Chapter 35: Advantage

389 28 0
                                    

Author's note: Guys please vote and comment.

Ex Girlfriend

Sinagot ko ang text sa akin Jake.

Me: masaya naman ako sino nagsabing hindi? wag mo ng pansinin kung my sinabi si Nic nag aalala lang yun

Jake: mamaya lalabas din ako,diba sinabi ko naman sayo na masama ang pakiramdam ko a

Me: bahala ka.. alas dose na wala na ko sa labas sleep na ako goodnight!

Jake: ikaw bahala. nyts!

Walang pang limang minuto ng makatanggap na naman ako ng text galing sa kanya.

Jake: madam pahiram ng broadband mo at laptop gagawa ako ng reports

Me: okay

Lumabas ako para ibigay sa kanya yung hinihiram niya at babalik na ako sa kwarto.

"Madam tulungan mo muna ako dito." Nasa labas kami ng garahe ngayon kasama yung iba nilang kamag anak.

"Lakas trip ka rin no tulog na lahat tsaka ka lumabas tas idadamay mo pa ako." Sabi ko sa kanya pero umupo parin naman ako sa tabi niya.

Habang gumagawa siya ng reports ay pinagpatuloy nalang namin ang inuman.

"Madam umiiyak kaba kanina?"

"Di ahhh naiinggit lang ako kila Nic kumpleto sila pinapauwi na nila ako."

"Uuwi ka?"

"Uo siguro bukas ng umaga? pero hindi na ako magpapahatid sayo."

"Bahala ka." Walang gana niyang sagot. Wala talaga siyang pakialam sa akin.

"Tito wala ng alak bibili paba tayo?" Tanong ng pamangkin niya.

"Madam iinom ka paba para magpapabili ako ng san mig lights."

"Okay sige dalawa nalang."

Inabot niya yung five hundred sa pamangkin niya para bumili ng alak.

"Oh ikaw nalang bumili mag isa wag mo na isama si Jan."

"Hindi pwede walang mag bibitbit." Rason niya kay Jake.

"Ano iiwan niyo kaming dalawa bumalik ka dito." Utos niya pero wala na dahil pinaharurot na nila ang motor.

Hindi ko maintidihana anong issue ni Jake kung maiwan kaming dalawa parang lagi siyang awkward sa akin. Lalapit palang ako lumalayo na siya.

Dati naman kahit dalawa lang kami ay ayos lang marami kaming napag uusapan at walang ilangan pero madaming nagbago.

Magkasama kami pero ang pakiramdam ko ay malayo kami sa isat-isa.

Walang nagsalita sa aming dalawa simula ng umalis yung dalawa para bumili ng alak hanggang sa makabalik sila tanging tunog ng kuliglig ang naririnig ko. Mapapanisan ako ng laway.

Pagbalik nila ay tsaka lang uli siya nagsalita. Hindi ko makuha anong trip niya hinayaan niya akong sumama pero parang hindi naman niya ako nakikita.

"Mamalengke tayo." Biglaan niyang sinabi sa amin. "Tas magluto tayo ng almusal gulatin natin sila dito sa bahay na pag gising nila may almusal na."

Ayokong mag assume na sinadya niya to para makalimutan ko yung balak kong pag uwi o sadyang nakalimutan niya lang kaya bigla siyang nagyaya.

Nang mag ala singko ay nagpasya na kaming magpunta sa palengke dala dala ang jag na may lamang alak. Kasama namin ang dalawang pamangkin niya.

Perfectly Imperfect (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon