Chapter 42: Your one of my inspiration

431 28 0
                                    

Author's note: Guys please vote and comment.

Your one of my inspiration

Unang araw ko sa trabaho ang ginawa lang namin ay introduction ng company, rules and regulations at kung ano ano pa. Mabilis natapos ang araw na pinagpapasalamat ko  dahil wala ako sa mood.

Lunes na lunes pero nasa bahay si Nic hindi niya man ipahalata alam ko na nag aalala siya sa akin.

"Madam kamusta yung work mo?"

"Okay naman may crush na nga kaagad ako eh hahaha." Tumawa ako ng peke.

"Madam tinext ko si Jake."

"Ah talaga anong sabi?" Kunwari ay walang interes kong sagot.

"Tinanong ko siya kung sino yung Bianca sabi niya lang sakin sabi na ikaw unang magtatanong."

"Baka akala niya inutusan kita."

"Hindi naman siguro. Madam ano ng nararamdaman mo titigil kanaba?"

Hindi ko sinagot yung tanong niya iniba ko yung usapan at patuloy akong ininom yung alak namin wala naman kasing problema kung mag inom ako dahil hapon ang pasok ko.

Pero nang tinamaan na ako ng alcohol sa katawan bumuhos na naman ang emosyon ko.

"Akala ko Nic pag nagka gf siya magiging okay na ako syempre di ko na siya kailangan kulitin hindi na ako pwedeng sumama sama sa kanya kase meron nang may ari sa kanya."

Nakatitig lang si Nic, tahimik. Sa palagay ko ay wala na siyang masabi at hinahayaan niya akong maglabas ng sama ng loob.

"Sa bagay hindi naman talaga sakin yung role na yun ipinilit ko lang. Meron naman talagang may ari nun pero t*ngina ang sakit pala para kong pinapatay." Hindi ko na napigilan at nag unahan na naman yung mga luha ko.

"Madam hindi ko na alam ano yung sasabihin namin sayo basta makikinig nalang ako. Andito lang ako."

Eto ang pinaka tama sa lahat. I don't need advice ang kailangan ko yung taong dadamayan ako at makikita kung gaano ko nasasaktan, yung taong mag papaalala sa akin ng mga bagay na to someday habang tinatawanan ko nalang.

Ilang araw pa ang lumipas ay naging abala na  ko sa training ko paminsan minsan sumasagi siya sa isip ko pero natatabunan din kaagad dahil sa trabaho. Tama nga sila pag nakahanap ako ng ibang mapaglalaanan ng atensyon ko ay malilimutan ko rin siya ng dahan dahan.

Holiday bukas. Nakatanggap ako ng text kay Jake na magpakita naman ako sa kanila nag aalinlangan ako magpakita pero sa huli ay doon parin ako dumiretso pagka galing sa trabaho.

Ilang linggo na ang lumipas siguro dapat ko na siyang harapin ayokong isipin niya na hindi ako masaya para sa kanya.

Pagdating sa shop niya nagsara na sila at dito nalang daw kami mag hangout. Ako, si Jake at si Cis lang ang nandito nung una ay nagkukwentuhan lang kaming tatlo hanggang sa nagpabili siya ng alak at nag inuman kami.

Habang tumatagal yung inuman wala akong narinig na kahit anong balita o kwento sa bagong gf ni Jake at hindi ko na sinubukan magtanong.

Magkaharap kami ngayon iniwan kami ni Cis. Nakayuko ako hindi ako makatingin sa kanya ng magsalita siya.

"Madam maganda pala yung starting over again tungkol sa closure." Alam ko ang ibig niyang sabihin. "Siguro ay kailangan talaga yung closure." Tumawa lang ako sa sinabi niya.

"Haha kwento mo sa pagong, kanino ka naman makikipag closure e lahat yata ng babae sinaktan mo." Kunwaring biro ko pero totoo.

"Madam naalala mo yung nakwento ko sayong ex ni Ryan, yung red." Inalala kong mabuti at naalala ko naman.

"Oo, yung nakilalan din nila Josh."

"Alam mo may bestfriend yun naging kaclose ko lagi kaming magkasama magkausap magkatext lagi akong nasa kanila kaclose ko ang mga kuya at pinsan niya. Nagexpect siya na magiging kami pero hindi nangyari nawalan kami ng communication tas naka block ako sa fb niya isang araw nabalitaan ko may asawa na."

Nagulat ako, hindi ko pinahalata parang storya ko bestfriend ko si Nic at ex niya si Ryan and nakilala ko si Jake at kagaya nila nung bestfriend ni Red ay ganun din ang naging gawain namin ni Jake, pero kahit parehas ng story alam kong may ibang version parin to. Hindi ako mag aasawa para lang maka move on kung ganun ang iniisip niya. Hindi pa naman sira ang tuktok ko para umabot sa ganoong bagay.

"Kelan mo naman siya nakasama?"

"Bago kita makilala." Nice. Wala naman siguro akong kinalaman sa nangyari sa kanila.

"Naalala mo ba paano tayo nagkakilala." Tanong pa niya uli.

"Sa bar? nung tumugtog sila Ryan."

"Uo dahil sa donut diba? galit na galit ka sakin dahil sinabi ko na lolobo ka dahil sa donut."

Natawa nalang ako marami rin pala siyang naaalala.

Iniba ni Jake ang usapan. "Madam alam mo ba na pinaka masayang pagsasama natin sa palengke. Napasaya mo ako nun."

"Huh?"

"Hindi mo alam diba? syempre hindi ko pinapakita sayo." Hindi ako makasagot at bakit bigla siyang nag gaganto.

"Hindi mo alam pero napapasaya mo ako napasaya mo ako. Thank you." Hindi gumaan yung loob ko napasaya? eto lang ba talaga yung kinahinatnan ng lahat napasaya ko lang siya.

Dumating si Cis. "Ay nakakaistorbo ba ako?'

"Hindi wag kang umalis samahan mo kami."Pigil ko sa kanya ng akmang aalis uli siya.

"Nagpupunta paba sila Migz dito nakakasama mo paba sila?" Tanong ko kay Jake na nakatayo sa may dulo at may inaayos.

"Hindi na bahala sila kung iniiwasan nila ako lahat ng sinabi nila sa akin ginagawa kong inspirasyon para mapabuti ako."

"Baka naman mali kalang ng pagkakaintindi."

"Kagaya mo madam isa ka sa inspirasyon ko."

"Madam inspirasyon ka daw niya." Bulong ni Cis sa akin.

Iba ang ibig sabihin ni Jake at alam ko saan mauuwi ang usapan na ito.

Nagsalita uli siya at tinuloy ang sinabi kanina.

"Isa ka sa inspirasyon ko lahat ng masasakit na salitang sinabi mo sa akin tinatandaan ko at ginagamit kong motivation para mapabuti pa ako."

"Ako? eh yung mga sinabi mo sa akin? kailangan ko din bang gawing inspiration yun?"

Hindi na ako naghintay na makasagot siya, dinampot ko yung bag ko tumayo at umalis.

Bakit baliktad ang sitwasyon. Hindi ba dapat ay sa akin lumabas ang mga katagang yun. Hindi ba dapat na ako ang mas mapabuti dahil sa lahat ng sakit na naibigay niya.

Perfectly Imperfect (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon