naman ang sagot sa tanong niya.
"Ako." He gave me a glare tsaka niya ako hinigit patungo sa hindi kalayoan lang sa court A.
"Sa susunod, magingat ka. Wag mong sasaktan si Lucy. Alam ko na sinadya mo na tamaan siya." Galit na sabi niya sa akin.
BINABASA MO ANG
Prince Charming Mayabang
FanfictionCover credit: fychanbaek (REVISING AND EDITING ESP THE CHARACTERS HIHIHI - 16/48) Meet Vincent Cullens known as V. He is the "Prince Charming Mayabang". The guy na hindi inaasahang makakasalubong ni Gaille Nam sa elevator. Hindi niya ina...